Church

14 1 0
                                    

"Babe, anong gusto mong kulay ng gown sa mga magiging bridesmaid natin?" -tanong ng boyfriend kung si kyle.

"Hmm ano nga ba, Pink na lang at may kunting red babe! maganda kasi sila pag pinagsama!"-sabi ko sa bf ko sabay hilig sa balikat nya.

"Yan nagiging theme color ng kasal natin" -nakangiti niyang sabi habang sinusuklay yung buhok ko.

"Tayo kaya sa huli babe?"-seryuso kung tanong sa kanya.

"Oo naman I will do my best na maging tayo sa huli pangako yan."-sabay kuha niya sa daliri kong pinakamaliit para mag pinky promise.

"Pinky promise yan ahh?"- habang nagpipinky promise parin kaming dalawa.

"Yup babe! I love you babe."-sabay halik niya sa aking noo.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

"Antagal naman ng Bride!"-pag-rereklamo ko.

"Be patient Iccie, darating din yan!"- saway ng kaibigan kung si sherley.

"Hays! Ano pa nga ba, Bat madaming ikinasal ngayong araw halos diko mabilang? " -umayos ako sa pag-upo at isa isang tinitingnan ang mga brides maid na nasa kanilang upuan.

"Ewan ko nga din eh! Baka nagkataon lang." -sagot ni sherley na nagpalinga-linga din.

Habang comportable akong naupo sa upuan ko tumunog na yung tugtog hudyat na may papasok ulit na bridesmaid at ikakasal.

Lumingon ako sa likuran ko at namangha ako sa aking nakita ang ganda ng mga gown ng bridesmaid..

"Ang ganda bes noh?" -sabay harap kay sherley.

"Nice combination color, Ang ganda pala ng pink at red pag pinagdikit noh!" -manghang sabi ng Sherley.

Ganyan din sana gown ng mga magiging bridesmaid sa kasal namin kaso wala eh! (Sabi ko sa isip ko)

Natapos na din  mag marcha ang mga bridesmaid na naka gown ng pink/red color.

After a minute.

"Oh ayan na pala, kaibigan natin oh!" -excited na pagkasabi ng kaibigan ko.

"Ang ganda niya sobra." -mangha kong saad habang nakangiting tumingin sa kaibigan naming ikinasal.

"Sinabi mopa!" -sang-ayon ng kaibigan ko.

Habang nagmamarcha kasabay ang kanyang magiging asawa..

Kung nagtataka kayo bakit magkasabay ang bride at groom at hindi naghihintay ang groom sa gilid ng altar dahil marami silang ikinasal.

Pagdating ng kaibigan kong ikakasal at magiging asawa niya sa pwesto nila ay sumunod naman yung bride at groom ng pink and red gown na bridesmaid.

Muntik na akong matumba sa kina-tatayuan ko ng ma-aninagan ko ang mukha ng isang lalaki na masayang-masaya habang naglalakad sa gitna kasama ang bride niya.

Hindi siya nakikita neto dahil sa dami ng ikakasal at medyo nakatago siya sa isang babae.

Tinitigan ko siya ng mabuti habang di mawaglit ang ngiti sa kanyang labi na umabot hanggang tenga.

"Is this real?" -di makapaniwalang tanong ko sa aking sarili.

"Teka iccie, diba si kyle yan?" -tanong ng kaibigan ko habang tinuro si kyle na masayang-masaya.

"Now I know! Kaya pala red and pink yung gown ng bridesmaid eh!. Di man lang naghanap ng ibang color. Tsk!" -habang nagsisimulang tumulo ang mga luha sa aking mata.

"Shhh, You don't deserve him!" -pagpapatahan ni sherley sakin.

"Hang sakit pala noh! Makita yung taong minahal mo ng sobra na ika-ka-sal sa iba.! And worst
sabay pa talaga sa kasal ng kaibigan natin, what a coincedence!" -sobrang sakit.

Tumingin ako sa pwesto ng ex ko na makikita talaga sa kanyang mga mata kung gaano eto kasaya.

Nasan na yung sinasabi mong I will do my best mo para maging tayo sa huli may pa pinky-pinky promise kapa tapos ikaw din pala ang unang bibitaw.

"Promise Is Always Broken" -saa ko habang patuloy paring umaagos ang  luha sa aking mata na nakatingin sa kaniya na masayang masaya.

#Pasensya na kung may wrong grammar o spelling😅

Promise Is Always BrokenWhere stories live. Discover now