C1:My Typical Life

1 0 0
                                    

'Hoy babae wala kabang balak tumayo diyan ha!?' Sigaw na gumising sakin na sinundan pa ng palo.

'Aray ko ano ba??,Ang sakit nakakainis naman!' Sigaw ko at nagtakip ng unan sa mukha,Ngunit bago pa ako makabalik sa tulog ko ay kinuha na sakin ang unan at hinampas saken hanggang sa mawala antok ko.
'Oo na,Babangon na!' Sigaw ko at tumayo na,Wala nako magagawa piste. Tinignan ko sa cellphone kung anong oras na,11:00am na pala. Pero nakakainis kasi bakasyon pa naman pero ang aga na manggising,Hmpppt!

Dumeretso ako sa kusina at tumingin ng makakain sa ref na handa namin ng pasko,Ilang araw na ang nakakaraan. Kumuha ako ng spaghetti at ininit. Eto ang pambansang almusal kapag pasko e. Kumuha din ako ng softdrinks. Inulam ko ang spaghetti habang nanunuod ng tv. Pagkatapos ko kumain ay naghilamos lang ako at humiga nanaman. Pinapabantay sakin ang mga bata,Pero tinakasan ako,Hinayaan ko nalang kasi sa kapitbahay lang din naman ang punta nila. natulog nalang uli ako.


'Hoy!!!! Lagi ka nalang tulog!! Kain tulog kain tulog kaya ka nananaba e!'Sigaw na gumising sakin. 'Bumangon ka diyan,Yung pinapabantay ko sayo tinakasan ka,Tignan mo kapatid mo nadapa!' Galit na sambit ni mama. Nakakainis naman bakasyon pa naman bat bawal matulog nakakainiiisss!

Kinuha ko ang cell phone ko at lumabas ng bahay, Dito lang sa kabilang bahay,Dito nakatira ang Lolo't Lola ko.

Nagpipicture ako ng biglang may magchat sakin

'Hi, Happy New Year! ' Inistalk ko muna bago magreply. 
Kilala ko pala to, Cinonfirm ko to nung nakaraan, Actually friend ko before sa facebook pero nakakapagtaka bat inadd aq ulit.

'Hello HAHAHAHA' Nagreply nalang ako, Nakakainip din kasi.  Pero di ko jojowain to,Mukhang bad boy na may halong fvckboi e.

'Bebang' Narinig kong sigaw ng lolo ko.
'bebang!'Sigaw niya ulit, Hinihintay ko na may sumagot pero wala
'Bebang!' Sigaw niya ulit kaya sumagot nako "Lo wala si bebang!' Sigaw ko dahil nasa labas ako ng bahay niya.  "BI TULUNGAN MO NGA AKO MAGCR! ' sigaw niya. dali dali naman ako pumunta sa kwarto niya,Kinuha ang wheelchair at binuhat siya. Payat na ang lolo ko pero mabigat parin.  pagkatapos ko siya mabuhat at naisakay sa wheelchair dinaal ko siya sa cr,Hinintay kong matapos siya umihi at binuhat uli,Ibinalik ko uli sa kwarto niya. habang inaalalayan ko siya pahiga sa kama nagsalita siya  "Putcha,Mamamatay na ata ako" Nabigla ako sa sinabi niya. Masakit para sakin marinig yon lalo na't siya ang nagalaga samin. Kaya sumagot ako agad ng 'Wag mo naman sabihin yan po'.. Di na siya sumagot. Nang maiayos kona siya nagsabi ako sakaniya ng "Po, OK na? tawagin mo lang ako ha,Dito lang kami sa labas" tumango nalang siya.

Nandito nako sa labas at pinapagalitan ang mga batang makukulit,Pero Di parin maalis sa isip ko yung sinabi ng lolo ko. Wag naman Sana, Masakit. Nagpray ako na Sana wag muna siya kunin samin. Naiiyak nako ng biglang may magpop na message. Si Mr.B&F pala bad boy ft.  Fvckboi chos HAHAHAHAHA.  Baduy. Ganon kasi yung look niya,Pero ang bait niya. nagkukwentuhan kami. Sarap sa feeling.

Dumidilim na kaya umuwi na kami,Nagluto ako ng ulam namin. Ako na nagasikaso sa mga bata,Isang kapatid ko at tatlong pinsan ko.  Ang kukulit. Pinagpray ko muna sila bago kumain.

'ate gusto ko to! '
'ako ayoko!'
'kumain kayo, magagalit si ate! '

'maanghang yan beh' Sambit ko kay leyley

"Okay lang ate, Big na ako kaya kaya kona yan' sagot naman niya

"ako din ate! ' sambit naman ni tantan

"osige.'

Natapos kami kumain ng makalat ang lamesa. Ang gulo,pagod na pagod ako kaya pagkatapos ay naligo nako at humiga na. Goodnight.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Story of UsWhere stories live. Discover now