"ANG TATANGA NINYO! MGA WALA KAYONG SILBE! SIMPLE LANG ANG PINAPAGAWA KO AH! ANG KUHANIN NINYO ANG BATANG YUN! PERO HINDI NYO PA NAGAWA! MGA HANGGAL!"
Napataas nalang ang kilay ko ng marinig ang sigaw na yun. Tsk wala pa man ako sa pintuan ay ang nakakainis na niyang boses ang bubungad sa akin.
"P-patawad po boss!!! May bantay po kasi boss! Kaya nakatakas sila"
Binuksan ko ang malaking pintuan kung saan nandoon ang mga yun.
Nakita Kong nakayuko ang limang lalaki. Hmm? Sila siguro ang bumagsak sa misyon nila.
"Huling pag kakataon na ito! Pag Hindi pa ninyo nadala ang batang iyon dito ay papasabugin ko na ang mga bungo ninyo! Naiintindihan niyo ba?!"
Tahimik ako na umupo at nangalumbaba. Haist! Nakakabingi na ang isang ito!
"O-opo!!"
Malakas na sigaw nila. Seriously? Hindi nila kailangan sumigaw.
"Mag silayas na kayo!"
Sigaw ulit niya. Nag si alis na yung mga napagalitan, siya naman problimadong napahilot sa sintido niya at umupo.
"Sakit sa ulo"
Bulong niya. Napailing nalang ako, at nagdikwatro.
Hmm? Kahit 3 minuto na ang nakaraan ay Hindi pa rin niya napapansin ang presensya ko, at patuloy sa pagmasahi ng sintido niya...
"Ganun ka na ba ka tanga para Hindi maramdaman na nandito ako?"
Sabi ko, halatang nagulat ito dahil agad siyang Napa upo ng maayos.
Napatingin siya saakin at ng magtama ang mata namin ay agad lang nyang nilihis ang mga mata niya at lumunok. Napataas ang kilay ko. Anong na naman ang nangyayare sa lalaki na ito?"I-ikaw pala y-yan, A-ano ba ang k-kailangan m-mo?"
Seriously? Bakit siya kinakabahan? Its not like kakainin ko siya anytime. Tsk
"Tsk, just need some info"
Kinuha ko ang litrato ng pamilya nito at inetsa sa lamesa malapit sa kaniya.
"I know you know them"
Dahan dahan niyang kinuha ang litrato at tinitigan yun.
Dinukot ko ang dagger sa tagiliran ko at hinimas ko ng dahan dahan ang talim nun,
Napatingin siya saakin at lumunok. That's right, matakot ka."Nah, sagot lang ang kailangan ko sayo."
Tinignan ko siya.