** Chapter 01.

14 0 0
                                    

** Chapter 01 - The Break-up.

" Ayoko na! Ang kapal ng mukha mo! Break na tayo! " sigaw ko kay Louie.

" Wait, Keish. 'Wag mo naman gawin sakin 'to. Let me explain first. " natatarantang tugon niya sa sinabi ko.

" Explain? Eh, kitang-kita ko na ang lahat! Magsama kayo ng babae mo! Go to hell! " sabay bato sa kanya ng singsing na binigay niya sakin nung 2nd Anniversary namin.

" Keish... I love y--- "

" You love me? Nagbibiro ka ba? Gasgas na yang linyang yan. Sana bago ka nambabae, naisip mo yan. " putol ka sa sinasabi niya.

Tumayo ako at nag-umpisang maglakad palayo. Huminto ako sandali at sinabi ang mga salitang nagpadurog sa puso ko.

" Sana maging masaya ka... Kasama siya. "

Pagkasabi nun, a tear fell from my eye. Tuluyan na akong umalis. Tumakbo ako palayo... Palayo sa kanya.

Sa isang swing, tumigil ako at naupo.

Gusto kong magpahinga. Pagod na akong tumakbo at umiyak.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Sunud-sunod nagsi'tulo ang mga luha ko.

Siguro, dahil sa galit at dahil na rin sa sakit.

Oo, masakit... Masakit maloko.

Minahal ko siya eh. Pero, niloko niya ako.

It was this afternoon when I caught him.

-----

[Flashback]

I was with Asha and Keith. Kalalabas lang namin ng National Bookstore and we're about to watch a movie. 

" Keish, diba si Louie yun? " tanong ni Asha sakin.

Nang tignan ko ang direksyon na tinuturo niya, nakita ko si Louie.

Hindi ako makapagsalita sa sobrang shock.

" Hala. Girl, okay ka lang? " nagaalalang tanong ni Keith sakin.

" H-huh? Oo. " nauutal na sagot ko. 

" Anong okay lang!? May kasamang ibang babae ang boyfriend mo, tapos okay lang sayo!? Hindi pwede! Tara, susugurin natin! " sabay hatak ni Asha sakin.

Huminto ako at tumanggi.

" H-hindi na Asha. Malay natin walang malisya diba? "

" Hay! Ba't ba napakamartyr mo Keish!? Can't you see? He lied! Ang sabi niya, may gagawin siyang project. I was there nung sinabi niya yun. Pero nandito siya sa mall ngayon at may kasama na ibang babae. Yan ba ang tinatawag na project, ha? "

" Sabagay. May point si Asha, Keish. " pagsang-ayon ni Keith.

" See! Sinamahan ka namin mamili dahil wala kang kasama at hindi ka masasamahan niyang boyfriend mo ksi may project siyang gagawin. Project pala ha? " nakangising sabi ni Asha.

" Pero--- " hindi pa ako tapos magsalita at sumabat na si Asha.

" Walang pero'pero. Kung ayaw mo silang sugurin, sundan nalang natin ng patago. Tara na. " pagkasabi nun, nauna na siyang sumakay sa escalator na sinakyan nina Louie kanina.

Sa totoo lang, ayokong sundan sina Louie dahil natatakot ako... Natatakot akong malaman ang totoo. 

Paano kung niloloko nga niya ako? Anong gagawin ko?

" Buti nalang mahaba ang pila sa sinehan, nadatnan pa natin sila. " sabi ni Asha pagkaakyat namin.

" Keish, bakit 'di mo kaya tawagan? Tignan natin kung magsasabi siya ng totoo. " suggestion ni Keith.

A Concealed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon