Chapter Four - Octavian

1 0 0
                                    

[Rain's POV]

Kanina ko pa tinataguan si Terry. Hindi ko nga alam kung paano ako nahahanap nung sira ulong yun. Basta pag nakikita ko siya nagtatago nalang agad ako. Masking yung mga kasama niya naka abang sa lahat ng exit ng school. Pati nga rin yung separate exit door doon sa may faculty.

Lahat na ng exit hinanap ko. Pati ba naman sa classroom ko may naka abang.

Masking sa cr ng girls!!!

Naglakad nalang ako ng naglakad hanggang sa may maliwanag na nadaanan yung mata ko. May empty room na bukas na bukas ang bintana. Pinasok ko yung room.

Light of hope.

Tiningnan ko kung mataas ba yung babagsakan ko pag tumalon ako dito. Hindi naman ako Ibon para lumipad.

Hindi naman siya ganoon kataas. Kakayanin naman pero . . . Mataas parin kung tutuusin. Yung tipong mananakit yung pwet mo at kasu kasuhan pag mag landing ka na.

"Nasaan na kasi yun?" May mga lalaking boses akong narinig sa may hallway sa labas ng room na ito. Hindi ko alam kung praning lang ako.

Heto na. Heto na yun eh.

Desperada moments.

1 . . 2 . . 3 . . .

Tinalon ko yung bintana.

Aray ko po. Pwet kong maganda.

Kahit masakit nagmadali akong tumayo at parang invisible. Lumayas ako ng school.

Walang naka halata sakin.

SUCCESS!!!

Di ako nahanap nung Terry na yun.

"Hey."

"Ayy Terry!!!" Nagulat ako Bigla. Nasabi ko pa tuloy pangalan ni Terry. Yun yung pag nag iisip ka ng malalim tapos nagulat ka bigla, nasasabi mo yung iniisip mo.

Oo na. Si Terry na iniisip ko.

"Jeric. Ano ka ba. Ginulat mo ako." Sabi ko. Si Jeric lang pala nakasakay sa motorsiklo niya. Teka bakit di ko narinig yung engine niya? Ganoon na ba kalalim ang iniisip ko?

Ngumiti lang siya.

Ahhhh.

Yun siguro ang isa or nag iisang bagay na totoong nagpapakalma sakin.

"Want a ride?" Sabi niya habang pinapat yung upuan sa likod niya.

Serial killer.

Sociopath.

Canibbal.

Kidnapper.

Rapist.

Yun yung mga usually iniisip ko bago ako sumakay sa di ko kilala.

"Okay." Sabi ko rin naman. Mukha ba siya nung mga pinag iisip ko kanina. Alam ko dapat hindi ka nag ba base sa itsura pero hindi ko alam. Desperado na rin ako maka alis kasi dito ko palagi nakikitang dumadaan si Terry. Eh dito yung only way pauwi sa bahay. So ito. Nakisakay.

Mga dahilan mo Rain.

"Helmet." Binigay niya sakin yung helmet niya. Sinuot ko. Usually yung mga helmet amoy nakulob na pawis pero yung kay Jeric... Huhu!

Ambangoooo!

^////.////^

***

Tinuro turo ko lang ang daan papuntang bahay.

Buti nalang talaga at hinatid ako nitong si Jeric.

"Thank you." Sabi ko habang tinatanggal yung helmet.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The King of the SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon