SOL'S POV
Nakakabanas sa school tch puro nalang activities kitang tamad ako-__-
Habang nanonood ako ng tv at nakasandal sa sofa at nakadekwatro at ang parents ko naman ay may kanya kanyang business, bigla kong nakita sa may front door ang kapatid kong mas bata ng isang taon sakin na mugto ang mata.
Tinawag ko ito. Pagkarinig nya sakin bigla nya akong nilapitan at niyakap. Kahit ayoko sa lahat ng niyayakap ako hindi ko parin sinuway ang kapatid ko sa pagyakap nya dahil alam kong may problema ito.
Iyak sya ng iyak saakin habang hinahaplos ko naman ang buhok nya
"Ate ayaw nya sakin, sabi nya di nya daw ako mahal"
Meron syang palaging kinukwento sakin na first love nya daw since first year. Hindi ko alam ang pangyayare at lalong hindi ko pa nakita ang lalaking yun basta ang alam ko Jacob ang pangalan nya. Nagkakilala daw sila sa mall at tinulungan daw siya nito nung muntik na syang mahold up.
Nilayo ko sya sakin
"Ano ba kasing nangyare?" Kahit gusto kong sabihin na baka infatuation lang ang nararamdaman nya dahil masyado pa syang bata hindi ko parin iyon sinabi dahil baka isipin nyang hindi nya ako pwedeng pagsabihan ng nararamdaman dahil hindi ko sya naiintindihan.
"Kasi a-ate umamin ako sa kanya na gusto ko sya kasi akala ko gusto ny-nya rin ako kasi ang bait bait nya sakin, pero sabi nya nakababatang kapatid lang daw ang turing nya sa-sakin. Ate ang sakit"
"Hays, bata ka pa naman. Di naman ata mawawala friendship nyo diba? Ayos naman ata sayo na hanggang doon lang at hayaan na magkagusto sya sayo diba?"
Tumango-tango sya.
"Oo naman ate basta ayaw ko siyang malayo sakin" nakangiti nyang sabi."Ate maghihintay ako" dugtong nya pa.
Napatawa naman ako. Bigla naman dumating ang parents namin at inaaya na kaming kumain.
Iyon ang hirap sa mga babae eh, pag may gusto sila wala silang magagawa kasi kailangan lalake parin ang dapat magfirst move.
Buti pa ako tamangchill lang.
...
Magkakaharap at tahimik kaming kumakain ng biglang magsalita si mama.
"Nak... tibo kaba?" kinakabahang tanong nya.
Napasmirk ako "di naman ma"
Para syang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ko.
"A-anong di naman?" Naiiyak na tanong nya
"Hindi naman po ako tibo ma" kalmadong sabi ko
"Kung ganun patunayan mo" kahit kalmado alam kong seryoso si papa sa sinasabi nya.
"Kelangan ko bang magsuot ng maiiksi pa? No way, ayaw ko nga. Pa sa ganitong damit ako kumportable" napahilamos na lamang ako ng mukha. Hindi pwede hindi ako papayag sapat na saakin ang oversized t-shirt at short ko'ng lagpas tuhod.
"Pero nak--" magsasalita sana si mama ng di sya pinatapos ni papa at seryoso akong hinahamon.
"Ayaw mong magsuot ng pangbabaeng damit? Ganun ba?" Seryosong tanong nya sakin.
"..." Hindi ako nagsalita
"Pinaglalaban mo'ng hindi ka tibo diba... kung ganun may isang paraan." Nagtatanong akong tumingin kay papa.
"Gusto ko'ng pumasok ka sa isang relasyon, kung saan ang karelasyon mo ay lalake" pinal na sabi nya.
"Papa!!!!" Medyo pasigaw na sabi ko.
"Nak mas mabuti ata kung ganun--" bigla kong pinutol ang sasabihin Ni mama.
"Pero mama ayaw ko pa po'ng pumasok sa isang relasyon. Bat di nyo nalang po ako paniwalaan? Babae nga po ako sadyang ganto lang ako!!" Naiiyak na sabi ko.
Nagtatampo akong umalis sa hapag at pumasok sa kwarto ko.
Lumapit ako sa kama ko at umupo rito. Nilibot ko ang paningin ko at kita'ng kita ko ang ebidensya na nakakapagpatunay na lesbian ako, mga gamit, mga gamit pang lalake. Pero mali, maling mali sila dahil alam ko, alam ko sa sarili ko'ng babaeng babae ako.
Ipinikit ko nalamang ang aking mga mata atsaka humiga.
5:30 na 7:30 simula ng klase ko.
Kahit na pumipikit pa ang mga mata ko pinilit ko paring bumangon dahil may klase pa.
Naligo ako at nagbihis.
6:20
Pagbaba ko galing second floor nakita ko ang mama ko na naghahanda ng almusal.
"Sol" tawag nya sakin.
"Ma" dumiretso ako sa hapag at umupo.
"Sol tungkol pala sa sinabi namin sayo ng papa mo pasensya na anak, gusto lang namin na magkaroon ka ng masayang pamilya paglaki mo, dahil hindi sa lahat ng bagay nandyan kami ng papa mo, at alam ko pati ang mga kaibigan mo magkakaroon din sila ng sarili nilang pamilya at ayaw naming mapagiwanan ka. Sana maintindihan mo anak"
"Ma okay lang po" iyon nalang ang nasabi ko.
Nakangiti sya at nilagyan nya ako ng pagkain sa aking plato.
Habang kumakain ako nakita ko si Sally papunta dito at tinabihan ako. Nakabihis narin sya.
"Hi ate" nakangiti nyang bati sakin. "Hi Mama" Gaya ko nilagyan nya rin ng pagkain si Sally.
Umupo narin si mama at sinabayan kaming kumain.
"Mamaya pa ata gigising ang papa nyo pagod kasi Yun sa trabaho" biglang sabi Ni mama
Tumango naman kami ni Sally. Sa katunayan hindi naman ako galit sa kanila mama at Papa sadyang nasaktan lang ako sa sinabi nila.
...
Hinatid kami Ni papa sa school pagkagising at pagkaayos nya.
"Bye pa" humalik sa Sally sa pisngi ni papa at ako naman ay kumaway lang.
Pagkaalis ng sasakyan saka kami pumasok sa loob ng school. Si Sally pumunta na ng room nya ako naman ay dumiretso'ng cafeteria.
Naghanap ako ng mauupuan at saka umupo rito.
YOU ARE READING
Ang Babaeng Boyish... Daw
RomanceSol Lia Lee ay isang boyish, boyish manamit, boyish pumorma, boyish magsalita, boyish sa lahat lalong lalo na sa nararamdaman... yeah isa syang boyish pero hindi sya lesbian-__- lalong di sya bakla ano. boyish lang sya sa lahat ng ginagawa nya... ...