Naalala ko dati nung bata ako sobra akong nasaktan no'n kasi iniwan kami ni papa sumama s'ya sa bagong n'yang pamilya.
Gabi-gabi ko nalang din nakikita si mama umiiyak dahil kay papa. Sobra ako naaawa sakanya no'n gustong-gusto ko puntahan si papa no'n sa bahay nila para pakiusapan na bumalik na sya samin kaso 'di ko magawa.
'Diko na rin makausap si mama no'n dahil lagi nalang siya nakatulala minsan naman nakikita ko s'ya umiiyak tapos nagkukulong sa kwarto 'di ko alam gagawin ko sa mga oras na 'yun gusto ko sumuko no'n at magpakamatay pero 'di ko magawa dahil inaalala ko si mama dahil only child lang ako at baka kasi isang araw bumalik rin si papa samin .
Lumipas ang ilang linggo no'n ganon parin ginagawa ni mama ."Ma , hanggang kailan mo'to gagawin" tanong ko kay mama habang pinupunasan ko mga luha pumapatak galing sa mata ko .
Hindi ko alam 'yun na pala ang huling araw ni mama sobrang sakit dahil nawala na sakin ang lahat, si mama at si papa wala na sakin.
Nandito ako ngayon sa park kung saan takbuhan ko pag umiiyak ako o 'di kaya sobra'ng lungkot ko.
Umiiyak ako ngayon sa park, nakaupo ako sa swing wala ako pake kung may nakakakakita sakin maya-maya may naramdaman akong may tumabi sakin pero diko pinansin yun
"Ma ,ba't naman ganon iniwan mo 'ko alam mo naman ikaw nalang ang natitira sa'kin e, ang daya mo naman ma dapat sinama mo nalang ako" umiiyak na sabi ko habang nakatingala sa langit bigla may tumahol na tuta " aw aw aw aw" napatingin ako sa tabi ko, 'yun pala ang tumabi sakin kanina.
Dahil mag gagabi na napagdesisyon ko na umuwi, nung naglalakad na ako feeling ko may sumusunod sakin pag tingin ko sa likod ko yung tuta pala sumusunod sakin tinitigan ko lang sya nakaramdam ako nang awa sakanya kasi mag-isa na rin s'ya at wala yatang nag aalaga sakanyan.
Nagpagdesisyon ko nalang isama ang tuta sa bahay namin nung nasa bahay na kami pinakain kuna sya kasi halatang gutom na s'ya.
Lumipas nang ilang taon at ngayon araw ang ika-pitong birthday ni bruno,ngunit imbis na masaya ay malungkot ang nararamdaman ko. Dahil nagkasakit si bruno ng hindi ko alam ang dahilan.
Sobrang saya ko kasi dumating si bruno sa buhay ko tuwing umiiyak ako nandyan s'ya . Tuwing malungkot ako pinapasaya nya ako minsan nga kinakausap ko pa s'ya e kahit " aw aw" lang sagot nya feeling ko sinasagot nya mga tanong ko.
Naalala ko pa no'n nangako ka na hindi mo ako iiwan katulad ng ginawa sa'kin nila papa at mama.
"Bruno pangako mo sakin na kahit anong manyari 'di mo'ko iiwan ah" sabi ko sakanya sabay himas sakanya. "aw aw aw" tahol ni bruno.Nandito ako ngayon sa likod nang bahay namin kung saan dito ko ililibing si bruno sobrang sakit kasi iniwan na naman ako nang minamahal ko.
"Bruno naman e bat naman ganun ikaw nalang meron ako e tapos iiwan mo'ko pano na ako nito". Tanong ko kay bruno kahit alam ko hindi na ako nito naririnig.
Tulog na mahal ko,
Hayaan na muna natin
Ang mundong ito
Lika na tulog na tayoTulog na mahal ko,wag kang
Lumuha malambot ang iyong kama
Saka na mambroblemaNanginginig na kanta ko sa kanya habang hinahaplos ko katawan ny'ang patay.
"Sige na nga bruno matulog kana, alam ko naman na pagod kana e sana maging masaya ka jan ah mahal na mahal kita."
Si bruno na naging bestfriend ko si bruno na nandyan lagi sa tabi ko.
PAALAM AKING KAIBIGAN.