Tapang

452 8 2
                                    

Alternate scenario:
OOTB Episode 49
Paano kung matapang si Grant? Hahaha.

Part 1: Tapang

...

"Ganito na lang, kayong dalawa na lang mag-ligawan!"

"Grabe naman kayo! Kung makapag-biro kayo parang wala ako sa harapan ninyo... Konting preno naman oh." Reklamo ni Jowa.

"Eto, isang tanong, isang sagot. Jowa! Gusto mo ba talaga to si Grant?" Sabi ni Okoy.

"Ay nako!" Sagot ni Jowa.

"Ay nako talaga. Eto, si Jowa? Papaligaw? Di papayag na magpaligaw yan sa akin..." Napailing si Grant.

Napasama ng tingin si Jowa kay Grant, parang na-offend ng slight. Ang assuming naman kasi ni Grant. "Ang torpe! Kakagigil!" Isip-isip ni Jowa.

"Di papayag? Eh bakit, di ka naman nanliligaw eh..." Hirit ni Jowa.

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga Baes. Tameme naman si Grant at ang kawawang Okoy, naging punching bag ng Bok niya.

"Eh ayan naman pala eh. Ikaw 'tong torpe-torpe eh. Oh ganito nalang, kung gusto mo si Jowa hawakan mo nga tenga... Ayieeee" Pasimunong kantiyaw ni Kuya Bagets sa dalawa.

Tinulak ng Baes ang dalawa papalapit ng papalapit, hanggang sa kailangan ng kumapit nila Jowa at Grant sa isa't-isa. Hinawakan pa nila ang mukha ng dalawa na para bang pinagki-kiss.

Nagkatitigan ang dalawa - may mga ngiting nakakakahawa.

Sa titig na yun para silang nagkakaintindihan - bumabalik mga alaala ng mga pinagsamahan nila.

Anong hiwaga ang nadarama, anong kaba...

"Ang saya ko kapag kasama ko siya, mahal ko na nga ata... Bakit nga ba hindi?"

"Lord, help! Nakakarupok...Alalahanin mo Jowa! Pinakilig ka niya noon, pero hindi pinanindigan! Pero bakit ganun, parang may sparks..."

  ...
Makalipas ang ilang araw, sa open grounds ng maritime school...

"Jowa."

"Oh?"

"Thank you nga pala dun sa sinigang nung isang araw. Ang sarap mo talaga magluto, pramis."

"Mukha ngang masarap, di ka pa na-move on eh. Haha. Pero, maliit na bagay lang naman basta ikaw. You're welcome!"

"Hindi naman natin naubos eh, bitin nga..."

"Ay oo nga. Basta, kung gusto mo mag-request ulit sabihan mo lang ako... Tropa kita eh."

Nakipag-high five si Jowa kay Grant.

"Tropa lang..." Bulong ni Grant sa sarili.

"Huh?"

"Sabi ko, tropa lang?" Nilakasan ni Grant ang boses niya.

"Oo bakit, ano pa ba?" Parang kinabahan si Jowa. Pinagmamasdan ni Jowa ang mukha ng kaibigan. Alam niya ang mukha nito kapag mang-aasar. Seryoso ang mga mata nito.

"Eh paano kung gusto kitang ligawan?"

"Hoy, Grant! Huwag kang mag-bibiro ng ganyan. Ayan ka na naman sa pa-fall mo eh..."

"Paanong pa-fall, seryoso ako. Jowa..." Hinawakan ni Grant ang mga balikat ni Jowa.

"Na-goyo mo na ako dati eh... Kung ano-anong pakilig ginawa mo sa akin. Sobrang maalaga ka sa akin, tapos nalaman kong puro Xtina pa rin hinahabol mo..." Grabe kaya yung sakit na nadama niya noon. Yung hulog na hulog siya, tapos assuming lang pala siya.

"Sorry na, nagsisisi akong nag-sayang ako ng oras noon. Pero ngayon sigurado na ko, Jowa. Gustong-gusto kita. Hindi lang bilang kaibigan."

"Totoo yung sinabi kong magagalit si Paps. Gusto niya focus lang ako sa pag-aaral ko..."

"Eh bakit in-eentertain mo panliligaw ni Kuya Charles?"

"Lalabanan mo kuya mo? Ok lang na magalit siya sa'yo? Akala ko ba mainit na dugo niya sa'yo?"

"Oo, ipaglalaban kita. Nararamdaman ko kasing gusto mo rin ako eh..."

"Ay ang hangin! Ang tapang natin ah, anong nakain mo? Akala mo ganun lang kadali ah..." Kunwaring naiinis si Jowa, pero deep inside kinikilig na siya.

"So pwede na nga, liligawan na kita?"

"Hmmm. Sige na nga. Naku, akala mo ah. Lakas ng loob, ah!  Papahirapan kita..." Marupok pa rin pala siya. Pero pangako ni Jowa sa sarili, hindi siya agad bibigay.

"Kaya ko yan, basta para sa'yo! Hindi ako titigil hangga't hindi ko naririnig ang matamis mong oo..."

Umalis si Grant sandali, pagbalik nito may dala na 'tong bulaklak.

"Aba, handa na nga. Sure kang papayag ako ah?"

"Always ready. Para sa'yo, Jowa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sea You Soon - JowAnt AUs Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon