Uhmm short story lang talaga siya actually for education purposes ko siya... Matagal na to nakatambak since last year ngayon ko lang napag disisyonang ipublish sa wattpad imbes naman matapon lang enjoy reading :)
•••
Sa malayong nayon ng Bierzanica may mga tagong tao na hindi naabot ng teknolohiya matapos ang Ika 2 digmaang pandaigdig tinatawag silang The lost city
Rielle PoV
April 21,3230
Hi I'm Rielle Villialuna today is April 21,3230.
Isa kami sa nakakataas dito sa nayon ng Bierzanica kami ang nasusunod sa lahat. Pagmamayari namin ang malawak na nayon nayan na aming na ibinigay sa mga mamamayan.
Ayon sa kasaysayan eh mainit at summer daw tuwing Abril oo noon ganun yon
Pero ngayon di na maramdaman ang ang araw kung hindi malamig eh maulan,
Pag disyembre naman ay umuulan na ng nyebe pero ayon sa mga librong nabasa ko sa aming silid aklatan hindi naman daw umuulan ng mga nyebe sa aming lugar
sapagkat palagi daw mainit dito marami daw noong mga bata sa kalye,
Marami silang mga laro katulad ngpatentero at tagutaguan
Meron din silang tinatawag na tamaan tao kung saan may ibabato sayo at iiwasan mo
Nakita ko din ang ibang mga larawan ng mga taong abot langit ang tuwa tuwing naliligo sa ilog
Napakasayang tignan ang album na ito,
Ngunit sa kasamaang palad hindi nanamin naranasan yon ung maglaro at magsayawan sa labas
Ganon pala talaga noh makikita mo lang ang halaga ng isang bagay O tao pag wala saiyo
Dahil ngayon paglumabas ka ng manipis ang yong saplot eh sobrang lamig,
Pero masasanay din naman ang katawan mo sa temperatura...
Wala din kaming makuhang koneksyon O kumunikasyon sa mga sayantismo kaya d na namin batid ang nagaganap
Ngunit ako nararamdaman ko na kakaiba ang taglamig ngayon
Parang may hindi magandang mangyayariMay 12, 3230 8:30 am
"Ateeee! Tinganan mo tingnan moooo! " Sigaw ng aking kapatid na si Eriella
"Ate!, tinganan mo sa labas ito ang nasa album ni lola Corzonia" Turo ng aking kapatid
Pagsilip ko sa naninigas na bintana ay otomatikong bumigat ang aking panga sa pagkamangha
Naalala ko to may libro akong nabasa tungkol dito "bahaghari? "
"Ano ate b-bahaghari ang tawag dito diba ito ung tinuro mo sakin namay pula, kahel, berde at napaka rami pang kulay" Ani ni Eriella
"Oo ella yun nga yon ngunit bakit sila nanjan hindi ba dapat naglaho na sila ilang dekada na nang muli yan sumilay ayon kay lola corazonia" Sagot ko na may pagtataka
"Edi maganda matagal nading tahimik si pebo-ang dyos ng liwanag" Wika niya
"Oh ate ang galing ko nalaman ko yon boom panes ate may magandang dulot din pala ang pangingialam ko sa libro mo whahahaha" Hirit niya pa
Ngunit di ko siya pinansin dahil bukod sa pagkamangha tila may kakaiba talaga
Parang napaka bigat sa dibdib
YOU ARE READING
Ang Yakap ng Lamig sa Taginit
Randompaano nga ba pag nawala ang init na bumabalot sa daigdig Paano pag nanlamig ang nagiinit niyang pagmamahal sa atin...