02/14/2020 pt1

6 0 3
                                    

Feb 14, 2020.

Kinutuban nako pag kagising ko.
Tinatamad talaga akong pumasok. Pakiramdam ko may mangyayari.
Tumagal ako ng isang oras sa lamesa.
Hindi pa rin ako nakakain kahit na ganoon.

Isang linggo na.
Isang linggo na simula nung nag away kami.
Masakit. Kasi hindi ako nakapagpaliwanag.
Hindi ko nasabi yung side ko.
Hindi ko nasabing nasaktan ako.
Hindi ko nasabing gusto ko nang sumuko.

Dati, nagtataka ako kapag may mga taong umiiyak dahil sa simpleng bagay. Nagtataka ako dahil nasisira yung buhay nila dahil sa 'bagay' na iyon.

At ngayon, may napagtanto ako.

Hindi lang basta 'simple' ang bagay na iyon.

Tumahol ang aso ng kapit-bahay namin. Narinig ko rin ang tilaok ng mga manok.

Mag aalas syete na.

Male-late na ako.
Pero baliwalang tiningnan kolang ang repleksiyon ko sa salamin. Katapat nito ang lamesang kinasasadlakan ko kung kaya't tanaw rito ang itsura ko.
Itsura ng kalungkutan.

Napangiti ako sa aking naisip.

Papasok pa ba ako? Araw ng mga puso ngayon. Walang masyadong espesyal-- para sa akin.

Wala naman talagang espesyal. Isa lang ito sa mga normal na araw na nangyayari sakin.

Babangon, tatamarin pumasok. Maliligo, magdadalawang isip pa rin kung papasok.
Kakain, hala late na pala ako?

Hmmm... tinatamad naman akong mabuhay ngayon. Hay nako.

Kakain pa ba ako?

"Late ka na, ah?"

Muntikan ko nang mabiyawan ang telepono ko sa gulat. Hindi ko manlang napansin si Mama sa likod ko.

Tsk. Lutang kasi.

"Po? Ay, oo nga po. Nahuli po kasi ako ng bangon. Sige ho. Maliligo na ako." Saka ako nagpunta sa banyo.

Malumanay lang ang hakbang ko. Halatang walang gana sa pag pasok. Pati na rin sa buhay.

Nangyayari na naman ang mga kinakatakutan ko.

Depression.

Kung yun talaga ang tawag doon.
Depression ba agad na matatawag kung gustong mamatay? Hindi ba pupwedeng walang gana lang talagang mabuhay?

Umupo ako sa inidoro. Nakipagtitigan sa nagyeyelong tubig. Sumaludo sa hangin saka tumayo. Maliligo ba talaga ako?

Depende. Pwede namang pumasok nang hindi naliligo. Hindi ngalang kumportable at mabilis akong mamamaho. Pero kung maliligo ako, kinakailangan kong harapin ang ilang galon ng nagyeyelong tubig-- ng sapilitan. Gagamit pa akong ng ipinagbabawal na teknik-- ang pagtalon habang nagbubuhos para maitago ang napakalanding pagtili dahil sa nakakakilabot na lamig ng tubig.

Maliligo pa ba ako? Pakamatay nalang. Haha.

Napasimangot ako sa naisip. Ang pangit naman kung ganoon.

Mayroong kutsilyo sa banyo namin. Dahil sa kawalang gunting-- este palagiang pagkawala ng gunting, kutsilyo nalang ang nagkalat sa bahay. Pati sa banyo.

Kung magpapakamatay ako ngayon, masyadong pangit ang kalalabasan. Unang una sa lahat, naka hubo ako. Pangalawa, babae ako-- kahit na madalas kong itanggi. Pangatlo, tiantamad akong mawala sa mundo. Kahit na gusto ko.

Sa wakas. Natapos na ang kalbaryo ko sa banyo. Napigilan ang pag-tili, pag-ungol at kung ano-ano pang eksaheradang reaksyon na maari kong gawin.

Bumalik na ako sa kwarto ko na tanging kurtina lang ang nagsisilbing pintuan. Napalingon sa mga koleksiyon at napangiti. Sila ang isa mga dahilan kung bakit ako nabubuhay. Hindi sila oxygen,pero pwede na ring pamalit. Charot.

Hindi ko naman pupwendeng ihinga ang nga librom singhot-singhutin, baka pa. Kaso magmumuka naman akong adik. Wag nalang. Kapag ako nalang mag-isa.

"Nag-tsaa ka na ba?" Napalingon ako kay Mama. Saka napasimangot. Umiling-iling saka nagtuloy sa paghahanap ng masusuot. Uniporme o pantalon? Pwede naman kahit ano. May dress code kami sa eskwelahan, kahit na wala naman dapat.

Bitter.

"Magpakulo ka ng tubig. Mag-tsatsaa ako." Lalo akong napasimangot.

"Ma, late na ako." Sagot ko.

"Oh? Kasalanan ko? Hala sige, ipagpakulo mo ako ng tubig at magtsatsaa ka rin. Kanina kapa kahol ng kahol."

Napatikhim ako. Humalukipkip. Tumitig ng masama sa mga damit, saka bumuntonghininga. Wala pa rin akong magagawa.

Lumabas ako ng kwarto ko ng naka tapis lang ng tuwalya. Kinuha ang takure saka lumapit sa lababo. Binuksan ang gripo at tinapat ang takure sa ibaba nito.

Saka nagpuno ng sama ng loob. Tubig pala.

Walang ganang naglakad palabas, saka pumasok sa dirty kitchen. Mabagal na binuksan ang kalan, saka ipinatong ang takure. Inantay kumulo--

"Magbihis ka na!"

Late na nga pala ako.

Dali dali at pumunta na ako sa kwarto. Hinanap ang P.E. uniform, sinuot ito. Naghanap ng medyas, sinuot na-- underwear! Diko pa nasusuot pangloob ko!

Hubad uniform, suot underwear. Sinuot ulit ang uniform, nagmedyas-- "kumukulo na!" Tumakbo palabas, kinuha ang takure, pumasok sa loob ng bahay, binuhos ang kumukulong tubig kay Mama-- sa baso ni Mama saka inayos ang gamit.

"Ma, anong oras na po?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COMPILATIONS OF SHORT STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon