Chapter 2

1 0 0
                                    

Nang kami ay nasa kubo na nagsimula na kaming mag kwentuhan ng patungkol sa kababalaghan.

Sinimulan ni Rajean ang pag kwento dahil sya ang may pinakamaraming karanasan sa aming mag kakaibigan, sa hinabahaba  ng kwentuhan namin ay bigla nag salita si Deejay ng,"pano kaya kung maglaro na lang ng spirit of the glass", sabay biglang sabi ni Claude ng, "Oy! Loko hindi biro yan!", nag talo ang dalawa pero kahit anong pagtatalo nila wala parin itong kinahinatnan, ang ginawa na lang namin ay nagbotohan kaming magkakaibigan kung ano ang gagawin namin, napagdisisyonan namin na kami ay mag lalaro na lang ng spirit of the glass, pero bago kami nagsimula si Rajean ay nakaramdam nanaman ng takot, pero sa kabila ng iyon tinuloy namin ito.

Nag simula na kaming kumilos, kumuha na kami ng gamit na aming gagamitin sa spirit of the glass, ang Ouija Board at glass, ng nakumpleto na namin ang gamit nag isip naman kami kung saan  gaganapin ang balak naming ito. Nag salita si JD kung saan magandang lugar at sinabi nya,"kung sa Hunted House na lang kaya", at nag lakad na kami ng sabay-sabay papunta ng Hunted House.Lahat kami ay nag dadalawang isip na kung itutuloy pa ba ito dahil sobrang luma at abandonado na ang Hunted House na aming palasukin.

Takot na ng aming nadarama at si Claude ay halos mapaihi na sa takot kahit hindi pa kami nakakapasok sa Hunted House,nakita naming lahat ang isang hindi inaasahang dapat na hindi makita, sa ikalawang palapag ay may nakita kaming nakaputing babae na mahaba ang buhok o sa madaling salita at isang White Lady na nakadungaw sa bintana sa ikalawang palapag.Pero sa lahat ng takot na bumabalot sa amin tinangka parin namin itong pasukin, si Rajean ay nakatayo at tila malayo ang tanaw.

Spirit of the glassWhere stories live. Discover now