Araw araw kong hinihintay ang pagdaan mo para lang makompleto ang buong araw ko kahit hindi ko makompleto ang buong araw mo.
Lagi kitang pinagmamasdan lalo na kapag malayo ka pero kapag malapit ka kinakabahan na.Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko simula noong makilala kita minsan hindi ko na makilala ang sarili ko at para bang mas kilala na kita.
Isang araw habang naglalakad ka mag-isa nag lakas loob akong sabayan ka dahilan na atensyon mo ay aking makuha ngitian kita at ngitian mo din ako ng pilit.
"Hi"Pag-uumpisa ko pero parang natatawa ka kaya naman medyo napaatras ako at para bang tinablan ako ng hiya sa mga oras na iyon at hinayaan kang mauna sapag lalakad.
Ilang araw ang lumipas at hindi na uli kita nakita kaya naman sinabi ko sa sarili ko na baka hindi talaga "baka hindi talaga tayo kaya tama na".
Pero pinaglalaruan talaga ako ng tadhana at muli kitang nakita at heto nanaman hindi ko nanaman maiwasan ang matagal ko ng nararamdaman sayo.
Nag tugma ang ating mga mata at muli kitang nginitian pero sa hindi ko inaasahang pangyayari naglakad ka papalapit saakin at habang naglalakad ka hindi ko maiwasang isipin na sana akin ka na sana may tayo pero sasampalin ka talaga ng realidad at sasabihing "gumising ka taga hanga ka lang nya".
"May tanong ako"Sabi nya na kasalukuyan nakatayo sa harap ko.
"Ano?"Kalmado kong tanong sakanya.
"Gusto mo ba ako?"direct to the point nyang tanong at bigla akong nanlamig at hindi alam ang isasagot.
"Hindi naman ako nagmamadali sa isasagot mo pero maghihintay ako"Sabi nya pa na lalong nagpakaba saakin.
Ito na siguro yung pagkakataon para umamin kahit na ma-friend zone.
"Oo"Sagot ko pero parang sya pa itong namula at ngumiti.
"Parehas tayo"
Napangiti ako sa sinabi nya at hindi ko na inalam kong seryoso ba sya o trip lang nya kasi masaya maging tanga diba?
Naging masaya ako para saaming dalawa sinusulit ko din ang mga araw na kasama ko sya.Yung effort nya sapag gising ng mas maaga para lang abangan ako sa gate ng school na pinapasukan naming dalawa.Mga regalo nya galing sapagtitipid ng allowance nya at mas natuwa ako sakanya na naiwasan nadin nya ang paglalaro ng mobile legend at sa katunayan iunstall na nya.
Ilang araw nalang at magtatapos na kami ng high school at masaya ako dahil unti unti na naming naabot ang mga pangarap namin.
"Pano kong hindi talaga tayo ?"Nagulat ako ng yun ang itanong nya saakin bago sya umuwi.
"Kung hindi talaga tayo..."Hindi ko itinuloy ang sasabihin ko at tumawa.
"Gusto ko lang malaman babe"Seryoso nyang sabi.
"Hindi ko alam yung isasagot kasi alam kong tayo hanggang dulo"Sagot ko pero nagulat nalang ako ng yakapin nya ako at halikan sya noo.
"I love you"bulong pa nya tsaka na nagpaalam na umalis.
Nang gabing iyon hindi ako makatulog at paulit ulit na iniisip kong bakit nya yun naitanong saakin.
Kinabukasan wala na akong nakitang lalake na naghihintay saakin kaya inisip kong absent sya pero nagkamali ako kasi pumasok sya.
Sa araw na iyon nag umpisa kang maging cold at nahumaling nanaman sapag lalaro ng online games pero hinayaan kita kase gusto kong nasa tabi parin kita.
Hindi kana yung dating sweet na kilala ko hindi mo narin ako tinatawagan na parang wala ng tayo.
Nagabihan ako sapag uwi pero hinintay mo parin ako pero nung hinawakan ko yung mga kamay mo tinanggal mo.
"Ayaw muna? Hanggang dito nalang ba?" Diretyo kong tanong sakanya.
"Selfish naba ako at ako nalang yung masaya?"Tanong ko pero tuloy parin sya sapaglalaro.
"May nagawa ba akong mali?"tanong ko at napahinto na sya sapaglalaro.
"Wala"tipid nyang sabi at niyakap lang ako.
Pano ba bumalik sa dati?
"Sorry"Sabi nya at hinatid ako aapag uwi.
Bukas na ang araw na pinakahihintay namin magtatapos na kami pareho sa high school at ipapakilala na nya ako sa parents nya dahil kilala naman na sya ng parents ko.
Pero bago pa man ako makatulog sa isang message ang natanggap ko galing sakanya.
"Let's break please"
Tumulo kaagad ang luha ko dahil dumating na ang araw na kinatatakutan ko.Ang araw na mawawala sya saakin dahil hindi na sya masaya.
Kinabukasan araw ng graduation lumapit ako sakanya pero lumayo sya
kaya naman hinayaan ko muna sya.Isang lalake ang lumapit saakin at kong hindi ako nagkakamali ay kaklase nya ito.
"Sa tingin mo anong dahilan bat ka nya iniwan? "Nakangiti nyang tanong saakin.
Hindi ako sumagot at nag bingi bingihan.
"Gusto mong malaman? "Tanong nya at napatingin ako sakanya na abot tainga ang mga ngiti nya.
"Nag-usap sila ng ex boyfriend mo galante pala yun hahahahahahaha 50,000 per month at umabot kayo ng 2 years ang daming pera nun"
Hindi tumigil ang pagpatak ng luha ko habang nakayuko at pinapakinggan ang mga sinasabi nya kasi matagal ko ng alam yan.
Naging tanga ako at sa umpisa palang pero gusto kong ikaw ang maging una kahit hindi na huli.
Gusto kong matupad mo mga pangarap mo kahit na ang kapalit nun ay ang pananakit mo saakin.
Ang daming beses mong gustong iwan diba? Kaso lumaban ako para makaipon ka hahahahaha para maging pilot ka at ako ang maging flight attendant.
Someday wag mo pagsisihan ang ginawa mo sakin dahil ginusto ko yun inenjoy ko ang maging tanga.Hindi kita kakalimutan pero tanging hiling ko lang kalimutan muna ako.
Darating ang araw na mag mamahal ka ng totoo at kong dumating ang araw na iyon I'm so proud of you dahil magiging masaya kana at may mag aalaga na sayo hahaha don't mind me hahahahaha I still love myself.
Thank you to my future pilot
Dream high and reach the sky.