Bakit ???

0 1 0
                                    

Kapag nakikita ko siya..masaya na ako..Kapag kasama ko siya masaya na ako..Sa simpleng chat at text lang masaya na ako..Sa simpleng hug lang sumasaya na ako ..Sa simple ngiti lang sumasaya na ako..Lahat na basta't tungkol sa kanya masayang masaya na ako..Simple lang pero kuntento na ako..ganon siguro kapag mahal mo ang isang tao kahit sa isang simpleng bagay lang sumasaya kana kasi alam mong siya lang ang minamahal mo at alam mong wala ka ng gusto kundi makasama siya araw araw kung pwede lang pakasalan mo na eh..

Papakasalan yan yung iniisip ko araw araw pero hindi pa pwede kasi mga bata pa kami alam mo yung kailangan mo pang maghintay kahit alam mong mahal na mahal niyo ang isat isa kailangan niyong hintayin ang tamang panahon kasi sabi nga nila dapat marunong kayong maghintay ...kasi May tamang oras,panahon ,araw ,buwan at lugar para sa taong nagmamahalan ...kaya kailangan huwag magmadali..Kasi may mga bagay na dapat pinag isipang mabuti at minsan kapag nasasaktan ka kilangan mong pakawalan .Kailangan mong magparaya kung hindi kana yung nagpapasaya sa kanya .Kailangan mong humingi ng tawad kapag nakasakit ka..Kailangan mong kalimutan ang nararamdaman mo sa isang tao kahit masakit at parang hindi mo pa kaya..Kailangan mong iwasan ang taong gusto mo kahit na hindi mo gusto na iwasan siya..Kailangan mo ring magkatanga maging marupok kapag mahal na mahal mo talaga..Kailangan mo tumigil sa pangungulit kapag binabalewala kana..Kailangan mong aliwin ang sarili mo para makalimutan siya..Kailangan mo ring unahin ang sarili kasi hindi lang sa isang tao umiikot ang ating mundo ..Hindi lang isang tao ang makapagpapasaya sa atin..Hindi lang siya ang tao sa mundo na iibigin mo .Marami ka pang makikilala ,makakasalamuha at baka hindi talaga siya ang para sayo..Baka may ibang tao ang inilaan para sayo ng panginoon na magmamahal sayo handang magsakripisyo para sayo at mamahalin mo rin gaya ng pagmamahal sayo ..pwedeng nasa paligid mo ,pwedeng nasa malayo pa kasi sabi nga nila may isang taong inilaan para sa atin ang kailangan lang maghintay at hindi dapat magmadali kasi walang maidudulot ng mabuti ang palaging nagmamadali pero nakadepende sa sitwasyon ..at alam niyo na kung anong ibig kung sabihin...
Sabi rin nila kung mahal ka bakit iniwan ka.Kung mahal ka bakit pinapapili ka.Kung mahal ka bakit hinahayaang masaktan ka.Kung mahal ka bakit hindi niya kayang maging tapat sayo.Kung mahal ka bakit kailangang pahirapan at saktan ka.Kung mahal ka dapat mahal na mahal ka yung hindi niya magawang saktan ka at pahirapan ka .hindi ka niya matitiis .at ayaw niyang mawalay ka at gagawin ang lahat para sumaya ka ..Sumaya na magkasama kayong dalawa.Pero hindi naman lahat happy ending ..Hindi naman lahat ng tao ginagawa ang lahat para sa minamahal dahil walang permanente lahat mawawala gaya ng pagmamahal unti unting mawawala .unti unting mapapalitan. At hindi lahat ng akala mo na mahal ka ay tunay na mahal ka pwedeng ginamit ka lang dahil may hinihintay siya at kapag bumalik iiwan ka.
Hindi lahat ng akala mo na ikaw lang ang nag iisa sa buhay ng minamahal mo ay ikaw lang talaga..maraming nagkakamali dahil sa maling akala..
At Kapag ayaw na huwag munang ipilit kasi ikaw lang ang nahihirapan at masasaktan subukan mong isipin ang sarili mo..Mahalin mo ang sarili mo higit pa sa lahat!!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Aki mahal na mahal kita. sabi ko..
Rick mahal na mahal rin kita.sabi niya. At hinalikan ko ang kamay niya.
Masaya kaming dalawa yung walang problema .ang sabi ng iba ay bagay na bagay kaming dalawa at mahal namin ang isat isa .Maraming naiinggit ..Maraming sumusuporta . Perfect couple daw eh hahaha pero sa alaala na lang ba ang lahat........hanggang alaala na lang ba yung pinagsamahan natin?..

.
.
.
.
Rick I love you ikaw lang at wala ng iba ...yayakapin ko na sana siya ng bigla akong nagising sa pagkakatulog ko haha panaginip lang pala ..akala ko totoo na ..  ang bilis ng pangyayare yung taong kasama ko sa lahat ngayon sa panaginip ko na lang nakakasama ,nakakausap,nayayakap at nahahalikan..d na ba maibabalik ang lahat hindi ka na ba babalik?alam kung mahirap at masakit isipin ..pero dahil sa panaginip bumalik ang lahat ng nangyare bago tayo naghiwalay..

Rick itigil na natin to ..sabi ni Aki
Bakit?sagot ko.
Wala na tong patutunguhan..wala ng patutunguhan ang relasyon nato.sagot niya.
Ganon na lang ba ang lahat ng yun?sagot ko .
Rick please..sagot niya.
Ano bang ginawa ko ?Sorry kung may nagawa man ako ..please huwag lang tayong maghiwalay .Hindi ko makakaya .sagot ko ..habang lumalapit ako sa kanya para yakapin siya pero tinutulak niya ako..
Rick I'm sorry.sagot niya at iniwan niya akong nag iisa,lumuluha,naguguluhan ,
Nagtatanong kung bakit mo ako iniwan?bakit?bakit?bakit?madaming bakit...
*end of flashback

Na agad tumulo yung luha ko ..mahal na mahal ko si Aki ..She's my first love at gusto ko siya yung last..4 years din ang pagsasama namin..at iiwan niyaa ko ng ganon lang walang explanation kung bakit..i try everything pero parang hindi na talaga....

End of chapter 1 ahahha
Abangan niyo na lang yung chapter 2
Gusto niyo bang sa chapter 2 yung flashback kung anong nangyare sa pagmamahalan nina Rick at Aki..please comment lang atsaka paki vote rin ng story ..paki follow rin ako kung pwede lang..Hindi talaga ako magaling gumawa ng story pero dahil baliw  ako i try na magustuhan niyo..pero try lang ..
Salamat sa pagbabasa ..Commet lang kayo kung gusto niyo ba ng flashback..paki Vote ng story  and  if okay lang paki follow rin ..
-kingbins<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Hate MyselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon