Sa parke
Magdadalawang linggo na ng biglang nawasak ang buwan marami ang nagsasabi na malapit na daw ang pakawala ng sangkatauhan....hindi ko man maisip ngunit masama na talaga ang kutob ko sa mangyayari na baka sa darating na isang araw hindi ko na muling mamulat ang aking mga mata o kaya nama'y magising nalang ako sa katutuhanang wala na talaga siya at ang masaklap pa dito "may nalalabi nalang akong apat na putwalong oras"
Habang ako'y naglalakad hindi ako makapakaling makapagisip ng paraan para mahanap ko muli sya....Oo alam ko na imposibleng mahanap kaagad ang taong matagal mo nang hinahanap lalo na kung ang oras mo pa ay hawak ng iba....huminto ako ng bigla ko nalang naalala ang isang lalaking nilakad ang buong mundo apat na taon na ang nakalilipas, para lamang hanapin ang matagal na niyang gustong makita, ang ngalan nya'y Espera o ibig sabihin sa espanyol ay maghihintay kaya napaka panatag ng loob ng lalaki na naghihintay nga si Espera para sa kanya , hindi nya ito kaagad sinukuan lalo na't nakatatak na sa kanyang puso ang ngalang spera at dahil dito nagkaroon siya ng determinasyong matawid ang lahat ng tulay, mapasok ang lahat ng sulok skinita man yan o maliit na kalsada at higit sa lahat malagpasan ang lahat ng suliraning humahadlang sa kanilang pagkikita . Sa huli'y nagbunga ito at sila'y muling nagkita sa may gilid ng baybay, ngunit ang isip nya'y tila nalilito kung siya ba'y matutuwa sa dahilang sila'y muling nagkita o sa dahilang sya'y malulungkot dahil meron na syang iba, matagal na daw kasi nang minahal niya ang lalaki at higit sa lahat naghintay sya ngunit sadyang ganoon siguro talaga ang balak ng diyos para sa kanilang dalawa, naisip nalang nang lalaki na ang mas mahalaga ngayon ay maipagtapat niya ang kanyang nararamdaman kahit na puso nya'y puno na ng kalituhan.... Bumukas ang kanyang bibig at nag salita "espera masakit mang malaman na meron ka nang iba ngunit gusto ko paring malaman mo na mahal na mah-" sa mga sandaling iyon nalaman nalang niyang kulang napala ang kanyang oras atang huling salitang narinig nalang ng lalaki ay "yan ka nanaman eh hindi mo nanaman natapos ang iyong mga salita at higit sa lahat iniwan mo nanaman ako ng walang paalam" sabay ng bagbaksak ng mga luha ni espera.
Hindi ko makakalimutan ang kwentong iyon....nasabi ko nalang sa aking sarili lalo na't ang situwasyon ng lalaki ay nagagaya sa akin. Makalipas ng ilang minuto nagtanong na ako sa mga taong aking nakakasalubong kung kilala ba nila ang aking hinahanap ngunit niisa sa kanila ay hindi nakakakilala kaya't nagtanong ako sa ibang bahagi ng lungsod nang malapit ng lumubog ang araw....sa mga sandaling iyon nalaman ko nalang na iba na pala ang itsura ng lungsod at ang mahirap pa'y nalimutan ko na ang daan patungo sa kanya ,ginugusto ko mang magpahinga ngunit hindi maari lalo na't tumatakbo ang aking oras....sa ilang minuto'y na palitan na ang liwanag ng dilim at mga bituin ay nagsilabasan ngunit ang buwa'y tila di na makita ang sarili nitong kaningningan, sa ganitong oras ay nagsisipasok na sa kani kanilang tahanan ang bawat isa at ang tanging paraan nalang para mahanap siya ay kumatok at magtanong sa kanila.
Nagdaan ang ilang oras ngunit wala paring nakakaalam kong nasaan siya at isang bahay nalang ang aking tanging pag asa.... Kumatok ako sa pinto ngunit pakiramdam koy bilang nagbago at ang aking balahibo'y parang binubunot...lumabas ang isang lalaki mga mata nya'y parang sa ahas at mga salita niya'y tila makamandag....sa sandaling iyon bigla kong naalala ang pangalang sataniel ,isa kong matalik na kaibigan ngunit...sa huli nag bago siya iniwan niya ako at tinalikuran naisip ko nalang na hindi na siya ang dating sataniel na ang aking kaibigan...muli ko siyang tinignan at tinignan nya rin naman ako ng malalim at nag salita "patawad hindi kita matutulungan umalis ka na" sa kanyang pagsarado alaalay biglang nagbalik mga masayang alaala naming pinagsamahan lalo na ang kwentong sa kanyang nagpagalit tungkol sa isang anghel na nagngangalang sataniel at isang alagad ng diyos ngunit isang araw siya'y gumawa ng kasalanan at pinarusahan ng habang buhay na paninirahan sa mundo ...gusto ko mang muling kumatok ngunit wala na akong oras...naglakbay nanaman ako ng na paka tagal at nagpunta sa baybayin upang makalanghap ng sariwang hangin, nang bigla kong nakita isang matandang babaeng nakatayo...dali dali kong nilapitan ng aking mamukhaan mga mata nya'y kay itim katulad ng gabi at ang buhok nyang alon-alon parang sa gabing tahimik na dagat ,kulubot man ang kanyang kutis, katangian nya naman ay ubod ng linis...lumapit ako sa kanya at nag salita "spera kamusta ka?" ngunit mga labi niya'y di bumubuka...Oo sya si espera ang pinaka mamahal kong babae sa mundo... nagsalita muli ako "espera nakita mo ba ang buwan kanina?.. satingin mo ba'y may oras pa tayong dalawa?" ngunit nanatili parin siyang nakatayo at naka tingin sa kawalan "espera patawarin mo ako dahil pinaghintay nanaman kita ...dapat pala sa simula'y hindi mo na ako kinilala" sa mga salita kong iyon bila siyang humarap sa akin at umiyak "sa tingin mo bang mas gugustuhin ko yon?!! sapagkat sayo ko lang nalaman ang salitang paano magmahal... na kailangan ng pagtitiyaga para ika'y hintayin...bawat gabi'y hinhiling kong sana'y ika'y bumalik at wag nang umalis pa sa aking tabi" sa mga salitang iyon nasaktan ako muli at kahit na ganoon napalitan parin ng ngiti ang aking labi na tama ngang naghintay siya para sa akin... sa patuloy na pagguho nang buwan ako'y nag tapat "espera...ako'y isang anghel nagpunta ako dito sa mundo para bantayan ang sangkatauhan ngunit hindi ko mamamalayang mahuhulog ang loob ko sa isang taong katulad mo..kahit na hindi naman talaga tayo talo ...hindi ko matuloy ang aking mga salita dahil kulang ang binigay na oras sa akin ng diyos, naghintay ako ng matagal sa itaas lalo pa't mas mabilis ang oras ninyo sa ibaba kaya't ako'y hindi nakatiis lalo na't gusto nakitang makita kaya sinira ko ang responsibilidad na binigay sa akin ng diyos at pina bilis ang oras upang makita kita muli na nagdulot naman ng unti unting pagkasira ng buwan at pagkawala ng sangkatauhan...kaya ngayon nandito ako hindi ko man akalain pero nakita muli kita at sana'y sa oras na ito'y maasabi ko na ang inaasam kong sasabihin para sa iyo .... Espera mahal na maha-" sa huli at muling sandaling iyon ay tuluyan nangang gumuho ang buwan at nagdulot ng pagsabog, itutuloy ko sana ang aking sasabihin ngunit pinigilan ako ni espera "huwag mo nang pilitin ang oras...ang mas mahalaga ngayo'y nalaman kong ika'y rin ay naghintay para sa akin...at siguro'y sadyang hindi talaga tayo itinadhana, sa huling sandaling ito gusto ko nalang malaman mo na salamat sa pagiging parte ng buhay ko... malaya ka na mateo"
hello he he first time gumawa ng tagalog story actually project to AHAHAAHAHA pero yah sana nagustuhan nyooo!!! at credit din pala sa gumawa ng pic sa taas....jane!! (Ja-ne means goodbye) thank you for reading my story.....
-authors out
BINABASA MO ANG
Nasa dulo na ng dila (one shot)
Romancekwento ito ng isang lalaking naglakbay ng napakatagal sa mundo upang makita niya ulit ang kanyang nawawalang pagmamahal, tunghayan natin kung ano ang mangyayari kung kanya bang mararamdam muli ang ligayang kanyang hinahangad at masabi ang kanyang to...