Ray's POV :
Sh!t! panaginip lang lahat ng 'yon? bakit parang totoong-totoo?."
Bigla ko nalang nasabi nang ako'y magising sa tila isang napaka-laking bangungot.Agad akong bumaba sa eroplano ng makita kong ako nalang ang tanging pasahero na nasa loob, dali-dali kong pinuntahan ang pinaka malapit na CR sa airport upang maghilamos.
Di parin maalis sa isip ko yung lahat ng nangyari sa panaginip na yon, akala ko talaga totoo, as in totoong-totoo.
Lalo pa akong kinabahan nang makita ko sa panaginip na 'yon ang aking kababata, or should i say childhood crush na si Isabella. Siya talaga ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa Japan, dito na kasi sila nakatira ang mga magulang nya, kaya nagbabaka-sakali ako na dito ko siya makikita.
Huling usap namin noong highschool graduation pa, pagkatapos noon e wala na akong balita sa kanya bukod sa nalaman kong nag ibang-bansa sila. It's ten years ago, baka nga di na nya ako makilala e, may gusto lang talaga akong sabihin sa kanya na dapat matagal ko nang nasabi
*A Flashback from 10 years ago (year 2001)*
"Yo Ray! ba't ganyan yang itsura mo? di ka ba masayang graduate na tayo?"
Biglang bati sakin ng kaibigan kong si Norman."Ay pre ikaw pala yan hahaha, masaya naman, marami lang iniisip kaya ganito." Sagot ko.
"Sige pre, if you have problems nandito lang kami ng tropa, pwedeng pwede mo kami kausapin. By the way pre, una na 'ko ah, hinihintay na ako nila Dad sa labas." Pagpapaalam ni Norman.
"Sige pre, salamat, ingat ka."
Maikling sagot ko.Nasa hallway ako noon nang abutan ni Norman na naglalakad mag-isa, katatapos lang ng graduation ceremony namin non, papunta sana ko sa canteen para hanapin si Isabella.
Pagdating ko sa canteen, agad kong nakita si Isabella at bigla akong natulala, diko na namalayan na papalapit na pala sya sa akin.
"Raayyyyy! Congrats! hihi graduates na tayooo!" Biglang sigaw ni Isabella.
"..................."
Ayon, nakatulala parin ako sa kanya, di ko narinig yung mga sinabi niya.Sino ba naman ang di matutulala? Ang ganda nya kasi omfg. Brown eyes, short and curly hair, tan skin, ugh shet! mapapa-mura ka sa ganda. lol hahaha
"Ray? Raaayyy? yoohooooo? gising ka pa baaaa? Raaayyy?" Naka ilang tawag pa sa akin si Isabella bago ako nahimasmasan.
"Hala, Bella ikaw pala yan hehe." Yun nalang ang nasabi ko pagkatapos kong makita na nasa harapan ko na siya.
"Asuuuss! nakatulala ka nanaman, okay ka lang ba? Lagi ka nalang ganyan pag magkasama tayo, hmppp!" Tila nagtatampong sambit ni Isabella.
(Biglang nag pout si Bella pagkatapos nyang sabihin 'to. kyot nya talaga hihi.)
"Hala, sorryyy ano kase, uhm ano... may gusto sana akong sabihin, matagal na kaso... ano kase aaahhhh." Nauutal na salita ko.
Bigla kong narinig ang Daddy nya na tinatawag siya.
"Bella? tara na, naghihintay ang mommy mo sa labas.""Ano ba yung sasabihin mo Ray?"
Pagtatanong ni Isabella."Aaahhh... ano.. wala haha. Mukhang sinusundo ka na ah, tawag ka na ni Daddy mo." Sambit ko.
"Aaah haha akala ko naman kung ano, sige Ray, una na ako. Ingat kaaaa."
Pagpapaalam sa'kin ni Isabella.Aaaaarrrgghh! Damn! bakit ba kasi di ko masabi?!
Makalipas ang ilang linggo na di kami nagkikita, nalaman ko nalang na umalis na sila ng pamilya nya papunta sa Japan. Japanese kasi ang Mommy nya at Filipino naman ang Daddy nya.
*End of flashback*
Lumipas ang maraming taon na wala kaming komunikasyon sa isa't isa, di pa kase uso ang social media noong mga panahon na 'yon. Sinubukan ko naman siya hanapin sa Facebook bago ako pumunta dito pero di ko talaga mahanap.
Ngayon, diko alam kung papaano ko siya hahanapin dito, haayyysss! bahala na.