"Tulala ka na naman? iniisip mo na naman ba ako?"
" Tss, Feeler ka din ano?"
"Dream on Vayne Reyes."
"Shut up Treestan Montero."
"Nyenyenye"
"Gay." bulong ko
"Anong sabi mo?"
"Wala, sabi ko san room sched mo ngayon?"
"Sciencelab. Kaw?"
"Sa---"
"Puso ni Alex?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Simula nung nagusap kami ni Alex kinukulit ako nitong Treestan nato! Hindi ko kasi sinabi sakaniya yung nagapagusapan namin ni Alex.
"Girls sa kabila na lang tayo dumaan baka mahawa tayo ng kalandian."
Napatingin kami ni Treestan sa nagsalita. Si Cindy.
Napatingin naman ako ng masama kay Treestan.
Kainis! Kung hindi dahil sa gwapo kong kasama na nangangalan na Treestan edi sana wala akong kaaway. Nagseselos kasi si Cindy sakin. Matagal na niyang gusto si Treestan pero tong gwapong to napaka suplado pagdating kay Cindy pero pag sa ibang babae ang landi. Tss
Naalala ko pa lahat ng nakakarating na balita kay Cindy na kinakausap ni Treestan na babae ay inaabangan nila tuwing uwian at ipapahiya sa buong campus. K a w a w a.
Hindi pa nila nagawa sakin yun dahil alam nilang importante ako kay Treestan. Kung ako yung gagalawin nila magagalit si Treestan sakanila. Ganon si Treestan sakin kahit nakakadiring pakinggan.
Nakaalis na sila Cindy pero wala padin imik si Treestan. Nakakunot pa ang noo
"Sht. bat kasi ganon suot niya"
"Ha? may sinasabi ka ba?"
Natatawa kong sabi.
"Ayaw pa kasing umamin e."
"Anong aaminin ko?" lalong kumunot noo niya
lumapit ako sakaniya at pinantay ang kanyang kilay.
"Sus, siya lang nagpapapanget sayo."
naglakad na uli ako
"Hoy! anong mga sinasabi mo jan. Baliw ka na naman." sumabay siya sa paglalakad ko at umakbay sakin
"Talaga lang ha? Alam ko naman gusto mo siya, kaso naasar ka sa ugali niya. Tama?"
umiwas naman siya ng tingin. Hahaha kilala ko na siya. Ayaw niya sa tulad ni Cindy. pero anong magagawa niya nahulog na siya.
Ayaw niya yung suot ni Cindy kanina. Well lagi naman ganon suot niya maiikling damit. Ni akong bestfriend lang niya ayaw niyang nagshoshort ako sa school! Tss pati ako nadamay!
"Dito na ko" pagpaalam kp sakaniya. History subject kasi sched ko ngayon. May sarisarili kaming sched everyday.
pumasok na ako sa room, wala pa masyadong studyante, napaaga ata ako.
Umupo ako sa pinakadulo. Dahil di pa naman magstastart ang klase kinuha ko ang cellphone ko at nagheadset
*POINK
Napamulat ako ng mata dahil may sumipa ng upuan ko. Masamang tingin ang binigay ko sakaniya akala ko si Treestan pero si ano pala, si uhmm
sino nga ba tong sumipa ng upuan ko?!
BINABASA MO ANG
Fight of Love.
RomanceKapag mahal mo ang isang tao, hindi mo kailangan matakot. Hindi mo pahihirapan ang sitwasyon. You put it first. Take care of it. You fight for it.