ANG AKING PANGARAP

354 2 0
                                    

Si Fe ay isang bata nalumaki sa di masaganang pamumuhay, payat ang pangangatawan at maitim ang balat. Palagi siyang tinutukso ng mga kalaroniyadahilngasa kanyang pisikal na kaanyuan. Siya ang kaisa-isang anakni Mang Gustin at Aling Cora. Si Mang Gustin ay isang mangingisda at si Aling Cora naman ay isang labandera.

Si Fe ay labing isang taong gulangpero kung titingnan mu ang kanyang pisikal na kayuan ay mapagkakamalan mu siyang pitong taon lamang. Siya ay nasa ikalimang baitang pa lamang, at madalas kinukutya ng mga kamag-aral. Pero kahit ganoon ay hindi sya nagpapabaya sa kanyang pag-aaral. Dahil naka sentro ang kanyang atensyonsa kanyang pangarap na maging isangtanyag na doctor.

Dahil nga sa aking husay sa pag-aaral, siya ang nagging balediktoryan ng kanilang pagtatapos sa elementary dahil dito ay masayang-masaya ang kanyang magulang.

Pagtuntung niya sa sekondarya, siya ay nagging iskolar sa isang pribadong paaralan. Siya ay mahilig magbasa at kung saan marami siyang natutunanmula dito. Dahil dito siya ay nagging balediktoryan ng kanilang taon dahil dito ay parang unti-unti siyang lumalapit sa kanyang pangarap at ilang hakbang nalang ay makakamit na niya ito. Nang pagkatapos niya sa high skul ay bahagya siyang nalungkot dahil na isip niya  ang pagtuntong niya sa kolehiyo dahil nga ang kanyang ama ay isang mangingisda lamang kulang ang kinikita nito para maging pambayad sa matrikula. Sinubukan niyang lumapit sa mga alkalde ng kanilang munisipyo para maging iskolar pero hindi siya natanggap dahil puno na ang slot para sa mga iskolar. Dahil doon ay nagkaroon ng hadlang para makamit niya ang kanyang pangarap. Pero hindi siya sumuko.

        Si Fe ay panandaliang nagtrabaho sa isang kompanya bilang janitress upang makaipon ngunit biglang nagkasakit ang kanyang amang si Mang Gustin at sinabi niya sa sarili na mukang dito na hihinto ang kanyang pangarap, Pangarap na makakapagpabago ng kanyang buhay. Si Fe ay nalungkot sapagkat ang buhay na inaasam na parang langit..... langit na mahirap abutin.

        Lumipas ang mga araw , buwan ay nanatili parin niyang hawak angpangarap na iyon at isang araw ay naganap ito..... nagkaroon ng isang pagkakataon na kung saan ang kanyang pinagtatrabahuan ay pumili ng tig isang janitor at janitress na mabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral, walo sila doon, tatlong janitress at limang janitor. Alam ng kanyang mga kasamahan na matagal na niyang gusting mag-aral ang kasama niyang dalawang janitressay may edad na kaya siya ang napili na mabibigyan ng libreng pag-aaral pero hindi sa kursong inaasam niya. Kung di sa isang Business College, hindi na rin niya tinaggihan ang alok. Kung saan kumuha siya ng business administration. Nakatapos siya sa kursong iyon na kung saan siya ay itinalagang Comlaude ng kanilang taon.

        Masayang- Masaya ang kanyang magulang dahil doon. Siya ay namasukan sa kompanya na nagpaaral sa kanya at siya ay ay inilagay sa pwesto ng marketing directress dahil doon ay unti-unti siyang nakaipon at naipagawa ang kanilang barong-barong na tinutuluyan at sila ay tumira sa maayos na subdivision. Dahil sa kanyang katalinuhan siya ay napromote bilang head ng buong marketing directress, tumaas din ang kanyang sahod kaya umangat pa lalo ang kanyang buhay.

        Nagiisip si Fe kung itutuloy pa niya ang pagiging doktor ngunit sabi niya sa kanyang sarili ay hindi na. Dahil nagging maayos na ang kanilang buhay. Nagpapasalamat nalang siya sa kanyang pangarap dahil ito ay nagging inspirasyon niya upang maging maayos ang kanyang buhay. At isa pa maaari namang tumulong sa kapwa kahit hindi ka isang doktor.

        Ngayon, si Fe ay vice president ng kumpanya na kanyang pinapasukan. Mayroon na siyang isang foundation hangarin ay matulungan ang mga kabataang makamit ang kani-kanilang pangarap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG AKING PANGARAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon