10 Years
Ganyan katagal since the day i had my first hearthbreak.
Yung araw na hindi ko akalain na darating, yung akala ko
perfect na yung mga moment na kasama ko pa siya,
yun pala AKALA lang ang lahatNaalala ko pa kung paano ko pinangarap magkaroon
ng isang perfect love story, ang akala ko nung nakilala
ko siya mgiging masaya na ako, akala ko siya na yung
tinatawag na Knight and Shining Armor yun pala
kabaliktaran ng mga AKALA ko.Pero ang akala kong Knight and Shining Armor ko
eh siya pa pala ang sisira sa buhay ko. Siya ang
gumulo ng buhay ko kasama na dun ang pangarap at ang puso ko.Yung mga gabi na hindi ako makatulog kakaisip
kung bakit siya pa. Yung mga luhang hindi mo
mapigilan na lumabas sa mata mo tuwing naaalala
mo siya. Yung feeling na parang pagod ka nang
umiyak pero yung sakit na nararamdaman mo
eh hindi manlang nababawasan kahit konte.10 years. Sa haba ng panahon na yan, siguro
nakapag move on na ako. Pero bakit nung bumalik
ako parang bumalik din lahat ng happy memories ko nung kasama kita.Bakit sa 10 years na yan. Sa tagal na panahon na yan, bakit ramdam ko parin ang sakit? Parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Basta ang alam ko lang...
I'm Afraid Of Loving Someone Like You Again
----------------------
Hi There !!
I'm Back !!