Prologue

6 1 1
                                    

Prologue

Alam niyo ba kung ano ang “kasal-kasalan”?

Siyempre, alam niyo yan.

Isa itong laro na pambata. Kukuha ka lang ng kapareha mo at ikakasal kayo. Ganoon lang kasimple. Magkakapit ang mga braso, hawak-hawak ang isang bungkos ng gumamela, magsasabihan kayo ng I do, I do… at may sisigaw sa likuran ng “Kiss the bride!”

At pagkatapos ay tutuksihin kayo ng iba niyo pang kalaro. At magtatawanan din kayo sa huli.

At kayo ay mga bata lang. Katuwaan lang iyon kung tutuusin. Dahil hindi naman kayo seryoso habang ginagawa ang munting kasalan. Sa loob ng isang araw, nang dahil sa bisa nito, magkakaroon ka ng isang asawa na pwede mong kapitan at angkinin tuwing recess, lunch break, o uwian. Ganoon lang kasimple.

Kinabukasan, wala na. Makakalimutan niyo rin agad ang mga nangyari. Balik na kayo sa kani-kaniyang mundo. Ganiyan talaga ang mga bata.

At isa nga itong laro na popular sa mga nasa preschool at elementarya. Dahil sa totoong buhay, hindi naman ginagawang laro ang kasal. Siguro, nagmamadali lang tayong tumanda kaya maski anong gawain ng mga adults sa paligid, ginagaya natin. Siguro, natutuwa lang tayo sa seremonyas ng kasal.

Siguro. Ewan. Sino ba ang may alam ng totoong dahilan?

At kaming lima – oo, ginawa rin namin yan.

Si Kevin ang pari.

Sina Kuya Ivan at Janna ang unang ikinasal.

Tapos kami naman ang sumunod, ako at si Jody.

Katuwaan lang siyempre. Dahil kami ay mga bata.

Pero ang kwento naming lima, doon nagsimula.

*~*

Author's note: Hi Ate macELi, eto na pala yung utang kong story sayo. Tanda mo pa ba? Last year pa to dapat e. Yung tungkol sa mga childhood friends na may namumuong love triangle? Haha. Eto na yun. Sorry, ang tagal. Labyu. :))

From Stars to ConstellationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon