"Ray!"
Isang malakas na sigaw ang aking narinig habang tinatangay ako ng isang napakalaking alon na tumama dito sa isla.
Pilit kong hinanap kung saan nanggaling ang boses na 'yon.
Alam kong siya 'yon. Kailangan ko syang mahanap. Kailangan ko syang sagipin.
Sumisid ako upang hanapin sya, ngunit mga sirang kahoy at mga kagamitan sa isla na tinangay sa dagat ang tangi kong nakikita.
Sumikip ang aking dibdib at nahihirapan na akong huminga dahil ilang minuto na din akong nasa ilalim.
Sinubukan kong umahon saglit upang huminga. Ngunit sa aking pag-ahon, isang malaking piraso ng kahoy ang tumama sa aking ulo at tuluyang nawalan ng malay..
Umaga na ng ako'y nagka-malay,
bumungad sa akin ang sira-sirang kapaligiran dahil sa tumamang lindol at tsunami dito sa isla.
tumingin ako aking orasan, anim na oras na ang nakakalipas ng mangyari ang delubyong 'yon.Di parin maalis sa aking isip yung boses na narinig ko nung gabing 'yon. Alam ko, sigurado akong sya 'yon.
Sinubukan ko syang hanapin kahit na hilong-hilo pa ako. Bumalik ako ng dagat upang maghanap, halos isang oras din 'yon ngunit ni isang bakas nya ay wala akong nakita.
Sa sobrang kapaguran at gutom, nagsimula nang manlabo ang aking mata, nanginginig na din ang aking mga tuhod.
Isang boses ang aking narinig, "Ray tulungan mo ako." Paulit-ulit kong naririnig ang boses na 'yon. Pilit kong hinanap kung saan ito nanggagaling, hanggang sa may maaninag akong isang nakasisilaw na liwanag.
Agad ko itong nilapitan, isang babae ang unti-unting lumabas sa liwanag na 'yon habang patuloy parin sya sa pagsambit ng "Ray tulungan mo ako."
Nang maaninag ko ng mabuti ang babae sa liwanag...
Ako'y napaluhod at lumuha, ang akin nalang nasambit, "Isabella san ka ba nagpunta?" lumapit ako upang yakapin ngunit naglaho siyang bigla.
Nang may isang malakas na tinig ng lalaki ang aking narinig.
"Sir, sir? gising na po, nasa airport na po tayo."
Nagising ako sa tawag ng isa sa mga staff sa loob ng eroplano na aking sinakyan....