“Josh, picture kayo ni Kishiya.” Sabi ng kaibigan ko kay Josh, crush ko. Alam na ng karamihan sa room namin pero hindi pa niya siguro alam? Ewan ko ba. Manhid siya eh. Ngayong 4th year ko lang siya naging crush simula nung naging close kami dahil sa Choir at sa club kung saan magkasama rin kami.
Friday ngayon, Catering namin sa TLE. “Oh wacky naman.” *click* “Tapos na.” sabi niya sa akin na may ngiti sa labi sabay abot ng camera ko. “Salamat Eunice.” yun lang nasabi ko sabay titig sa picture naming dalawa, ang gwapo gwapo talaga niya ngayon! Lagi nman eh. :”> Nakataas buhok niya tapos nakasuot siya ng V-neck na t-shirt na itim saka pantalon. Tumugtog sila sa Catering namin. Ang galling niya! :”> hays. Kaya lang may iba na siyang gusto, pero kahit ganon crush ko pa rin siya. Crush lang naman eh.
Natapos ang catering naming at naging successful yon. Gabi na rin kami nakauwi dahil inayos pa namin yung room at nagligpit pa kami ng mga gamit sa TLE lab. At dahil Friday may praktis kami ng Choir. Latang-lata na ako pero kinaya ko naman. Pagkauwi ko binuksan ko agad yung Laptop ko, excited na akong mag-upload ng mga pictures, lalo na yung picture naming dalawa :”> Kinopy ko na yung picture namin sa memory card ko tapos sinet as wallpaper ko. Ang gwapo niya talaga <3
***
LUNES.
Wala kaming pasok ngayon dahil may pupuntahan yung mga teachers. Pero kailangan namin pumasok dahil may meeting kami para sa project sa Mapeh. Hindi ko siya kagroup pero may meeting din sila kaya ayon makikita ko siya. :)
"Laiza, nakita mo ba si Josh?" tanong ko sa isa sa mga ka-group mates niya.
"Ayieee. Bakit mo hinahanap? Bumili sila ng materials para sa group namin." sagot niya.
"Wala lang, hehe. Salamat!" yun lang nasabi ko.
Umalis na kami ng mga kaibigan ko pagkatanong ko. Alas-dose na rin kaya makakain na. Kasama ko sila Shane, Lily, Eunice at Mari sa pagkain, mga kaibigan ko.
***
Sizzlingan.
"Ano order niyo?" tanong nung babae sa amin.
"Sisig with Egg po sa akin." sagot ko.
"Akin din po." -Shane
"Akin din." -Lily
"Teka lang, itaas ang kamay ng Sisig with Egg din ang order." binilang ko kung ilan kaming Sisig din ang order.
"One, two, three, four. Ate bale lima pong Sisig with Egg. Tapos po yung drinks..."
"Sparkle sa akin." -Eunice
"Sa akin din, bale dalawa pong Sparkle." -Mari
"Ako Royal." -Lily
"Sa akin din." -Shane
"Yung drinks po. Dalawang Sparkle at tatlo pong Royal. Yun lang po." -ako
"Sige, pakihintay na lang." sabi nung babae.
After few minutes...
"Hmmm. Ang sarap talaga!" saad ko.
"Oo nga! Dabest talaga Sisig dito!" ^________^ -Eunice
"Tama ka jan. Yummy!" -Shane
