Kabanata 1

63 5 0
                                    

Pagitan

Isinulat ni Kimi

Pananaw ni Iris

Isang buwan na ang lumipas simula nang mawala ang aking mga magulang. Hindi ko pa rin lubos matanggap ang mga naganap dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Nadarama ko na rin ang dumadaloy na lakas at enerhiya sa aking katawan na tinutukoy ni ina sa paglipas ng panahon.

Ang talas ng pakiramdam ko ay mas sumidhi na rin dahil sa aking pang-amoy at pang-dinig. Katulad ng lahi ni ama at ina ay paiba-iba ang kulay ng aking mga mata. Ito'y nagiging dilaw at pula, depende sa kapangyarihan na aking gagamitin. Kaya kong kontrolin ang pagiging bampira at lobo, ngunit ang lakas nito ay hindi ko kayang i-manipula.

Tumungo na ako sa kuwartong binanggit sa akin ni ina. Doon ko raw makikita ang portal na magdadala sa akin sa mundo ng mga bampira at lobo. Noong una ay hindi ko kaya... dahil natatakot ako sa pagkatao at kapasidad na magagawa ko. O marahil sa posibleng tadhana na nakasulat sa palad ko.

Ang amoy din ng dugo na aking kinakatakutan noon ay iba na sa akin, parang gusto kong tikman iyon. Uhaw at gutom ang sinasapit ko, kahit ang tubig ay hindi kayang mapawi ang uhaw ko. Dugo ang hinahanap ng kalamnam at sikmura ko. Nasa siyudad ako kaya naman hindi ako makalabas dahil baka magkasala't makapatay pa ako ng tao, lalo na ngayon na hindi pa ako ganoon ka-sanay sa pagkontrol ng aking kapangyarihan. Kung sana lamang ay nasa bukiran ako ay makakahuli ako ng kahit anong hayop para uminom ng dugo.

Pumasid na ako sa kuwarto nang mapagtantong nasa harap na ako nito. Unti-onti akong lumapit sa nag-iisang kagamitan na nandoon, ang kama. Pinagmasdan ko muna ng ilang segundo ang isang baul na nakapatong sa kama. Kinuha ko iyon. Bumungad sa akin ang pulseras na kumikinang at lumiliwanag at isang papel na nakaungkit doon.

Aking minamahal na anak... batid kong ngayon ay binabasa mo ito nang wala na kami ng iyong ama... nais ko lamang na malaman mo na ang purselas na iyan ay aking mismong isinigawa upang maging kasangga mo kahit man ikaw ang pinakamalakas, iyan ay may dala-dalang maraming abilidad at kapangyarihan na malalaman mo lang kung ika'y maglalakbay papunta ka sa iyong Tiyo Burneo, isa pang kapatid ko na hindi huwad sa kapangyarihan at lakas. Tutulungan ka niya upang mahasa ang iyong mga abilidad. Ang purselas na iyan ay isang mahiwagang portal na walang nakakaalam sino man. Maghanap ka ng puno at iharap mo ang purselas. Huwag mo sanang ibubunyag ang iyong kahinaan na pu-puwedeng gamitin sa iyo ng sino man. Mahal na mahal kita, aking anak. Ika'y akin pa ring babantayan magpakailanman, lumisan man ako ng maaga...

Nagmamahal,
Iyong ina, Emelda.

"Hindi ko lubos maisip na kahit ikaw ay nasa panganib ng mga panahon na ito ay ako pa rin ang iniisip mo, ina. Itataga ko sa konkretong bato na ipaghihiganti ko kayo ng tama— at sa bukal na paraan. Makakamtan niyo ang karapa't-dapat at makatarungang hustisya." Namumuong tono sa boses ko.

Napagdesisyunan kong lumabas ng madaling araw sapagkat kakaunti lang ang mga taong aking makakasalamuha, hindi katulad kapag ako'y lumabas ng umaga. Baka hindi ako makapagpigil at makagat ko sila na iniiwasan ko sa loob ng isang taong pamamalabi ko rito nang mag-isa.

Naglakad-lakad lamang muna ako upang makahanap ng isang puno, handa na ako upang harapin ang tadhana na iginuhit ng kapalaran para sa akin.

Ilalabas ko na sana ang aking purselas nang may humablot nito papalayo sa 'kin.

"Holdap 'to! Akin na 'yang bag mo!" Sigaw ng isang lalaking naka-kulay itim na pantaas, may hawak itong matalim na kutsilyo.

Napatingin ako rito at umiling-iling. "Wala kang mapapala sa akin dahil wala naman akong dalang salapi, ginoo. Ibigay mo na lamang ang purselas ko kung ayaw mong masaktan."

In the Darkest NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon