one

168 0 1
                                    

--------------------------------------------

Paano ko sasabihin?

-------------------------------------------

~sa pag-ibig dapat may lakas tayo ng loob sabihin ang ating nararamdaman dahil sa huli tayo rin ang magsisisi~

1.

June 2006, unang araw ng pasukan ng Quezon City Elementary School kung saan nagaaral sina Marjorie, Jasmine, Rebecca, Steve at Kyle.

Kung saan sila ay nasa grade 4 na. Matagal tagal na rin silang magkakaibigan, palagi silang magkakasama at nagkakatuwaan.

Nang isang araw...

"oy Kyle! ano? kelan mo balak umamin?" Sabi ni Steve  

"Ssshhh! saka na pag handa na siya." sabi nitong si Kyle 

"sus! eh kelan naman kaya yun?"  

"Bahala na!"

nang biglang dumating ang mga dalaga.

"oy! anong pinaguusapan niyo ha?" tanong ni Marjorie  

"ah! wala!" sagot ni Kyle 

"sus! wala daw! sige tara na! uwi na tayo" aya ni Rebecca

habang pauwi na ang lima, tumabi si Rebecca kay Steve at tinanong kung anong pinagusapan nila ni Kyle kanina. at binulong naman ni Steve

"ano?!?! hindi nga?!?!" sigaw ni Rebecca

biglang napatingin ang 3

"Oy! ano naman yan? pagkaingay mo!" tanong ni Jasmine 

"ah! wala!" sagot ni Steve 

"ok!" sabi naman ni Marjorie

"ano ka ba? ipagsigawan daw ba? oo, totoo yun pero hinid ko muna pwedeng sabihin kung sino" sabi ni Steve 

"ay ganun? bakit naman?" pagtatakang tanong ni Rebecca  

"eh kasi ako pa lang ang pinagsabihan ni Kyle kaya ayoko muna sabihin sa inyo" sagot ni Steve 

"ah okay! sige! kayo bahala" sabi ni Becs.

March 2007, malapit na ang recognition at kalat na sa lahat kung ano ang napagusapan ni Steve at Kyle na kung sino ang mahal nito ngunit ayaw niya pa rin umamin...

"tol, kelan mo ba balak aminin sakanya?" tanong ni Becs 

"hindi ko pa alam eh, maggrade 5 na tayo pero hindi ko pa rin nasasabi sakanya. tulungan niyo kaya ako?" sabi ni Kyle 

"sus! eh kung sinabi mo na agad yan dati pa edi natulungan ka na namin!?!" sabi ni Becs 

"eh kasi naman! gusto ko hindi niyo muna alam para boom! surprise di ba?" Kyle 

"oo nga! surprise nga nahihirapan ka naman? ano kaya yun?" Becs 

"eh! bahala na si Batman! siguro sa grad ko na lang sabihin??"  

tanong ni Kyle 

"sus! sa grad? magiintay ka pa nang graduation day kung pwede mo naman gawin ngayon or during grade 5 days?" Becs 

"oo nga noh! eh pero wala pa akong lakas ng loob eh." Kyle 

"sus! ano ba yang lakas na loob yan? kelan ka ba magkakaroon niyan?' Becs 

"ewan ko! basta! kung kelan na lang kaya!" Kyle 

"ay nako! eto na ang pagkakataon oh! ayan siya ohh palapit sayo! go!" sabi ni Becs sabay tulak niya kay Kyle

sa mga panahong iyon aamin na dapat siya kaso....

"Jasmine!!!! tara laro tayo!!!" aya bg classmate niyang si Pathy na mayroon ding gusto kay Kyle

*badtrip!!!* bulong ni Kyle

sa pagkakataong iyon, isang malaking pag-asa ang nasira dahil lang sa pagkontra ni Pathy sa pangyayari.

Ilang araw bago ang recognition binalak ulit ni Kyle na umamin kay Jasmine ngunit...

"wait Kyle. tumawag ang mama, kelangan ko na daw umuwi. sige alis na ako bye!" Jasmine

*haaayyy...* napabuntong hininga na lang si Kyle mula sakanyang pwesto.

Duimating na ang araw ng recognition at panahon na para aaminin na niya kay Jasmine...

Pagkatapos mismo ng recognition ay kinausap ni Kyle si Jasmine..

"Ahmmm....Jasmine, may ipagtatapat sana ako sa'yo.." Kyle 

"ohhh! naman! sasabihin mo na ba sa akin kung sino yung mahal mo?" pabirong tanong ni Jas dahil hindi pa talaga alam ni Jas kung sino maliban sa barkada na talagang nililihim iyon.

Habang nasa kalagitnaan ng pag amin si Kyle...

*BEEEP* *BEEEP*

tinignan nila ito at nakita nila ang mama at papa ni Jas.

"Jasmine! halika na! uwi na tayo! Oh hello Kyle! una na kami ha?" sabi nung Papa ni Jas 

"ah! kyle! sorry, aalis na daw kami eh, next time na lang" sabi ni Jas 

"ah....eh....okay! ingat!" ang tanging nasabi ni Kyle at kinawayan sila.

Eto na ang pangatlong beses niyang gustong umamin kay Jasmine at mukhang sobrang nahihirapan si Kyle.

paano ko sasabihin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon