B1O

161 67 61
                                    

Nagising naman ako. Pero parang ayaw ko pang bumangon dahil parang tinatamad ako. Hinihila pa ako ng sarili ko na humiga pa. Kasi komportable ako sa hinihigaan kong kama.

Pero maya maya, narinig kong vibrate ng vibrate ng phone ko. Aish, shit. Sino ba yan? Ang aga aga may nagcchat agad. Tsk.

Natatamad naman akong kinukuha ang phone ko at tinignan agad kung sino yun.

At halos tumigil ang mundo ko ng nalaman ko kung sino yung taong nagchat sa akin.

. . .

Park Chaeyoung
active now

Park Chaeyoung:
uy yeollie.

Park Chaeyoung:
totoo yung sinabi mo sakin kagabi?

Park Chaeyoung:
na mahal mo ako?

Park Chaeyoung:
minahal na din kita yeollie

Park Chaeyoung:
pero lahat yun nagbago

Park Chaeyoung:
simula ng dumating si jimin sa buhay ko

Park Chaeyoung:
kaya hindi na nagpatuloy ang nararamdaman ko sayo

Park Chaeyoung:
pero yeollie salamat sa lahat, salamat sa pagpapasaya sa akin

Park Chaeyoung:
salamat sa pagmamahal sa akin ng matagal na.

Park Chaeyoung:
kung umamin ka lang sa akin sana na mahal mo ako

Park Chaeyoung:
siguro hanggang ngayon mahal padin kita

Park Chaeyoung:
pero mahal ko na si jimin ehh

Park Chaeyoung:
sorry talaga yeollie, sorry at nasaktan kita.

Park Chaeyoung:
sorry talaga, di ko sinasadya. nagmamahal lang naman ako.

Park Chaeyoung:
alam kong galit ka sa akin, pero tama lang na magalit ka sa akin.

Park Chaeyoung:
dahil di kita mahal

Park Chaeyoung:
maiintidihan ko naman na bat moko iiwasan at di sa pagpansin sakin.

Park Chaeyoung:
dahil gusto mo na ako makalimutan

Park Chaeyoung:
mabuti na din yun, para hindi ka na masaktan sa amin ni jimin

Park Chaeyoung:
tsaka tuluyan maging malaya kami ni jimin

Park Chaeyoung:
makakalimutan mo din ako yeollie, dahil makakalimutan din kita

Park Chaeyoung:
yun lang sorry talaga. sorry.

Park Chaeyoung:
bye.

. . .

block Park Chaeyoung
no | yes

...

Yes, I already blocked her. Also, I unfriend her. Hindi ko na kaya.

Nakakasakit na talaga siya. Mas lalo niya nalang akong sinasaktan.

binalewala | chanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon