Otaku fell in Love

64 5 8
                                    

                   | A N I M E |

It's not just a word because it's a world where nobody exist where everybody feels the exact thing what we feel in the real world.

It's a world where we met and where our love grow and exist

      Sabi nila walang pakiramdam ang anime dahil fictional lang sila pero hindi niyo lang siguro nakikita dahil mga bulag-bulagan kayo pagdating sa pakiramdam.

    I am here in this world where no one exist and they're just existed burden in my heart.Confronting the person that doesn't exist in the real world.

"Alexa please don't leave me here!"sigaw nito pero tuluyan na akong lumayo sa kanya malapit na ako sa portal na papunta sa aming mundo sa mundong may 'existence'.
"Gusto pa kitang makasama ng matagal!Alexa please don't leave me here!"naiiyak nitong sambit,ang mga luha ko ay dahan-dahang dumalosdos sa mukha ko."Nangako kang hindi mo ako iiwanan hanggang sa huli,nangako kang dito kalang"sigawan nito halos mabingi na ako sa sigaw niya.

"Let's face the reality,Dane."lumingon ako sa kanya habang umiiyak hindi ko na talaga mapigilang mapaluha.I love him but in reality does he really love me?"Reality matters to me,hindi ko gustong makulong sa mga peke mong ngiti,sa peke mong pagmamahal,tatanggapin ko nalang na hindi ka totohanin kahit masakit dahil iyon ang katotohanan"hahakbang na sana ako sa hagdan papunta sa portal ngunit hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko,nakakawit ang kanyang kamay sa braso ko.

"Bago man ako mawala sa mundo mo aangkinin ko muna ang mga labi mo"nagulat ako ng halikan niya ako ng madiing halik sa labi ko na para bang hindi niya ako gusto pakawalan.Ginantihan ko iyon ng buong pagmamahal ko,mahal ko si Dane mahal na mahal pero masakit parin ang realidad at kailangan ko iyong tanggapin,tanggapin na hindi niya ako mahal.Kumalas ako sa paghahalikan namin at tumingin sa mga mata niyang puno ng pait at sakit ang nakikita.

"Gusto ko nang bumalik sa mundo ko,Dane.Gustong-gusto ko nang bumalik sa mundong kung saan lahat ay totoo mas gusto ko ngayon magpakatotoo sa sarili ko at kailangan mong tanggapin ang desisyon kong ito"hinawakan ko yung magkabilang kamay niya habang tumutulo yung luha ko,tumingin ako sa kanya ng walang alinlangan,tumingin ako sa kanya ng walang emosyon.Kailangang mawala na ang nararamdaman ko para sa kanya at sana sa isang pikit lang ng aking mata ay mawawala na lahat ng nararamdaman ko sa kanya at lahat-lahat na naalala ko tungkol sa kanya."Kasi ito yung katotohanan,Dane.Ang totoo ay walang tayo,hindi naging tayo at hindi mo ako mahal"walang alinlangan na sagot ko at humagulgol sa iyak.

"Mahal kita—",

"No,hindi mo ako mahal.Sa mundong ito lang tayo tinagpo at tinadhana yet I can't give you the satisfaction that you deserve,Dane.The satisfaction of love and I'm sorry,sorry kung linoko lang kita at pinaasa but the truth is ikaw parin si Dane ikaw parin ang playboy at paasang lalaki"parang estatwa akong nakatayo sa hagdan na parang hindi ko gusto umalis dito,na para bang hindi ko gustong mawala yung lalaking nagpatunay sa akin na mahal niya ako kahit piksyunal lamang."You deserve to be loved.I'm sorry"tumakbo na ako ng portal at hindi pormal na nagpaalam sa kanya.

"Alexa wait!"rinig kong sigaw niya ngunit huli na dahil nakapasok na ako sa portal.Humagulgol ako sa iyak dahil sa sakit na naramdaman ko,ang tanga kong klase ng tao hindi ko man lang inisip na masasaktan siya sa huli pag umalis na ako sa mundo nila.Think how I am stupid!Kung paano ko pinakawalan ang nagmamahal sa akin ng tunay kahit piksyunal lamang.

      He deserves to be loved yet I was so stupid hurting a guy like him,a precious gem—like him.Aaminin kong guilty ako sa ginawa ko sinaktan ko mismo yung karakter na minahal ko na ginawa ko ng dahil sa lalaking kinababaliwan ko pero let's end this pain with a new beginning and new life.

      I woke up with a strange dream na napanaginipan ko raw si Dane na hinalikan ako sa labi yun lang ang natatandaan ko sa panaginip ko and it happened three years agk,bumangon ako at kinuha yung tablet ko.So what's with the good morning?May message naman ako galing sa bestfriend kong si Claire na engage na sila ni Samuel while busy ang lahat sa pag-iibigan ako naman ay isa na ngayong sikat na animator and I made a story based on my own story mula sa paghanga ko kay Dane pero hindi ko pinagbigyan ng magandang ending ang story nila ni Alexa at Dane.I just made the best ending na siguradong pupunit sa puso ng mga viewers ko and now I have my own collection of manga comics with just 1 Million views every chapters and a total of 480 million views sikat ang ito sa buong mundo at kilala na ako bilang “The Queen of Manga”.

