Sa Gitna Ng Ulan

25 2 0
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names,characters,businesses,places,events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person,living or dead or actual events is purely coincidental.

All rights reserved.No part of this story maybe reproduced,distributed or transmitted in any form or by any means,including printing,recording or other electronical or mechanical methods,without the prior written permission of the author.

This is a boys love one shot, at kung ayaw mo sa ganitong klase ng istorya ay bukas naman ang pintuan pati ang bintana para ikaw ay lumabas sa pahinang ito (lol).

Ang totoo niyan, ang gawa kong ito ay ginawa ko bilang final requirement sa isa sa aking subject ngayong taon. And I decided to post it kase gusto kong ishare ito sa inyo! Maaaring marami kayong maling mapupuna, pero sana ay maging maayos naman ang pagsasabi niyo nito, handa akong magimprove kung kinakailangan (sana all). Yun lang, nawa ay magustuhan niyo ito.

*************************************

M A R I O

Nangyari ang lahat ng bagay na ito isang gabi habang ako'y naglalakad pauwi sa aming tahanan.

Halos maghahating-gabi na nang mga oras na iyun, subalit naglalakad parin ako sa kahabaan ng Crisostomo street.

Hindi naman talaga ako aabutin ng ganitong dis- oras ng gabi kung hindi lang nagpatawag ng meeting ang aming adviser sa publication office at kung hindi rin umulan ng ganito kalakas.


Ang totoo niyan, kanina pa tapos ang aming ginawang pagpupulong, ang kaso ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kung kaya't natengga ako sa may waiting shed katapat ng aming school campus.

Kung hindi ka rin nga mamalasin, wala pang dumadaang taxi sa mga oras na iyun kung kaya't napagpasyahan kong lumakad nalang.

Hindi naman ako natatakot dahil lalaki naman ako, at wala naman sigurong mananamantala sa akin sa gitna ng aking paglalakad.

Malakas ang buhos ng ulan ng mga sandaling iyun, na halos natabunan na ang ibang mga ingay sa aking paligid, sabayan pa ng malakas na pagkulog at manaka-nakang pagkislap ng kalangitan.

Tila binabaril din ako ng daang daang mga mabibigat na patak ng ulan kung kaya't mabagal ang aking pagusad.

Basang basa na ang laylayan ng suot kong pantalon at halos lubog narin ang aking paa sa tubig.

"Wala namang bagyo ngayon, pero bakit ang lakas ng ulan? Kainis!" ang bulong ko sa aking sarili.

Maya maya pa, sa gitna ng aking paglalakad ay may napansin akong lalaking duguan sa gitna ng kalsada, ilang metro ang layo mula sa aking kinatatayuan.

Pilit kong inaaninag ang kalagayan ng lalaki habang marahang iniikot ang aking paningin sa paligid.

"Hindi kaya may mga masasamang tao ang gumawa sa kaniya ng ganyan at nagiwan sa kaniya dito sa gitna ng kalsada?" nanghihilakbot na tanong ko sa aking sarili.

Wala naman akong balak tulungan ang lalaki, takot ko lang na baka ako naman ang balikan ng mga taong may kagagawan nito sa kaniya kung sakali mang mangialam ako ng tuluyan.

Subalit nang mga sandaling nakalagpas na ako ng tuluyan sa kinatatayuan niya ay tila sinusundot naman ako ng aking konsensiya.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Eto na naman tayo" bulong ko sa aking sarili.

Maya maya pa nga ay nakita ko na ang aking sarili na nakatayo sa harapan ng lalaki.

Sa Gitna Ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon