Prologue

10 1 4
                                    

Angel's Pov

"Dane! Dito!".

"Oo! Parating na!" sigaw ko habang binibilisan ang pag bandage sa kamay ng isang sundalo na nasabugan ng bomba.

Rinig na rinig mula rito ang putukan ng mga sundalong nakikipaglaban sa mga rebelde. Malayo ang lugar na pinangyayarihan ng gyera ngunit rinig na rinig dito ang putukan.

Pagkatapos, pinuntahan ko naman yung isa pang sundalo na namimilipit sa sakit na naramdaman. Napuno ang abandonadong bahay na tinutuluyan namin ngayon ng sigawan at iyak. Kulang pa ang mga taong marunong manggamot para pagalingin ang mga sundalong ito. Halos hindi namin maasikaso ang lahat. Inuuna nalang namin yung  may mga malalang sugat.

Habang gingamot ko ang mga sundalong ito. Kahit hindi pwede samin ang kabahan lalo na sa sitwasyong ito, hindi ko maiwasan. Kinakabahan ako dahil baka hindi na bumalik ang taong mahal ko.

Alam kong hindi maiiwasan ang masugatan sya, ngunit sana naman umuwi syang buhay. Nangako sya at panghahawakan ko yun.

Umaasa ako.

"Ahhh!" sigaw ng sundalong nasa harapan ko nung hinigpitan ko ang bandage.

Maya-maya pa ay humina na ang putukan, hanggang sa wala na kaming narinig. Sigawan at iyakan na lamang ang naiwang ingay. Lahat kami ay kinabahan. Isa lamang ang ibig sabihin nun. Maaring natalo nila ang rebelde o kaya ay..

Kami ang natalo.

Nagamot na namin halos lahat ng mga sugatan, at inaasikaso na yung iba ng mga doktor at nurse. Kami naman ay naghihintay dito malapit sa pinto, naghihintay na may dumating na ibang sundalo. Ng biglang may dumating na sasakyan.

Nanlaki ang mata ko, nang makilala ang nasa harapan nito. Nagsimulang lumabo ang paningin ko dahil sa luha. Natakip ko ang kamay ko sa aking bibig at napaupo.

Pagbaba nila sa sasakyan tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya.

"Bumalik ka." sabi ko at umiyak.

Hindi sya sumagot. Napatingin ako sa kanya. Ngunit ang kanyang mga mata ay nakatingin sa iba. At alam kong sya na naman.

Napaatras ako nung bigla syang tumakbo papunta sa kanya at niyakap ito. Nun ko lang napansin na may isa palang rebelde sa kalayuan at nakatutok ang baril sa kanila.

Ngunit bago pa man maiputok ang baril, tumakbo na ako at niyakap sya.

I saved my beloved man.

But he saved another woman.


-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lose One's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon