"Huwag mong kalimutang alagaan sarili mo ah, huwag kang papalipas ng gutom? Matulog ka ng sa tamang oras ah, at huwag na huwag mong kalimutang tawagan ako agad pag naka-land na eroplano? Okay???" Sabi ng nag-aalalang Jowa.
"Ang dami naman! Alam mo ikaw masyado kang praning. Na-gets ko na po, Kap! Promise di ko kakalimutan. Sampung beses mo ba naman ulit-ulitin!" Natatawang sagot ni Grant.
Isang malaking hampas sa leeg ang ginanti ni Jowa. "Ayan ka na naman eh! Nag-aalala na nga ako dito puro kalokohan nasa utak mo!"
"Oh relax ka lang! Itong asawa ko talaga oh... Ikaw ang dapat magtake-care! Alam ko sobrang nababagot ka na sa bahay pero huwag kang masyadong masipag mag-review para sa certification mo. Ikaw po ang kumain ng tama at matulog ng maayos, okay? Buti nalang kasama mo sila Paps at dun ka muna sa Home Baes. Huwag ka papa-stress. Dalawa na kayo, mahal ko. I love you, sobra." Lambing ni Grant.
Lumuhod si Grant, hinalikan ang tiyan ni Jowa at niyakap ang bewang nito.
"Huy Grant!!! Anong ginagawa mo? Nakakahiya?!" Pagsita ni Jowa at pinapatayo ang asawa niya. Nasa airport sila.
"Bakit? Masama bang mag-goodbye rin ako sa baby natin? Pagbalik ko mas malaki na tiyan mo. Baka di na kita mayakap ng ganito. Ngayon pa nga lang oh..."
"Sira! 5 days ka lang mawawala, malaki agad?" Naniningkit ang mata ni Jowa. "Saka may sinasabi ka ba? Hindi na ba ako sexy?" Di napigilan ni Jowa na maluha.
"Hala, si Kap oh... eto naman, kailan ka ba naging hindi sexy? Alam mo naman yun...Saka alam mo naman sobrang ganda mo, kahit pa maging mas mabigat ka pa sa akin... Mahal na mahal kita, Kap!"
"Hindi na ako natutuwa sayo ah... nambobola ka lang eh..." Tuluyan na ngang umiyak si Jowa.
Boarding is now open...
"Oh tinatawag na nila kami, huwag ka na magtampo sa akin, dali na, please mahal ko?"
"Sorry, di ko alam nangyayari sa akin, eto ata yung hormones eh. Hindi lang ako sanay, ako yung hinahatid mo eh. Hindi ako yung nanghahatid... Ma-mimiss lang kasi kita, sobra! Magkakahiwalay na naman tayo..."
"Limang araw lang yun, ma-mimiss kita, ma-mimiss ko kayo. Pero maliit na bagay lang diba, nakaya nga natin ilang buwan, araw pa kaya, sisiw lang yan sa atin, Kap! Smile ka na dali."
"Oh sige na nga, kiss mo na ako. I love you, boss, sobra..."
Isang matamis na halik ang iniwan ni Grant. Ngayon pa lang gusto na niyang umuwi.
BINABASA MO ANG
Sea You Soon - JowAnt AUs
FanfictionA collection of one-shot stories of Jowalyn and Grant's life after One Of The Baes. I may also add alternate scenarios from actual episodes. ☺️ P. S. Na-post ko na ito sa Twitter. Nilipat ko lang hehe