Chappy Uno

6 1 0
                                    

Chappy Uno

Sungit

Yung feeling na napaiyak ka na lang sa galit, parang sasabog yung ulo ko kung di ako iiyak but it doesn't mean na umiyak ako talo na ako. HAHAHA nasa akin parin ang huling halakhak.

"Hello Mea, can I talk to Tita Rinse?" napatawag ako sa aking best friend ng wala sa oras,pano ba naman kasi itong aking magaling na ate umandar na naman ang pagiging sipsip. Sinumbong lang naman ako ke Daddy kesyo daw nakipag-away na naman daw ako sa school aba?!? anong pake nya?sya ba yung sinuntok ko?Ayun tuloy pinalayas ako sa bahay,freeze lahat ng accounts, okay lang.....I can't stand on my own daw eh? well,tingnan natin.....

Ang malala pa nyan pinadrop-out ako nung parents ng aking nasuntok ko tsk,  porket isa sila sa mga stock-holders sa school .Spoiling their child ah kesyo only child, special? special child kamo?HAHAHAHA
Homeless na nga pinadrop-out pa aba ang galing ni tadhana talagang sinusuwerte ako ngayon

°—°

Recess time namin ngayon kaya heto lang ako sa room nakayuko ginamit kong unan yung braso ko, I can't go out sobrang sama ng pakiramdam ko ayaw ko ding pumunta sa clinic may phobia ako so andito lang ako sa arm chair ko nagmumukmok nahihilo talaga ako eh. Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.....

"HAROAKJAHS!!!!" nagising ako nang dahil sa kung sino mang hampas-lupa ang humampas sa arm chair ko nagulat ako dun ah medyo dumilim yung pananaw ko dahil kagigising ko lang,relax self relax..........

"Sinong langya ang gumawa nun?!?" buwesit! 2 mins left balik klase na naman

"Hoy sino daw?"
"Basta di ako"
"Sino daw uy?

Ayun nag-ingay na naman sila eh kung di sila edi pede namang tumahimik.

"TAHIMIK?!?SINO?!?WALA TALAGA?" nagpupuyos na ako ng galit lalo na't pumipitik na sa sakit itong ulo ko dinagdagan pa nila arghhh

"Haha ako may gawa nun,may problema ba dun?" Sabi nitong tabachichoy kong baboy na klasemeyt sorry sya galet ako

"Inaano ba kita ha?! Nakita mong tulog yung tao eh nandidisturbo ka?!?" di ko naman sya inaano ah

"Wala lang trip ko lang" Aba't!!! Pagkasabing-pagkasabi nya nun humagalpak pa sya ng tawa ha ha ha happy nya ah
Lumapit ako sakanya....

"Hinay-hinay sa pagtawa baka mamatay ka nyan" smirk.

"At least mamamatay akong masaya" tsk fool,edi wow?After he said those words bumalik na naman sya sa pagtawa aba kulang nalang ta-tumbling sya sa sahig eh ansaya nya grabe
Hinila ko yung collar ng uniform nya kaya nagulat sya hmm..kala mo hahalikan kitang lalaki ka aba't kupal mo

Nanlaki yung mata nya saka tumahimik akala ko nga sya lang yung tumahimik pati naman pala mga classmates namin

"A-anong problema mo ha?!?" he tried to loosen my grip on his collar but sorry ka dude ket babae ako mas malakas pa din ako sayo

"Ikaw,ikaw ang problema ko" may pagkadiin ang bawat pagbigkas ko ng mga salitang iyon.

"Bitawan mo nga ako!!!" He tried again but he can't loose it

"Saka na...." pahigpit nang pahigpit yung pagkahawak ko kaya medyo nasasakal na sya

"A-ackk bitawan s-sabi eh" ayan bagay sayo yan tukmol ka

Binitawan ko nga sya nang padaskol kaya nalugmok sya sandali sa sahig saka sya tumayo at sinugod ako....

"Tangina mo Nayul papatulan talaga kita kahit babae ka!!!" sabay suntok sa----ere akala nya huh

StareWhere stories live. Discover now