       So aalis na muna ako ng bahay para maglibot-libot sa malaking subdivision na tinitirhan ko,it's greeny kaya makapag-isip ako ng maayos para sa darating na gagawing project collab namin ng mga sikat na mga manga artist.Maraming manga artist kasi ang naghihikayat sa akin sumali sa isang animation project ng isang anime series pero hindi pa ako handa na buksan ulit ang puso't isipan ko sa sitwasyong ito.

        Umupo ako sa bench dahil pagod na ako sa kakatakbo,I'm on my jogging day mahirap na pag tataba ka kailangan ko ito sa pang araw-araw ng buhay ko dahil kasama ito sa pangkalusugan ko.While sitting on a bench may tumabi sa aking lalaki na hinahabol ang hininga,lumingon ako kung sino ito.

         Oo nga naman,malupit ang tadhana pinagtagpo na naman kami sa iisang bench.Hingal ng hingal siya at mukhang napawisan,his handsome face never fade away.

"Pagod na ako sa kakatakbo"rinig kong sabi niya.Sino ba ang kinakausap nito?Ako o ang sarili niya?

"Akala ko pagod kana sa pagpapahabol"parinig kong sabi at bahagyang ngumisi siya sakin.

"Oh nice meeting you again,Alexa!Nandito karin pala,so kamusta na pala?"sambit nito,as usual ganito naman palagi pag nagkikita kayo ng tao sa matagal na panahon kakamustahin ka hanggang sa lumalim ang usapan.

"I'm okay,really okay"sarkastikong saad ko,but I deep inside I don't feel okay madrama akong tao marunong rin tumago ng pakiramdam.

"I overheard that you had no bf at all"seriously?Sa kanya ko pa mismo narinig ang mga katagang iyon."Seriously?Kahit crush wala?"umiwas ako ng tingin sa kanya kasi hindi ako kumportable sa pinag-uusapan naming dalawa.

"Alam mo kung bakit wala?Kasi ang hirap nang umasa nangyari na iyan sa akin eh umasa ako sa maling tao"saad ko habang nakatingin sa puno pero ramdam ko ang nagtatakang tingin niya sa akin.

"Kaya nga wag tayo umasa,umasa na maging tayo..."huh?Ano bang pinagsasabi nito?"Ah...I...mean umasa sa ibang tao na hindi magiging kayo sa bandang huli dahil may mahal na siyang iba"pagbawi nito sa sinabi niya kanina.

"Umaasa lang ako sa wala.Masaya nga kung single ka dahil wala kang heart problems,wala kang pagseselosan"sabi ko at mapaklang ngumisi.Alam mo ba yung ngising peke?Ganito ako ngayon ngumingisi ng peke.

"Pero hindi naman lahat ganun.Mayroon silang rason kung bakit hindi ikaw yung napili niya"saad nito.

"Siguro nga tama ka diyan.May itatanong sana ako sayo,didiretsuhin na kita"umayos ako ng upo at tumingin sa kanya na mapaklang ngumingiti."Mahal mo ba ak—"

"Dane!Babe!"nagulat ako ng may sumigaw sa likuran ko at siya yung girlfriend ni Dane,hindi naman ako kasin ganda niya na parang diyosa kaya nga malinaw na hindi talaga ako ang pipiliin ni Dane half lang ako kumpara sa kanya.Tumayo si Dane para salubungin siya.

"Clarisse!"and the most painful part is...hinalikan niya yung pinakamamahal niyang babae sa labi at mahigpit silang nagyayakapan sa harapan ko.I can't hold my tears anymore parang kahit anong segundo ay tutulo na yung luha ko.

"I missed you so much!"hinalikan niya ulit si Dane.Dyusme!PDA sila hindi ko na kaya kailangan ko nang umalis dito.

"Um,pasensya sa abala sa 'sweet moments' niyo.Dane alis na ako,paalam na"sabi ko at tinalikuran ko na yung dalawang naglalambingan.Ganito pala kasakit sa puso na parang pupunitin yung puso ko sa sakit,yeah,mas sobra pa yung sakit sa binabasa kong heartbreaking stories,anime at movies.Tumulo yung luha ko sa sobrang sakit ng nadarama ko.Tama na ang sakit tama na!

Sometimes the questions are complicated and the answers are simple

     Yes,he doesn't love me at yan ang nagpatunay.Action speaks louder than words.Ito yung realidad at hindi siya yung Dane na nasa panaginip ko nang nakaraang tatlong taon he's still the same and he's still the one na ginawa akong tanga na umaasa sa kanya.

And that's how our paths crossed in reality compared to my fantasy.

Otaku fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon