JEZ'S POV
"Anak, pwede ka bang pumunta sandali sa grocery store? May ipapabili lang sana ako sa'yo." Ani ni mama, habang nagbabalat ng sibuyas.
Kumunot noo ako at binigyan ko siya ng masayang tingin. "Sure, ma. Ano ba 'yun?"
Pumunta siya sa dining table at iniabot ang isang mahabang papel sa akin. Tinignan ko muna ang papel bago ko ito kuhanin. "Ma, ang dami naman ata ng pinapabili mo?" Halakhak ko.
Nginitian lang ako ni mama at pinag-patuloy ang kanyang ginagawa. This is our simple-yet-elegant life. And I am happy to be with my mama. Simple man ang buhay namin, atleast we know how to make each other happy.
"Ate, pabili na rin ako ng chips ok?"
Napatingin ako sa sala, si Jerome my younger brother. Maton pa yan sa maton. And sigain pero may malambot na puso rin 'yan pagdating sa family. Madalas mag-away, pero mag-babati rin sa huli. Ganyan talaga kami niyan. Hindi nawawalan ng dahilan para mag-away.
"Opo, kuya" sarkastikong saad ko.
"Osya ma, i gotta go na." Saad ko at saka hinalikan siya sa pisngi at nagmamadali na akong umalis.
Hey pretty stranger
I think you look cute
Can i get your number?
I wanna know you.Habang nag-mamaneho ako, narinig ko na naman 'yang kanta na 'yan. Actually, it's one of my most LSS-ed songs. It brings me a lot of memories whenever i hear that song. Napapangiti nalang ako habang kinakanta ang linya na 'yan. It really reminds me of him.
I shrugged it down, nag-park na ako and pumunta na agad sa loob ng store para agad na rin matapos, i want to rest din kasi..sinusulit ko lang naman ang mga araw na wala kaming pasok. Yes, no classes kami and because it is our rest week after our midterm hellweek sa school. College sucks.
"Ok, onions..check. Garlic, check.." ani ko habang nagdo-double-check ako sa pagbili ng mga pinabibili ni mama.
"Jez?"
Natigil ako. Napakagat ng labi. That voice..I know that voice. This can't be..It must be him!
Napalingon ako kaagad kung sino ang tumawag sa akin. At hindi ako nagka-mali. Siya nga. Bakit ngayon pa? Hindi ko alam kung nananadya ba yung tadhana or what? Pero ang shit lang. lord naman ih, ready ko na siyang kalimutan oh!
Wala akong masabi. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko nang mag-tama ang mga mata namin."J-Jeoff..?" Nauutal na sabi ko.
Binigyan nya ako ng marahang ngiti. "Wow, sa dinami-dami ng lugar dito pa tayo magkikita?" Saad niya na para bang nagagalak pa siya na makita ako.
Huh, pwes ako hindi. Hayup. Kapal naman ng mukha mong ma-galak!
"Yes," I chuckled. "Unexpected nga eh, he-he" saad ko.
Dahan-dahan akong tumalikod ako at dali-dali akong lumakad papalayo sakanya.
"Hey, wait." Hindi pa ako nakakalayo't hinabol niya ako at itinigil ang pushcart na tulak-tulak ko.
Nagtaas ako ng kilay and gave him a blank expression. Dahil, hindi na ako natutuwa. Bawal ako maging marupok..please lang.
"What?" Mariin kong tanong.
Natulala siya saglit, halatang hindi alam kung ano ang sasabihin. Dahil siguro sa reaksyon na ipinakita ko sa kanya.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ngayong nagkita kami ulit, bumalik lahat ng alaalang hindi ko kailanman malilimutan.
YOU ARE READING
THE GHOSTBUSTER
RomanceMeeting a stranger for the first time. I thought he's different from the other guys out there. He proved me how love works. But suddenly, he went gone. And this, situation on repeat. Why? I always get ghosted. Fuck ghosters! Do I deserve this? When...