Nathalia
"Aba't nasaan ka na bang babaita ka ha? Kanina ka pa namin hinihintay ni Nikki dito. Namuti na ang mga mata pati gilagid namin sa kakahintay sa'yo." Bungad sa'kin ni Jo nang sagutin ko ang tawag niya. Parang tinusok ang aking eardrums sa tinis ng boses nito.
"Hoy, baklita! Kanina ko pa kayo hinihintay diyan pero hindi naman kayo dumating kaya umuwi na lang ako."
"Hala oh! Kanina pa raw niya tayo hinihintay! Ang sabihin mo, gusto mo lang kaming Indianin. Hay, juice ko! Naii-stress ako sa'yo."
"Ay ayaw mong maniwala, ateng? Gusto mo dalhin ko pa diyan ang damit na sinuot ko nang maligo ako kanina. Maalat-alat pa 'to."
"Eh bakit ka ba kasi umuwi agad? Nauna ka na pala dito hindi mo man lang kami hinintay." May himig pagtatampo na turan ni bakla.
"Eh sa hindi ko pala solo ang lugar eh! Akalain mo ba namang nagkasala pa itong mga mata ko kanina!" Palatak ko.
"Oh bakit? Anong nangyari?"
"Aba'y may mga hayok na ginawang motel ang dalampisagan kanina ano! Nagkataon pa na malapit lang sila sa pinaglatagan ko ng sapin."
Bigla na lang humalakhak ang bakla ng walang pasabi kaya para tuloy na tinusok yung tenga ko sa ingay ng boses nito.
"Hay, Jacinto! Kung nasaksihan niyo lang sana ni Nikolai!"
"Uy teka lang ha! Ayan kana naman. Huwag mo nga akong tawagin gamit ang mabantot kong pangalan! Jo nalang kasi."
"Eh sa yun ang pangalan na binigay ng mga magulang mo sa'yo eh."
"Ano na nga ba sinasabi mo kanina?" Biglang na-excite na turan ni bakla.
"Kung nasaksihan mo lang sana kung gaano ka kapal ang mukha nung lalaking yun!" Himutok ko. Huli na ng ma-realize ko ang sinabi. Ang bibig ko kasi!
"Bakit? Ano'ng ginawa sa'yo?" Si Nikki na inagaw yata ang phone mula kay Jo.
"Wa-wala naman." Napapikit ako ng mariin dahil naaalala ko na naman ang hubo't hubad na katawan nung lalaki na walang pakealam kahit wala itong saplot nung humarap sa'kin.
"Sigurado ka bang wala?"
"Ano kasi...Hindi ko lang lubos-akalain na magagawa nilang gawin yun kahit maliwanag pa ang paligid. I mean, papalubog na ang araw nun pero hello? Sana man lang naghintay sila ng takip-silim ano."
"Baka mga turista lang ang mga iyon kaya wala na sa kanila kahit may ibang tao pang nakakakita sa hubad nilang katawan at kung anuman ang ginagawa nila. Pero di nga, pinanuod mo talaga ang buong show?" Tanong ni Nikki na halatang nakangisi kahit na hindi ko nakikita.
"Hindi 'no!"
"So ano ang ginawa mo?" Si bakla ulit.
"Nagkubli sa pampang."
"Bakit hindi namin naabutan yun? Sayang naman!" May panghihinayang na turan ni Jo. "Pero, teka! Paano mo nakuha ang basket mo? Buti hindi ka napansin? Nag-ala-ninja ka ba?"
