Chapter 2: Photo Album

0 0 0
                                    

Saturday morning

Walang pasok mga estudyante ngayon, marami na namang tatambay sa park. Sana lunes na para masolo ko ulit yung park. Di naman kasi ako pumapasok. Di ako pinapaaral ni nanay. Mahirap lang kami at tanggap ko naman yun.  Dito na lang muna siguro ako sa bahay. Wala na si nanay paggising ko, di ko alam kung san sya pumunta. Halos di na nga kami magkita eh. O ayaw nya talaga ako makasama? Ganun talaga si nanay sa akin. Di ko alam kung ano ba nagawa kong kasalanan. Parang ang init lagi ng ulo nya pag kaharap nya ako. Ano bang kasalanan ko sa kanya? 

Naalala ko nung 6 years old palang ako. Birthday ni nanay nun. Tinanong ko sya kung ano gusto nyang matanggap na regalo, at napaiyak ako sa sinagot nya.

"Kapag nawala ka na sa buhay ko! Leche!"

Hindi ko alam kung ano ang problema ni nanay sa akin pero sobra talaga akong nasaktan sa mga sinabi nya. Kahit isang hamak na musmos pa lang ako, naunawaan ko na yung sinabi nya. Ayaw nya akong makasama. Ayaw nya akong makita. Ayaw nya ako sa buhay nya. Ayaw nya sa akin..

*blag*

Napatingin ako sa kung ano man yung bumagsak. May nakita akong isang malaki at lumang album. Photo album ata ito ni nanay. Binuklat ko, at nakita ko na... yung sagot sa isa kong katanungan. Kung sino nga ba ang tatay at kapatid ko. Nakita ko yung litrato nila. Oo, nila. Wala ako sa mga family pictures na to. Bakit kaya? Tinignan ko yung date. 10 years ago pa. Pero dapat kasama na ako dito di ba? 5 years old na nga dapat ako nun, pero bakit wala? Wala akong maalala sa childhood ko. Bukod sa pagpunta ko sa park, sa batang yun.Binuklat ko isa-isa yung mga pahina at tinignan ko lahat ng litrato. Sya pala yung tatay ko. Napatingin naman ako dun sa batang lalaki na katabi nila ni nanay. Parang pamilyar yung mukha nya sakin eh. Tinitigan ko mabuti yung bata. May napagrtanto ako.Yung bata sa park...Kamukha nya yung bata dito sa album. Sya ba yung kuya ko? B-bakit magkamukha sila?

"Bakit hawak mo yan ha?! Bat mo pinapakialaman ang mga gamit ko?!"

Napaigtad ako sa sumigaw na yun. Si nanay, mukhang galit na galit talaga sya nung nakita nyang hawak ko tong album. Patay na naman ako nito.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon