Chapter One

6 0 0
                                    

“Hi Kala! Tama ba? Kala, dba?” Bati sa akin ng babaeng nakapulang sleeveless at nakasandal sa poste sa labas ng bahay namin. May hawak siyang cellphone, mas maliit siya kumpara sa akin pero halata namang mas matanda siya kaysa sa akin. Bilugan ang mukha at medyo chinita. Hindi siya ganon ka-puti pero makinis ang kanyang balat, bagsak at mahaba ang kanyang buhok.

“Hello!” Ngumiti ako. “Oo, Kala nga. Ikaw ba si Louisa?” tanong ko.

“Yes, the one and only.” Tapos tumawa siya. Agad namang umalis ang kapatid ko nang makita niyang magkausap na kami ni Louisa. “Louisa Francis Ong, pero Wia na lang para madali,” aniya.

“Francis talaga? Hindi ba parang pang-lalaki yon?” tanong ko.

“Sabi ko na itatanong mo yan eh! Nagkamali kasi ng spell ang tatay ko, ‘Frances’ daw dapat... Ikaw? Anong full name mo? Tsaka, ilang taon ka na pala?”

“Kala Maria Miranda, kaka-sixteen ko lang nung March. Ikaw ba?” tapos naupo siya sa mahabang upuan na ginawa ng tatay ko sa gilid ng gate namin.

“Teka, hindi ba tayo sasali sa kanila? Akala ko ba maglalaro tayo?” Tanong ko pero naupo na rin ako sa tabi niya.

“Nako hayaan mo na, mamaya na lang tayo maglaro. Angas ng pangalan mo. Sixteen ka? Seventeen na ako, tapos yung mga kalaro natin twelve o thirteen pa lang yata. Baka pag-chismisan tayo, sabihin pang napaka-isip bata naman natin. Mamaya na lang tayo maglaro kapag wala na masyadong tao,” sabi ni Wia.

Pakiramdam ko ay normal na ulit ako. Sa wakas may nakakausap na rin ako maliban sa tatay, mga kapatid at sarili ko.

Sa kwentuhan namin ni Wia, nalaman kong pareho pala kaming incoming first year college sa pasukan at pareho pa kami ng papasukang unibersidad dito sa Cavite. Last week lang ako nag-enroll, pero siya... April pa lang ay enrolled na. Mass Communication ang kursong kukunin ko, samantalang Hotel and Restaurant Administration naman ang sa kanya.

They are also things we have in common, gaya na lang ng pagkahilig namin sa fashion at pagbabasa. Napag-usapan pa nga namin ang tungkol sa Fifty Shades of Grey na pareho naming paborito.

Masaya ako dahil tingin ko, magkakasundo kami nitong si Wia.

“Oo nga pala, may boyfriend ka na ba? O nagka-boyfriend ka na ba?” pag-iiba niya sa kaninang toothbrush na topic namin.

Syempre naman nagka-boyfriend na ako.

“Wala... bakit mo naman naitanong?”

“Gusto mo ipakilala kita kay Aris? Kapit-bahay namin diyan sa kabilang street.” Ika niya, sabay nguso sa lalaking paparating. “Siya yun girl oh.” Pabulong niyang sinabi.

Isang matangkad na lalaki ang papalapit sa amin, mga nasa 5’9 ang tantsa kong height niya. Habang lumiliit ang distansya niya sa amin, mas nagiging klaro ang itsura niya.

Moreno, may katangusan ang ilong, singkit ang mga mata at parang blangko lamang ang tingin, may kakapalan ang kilay pero bumagay naman ito sa kanya. At talaga nga namang may gustong patunayan ang pumuputok niyang dimple. Konting galaw lang ng kanyang bibig dahil sa pag-nguya niya ng bubble gum ay naglalabasan na ang kanyang dimple sa magkabilang pisngi. Sa tingin ko, nasa seventeen to eighteen ang edad niya. Mukha siyang seryosong tao, yung tipong mahihiya kang kausapin dahil pakiramdam mo hindi ka naman niya papansinin.

May itsura siya, ay hindi, gwapo siya. At tingin ko, hindi iyon lingid sa kanyang kaalaman. Sa paglalakad pa lang, halata nang gwapong-gwapo siya sa sarili niya.

Nako, heto na naman ako sa pagiging judgemental ko.

“Hindi na siguro. Nakakatakot siya, mukha siyang mananapak,” ani ko nang makalagpas sa amin yung sinasabi niyang Aris. Hindi ko alam kung magkakilala sila ni Wia, hindi naman kasi siya pinansin nito. Kahit simpleng ‘uy’ o kahit ngumiti man lang, wala.

“Uy hindi ah. Wala pa nga akong nabalitaang nasapak niyan eh. Suplado lang siya sa umpisa pero katagalan marerealize mo din na hindi naman pala.” Wika niya, tumango na lang ako bilang tugon. Baka kasi isipin niyang wala akong kwentang kausap kung wala man lang akong reaksyon.

“Ate Kala!” sigaw ng bunso kong kapatid, si Iya, habang tumatakbong palapit sa amin. “Sali daw kayo? Lalaro na kami bam-sak.” Hinihingal nitong sinabi. Mag-aalas cinco na, palubog na ang araw, perfect timing para maglaro ng taguan. Wala na rin namang masyadong tao sa labas.

“Tara Wia, sali na tayo!” sabay hila ko sa kanya mula sa kinauupuan niya.

Sabay kaming tatlong naglakad papunta sa kabilang street kung nasaan ang iba pa nilang kalaro.

Mukhang malalaki na rin ang mga kalaro nila, malamang ay sing-edad ni Reyn ang ilan sa kanila. Tingin ko ay nasa fourteen hanggang fifteen ang edad nila, mali ang tantsa ni Wia ah.

Habang papalapit kami, may naaaninag akong isang pamilyar na mukha.

Matangkad... Matangos na ilong... Chinito... Teka, siya nga ba yun?

Nahalata yata ni Wia ang pagtitig ko sa lalaking nasa hindi kalayuan.

“Si Eren yan, nakababatang kapatid ni Aris. Kamukhang-kamukha niya no?” sabi nito.

Nakababata? Hindi ba sila kambal?

Nang makalapit na kami sa kanila, mas tinitigan ko ang mukha ni Eren, syempre diskarte ko na para hindi ako mahalata.

Hindi nga maikakailang magkamukha sila. May pagkakapareho pero may pagkakaiba pa din.

Pareho sila ng hubog ng katawan ng kuya niya. Matangkad din si Eren, kung 5’5 ang height ko malamang ay nasa 5’7 siya. Matangos ang ilong at singkit din ang kanyang mga mata. Pero hindi gaya ng kuya niya, hindi ganon ka kapal ang kilay ni Eren at wala din siyang malalim na dimples. Ang kulay ng balat ang pinakamalaking pagkakaiba ng dalawa dahil mas maputi si Eren kumpara kay Aris.

Katabi ko si Iya at nasa tapat ko naman silang dalawa ni Wia. Ibinaling ko ang tingin ko kay Wia nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko.

“Wia, anong pangalan niya?” tanong nito.

“Ah, siya si Kala, taga-kabila.” Sagot naman ni Wia at biglang humarap at ngumiti sa akin.

“Ah, hi Kala. Eren nga pala.” Sabay kaway sa akin at saka ngumiti.

Kasabay ng ngiti niya, lalong lumiit ang kanyang mga mata. Para bang may sarili ekspresyon ang mga ito.

Para sa akin, mas gwapo siya kaysa kay Aris.

Hindi lang pala kulay ng balat ang pinagkaiba nila, malamang ay pati ang pag-uugali.

Alam ko, napaka-judgemental ko talaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not A Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon