Matiyagang naghihintay si Florenz sa
pagdating ng Boss niya. Kasalukuyan
siyang lulan ng green na crosswind at nagaabang sa parking area ng NAIA.
Ka-text niya ang kanyang text-girlfriend. Mula
nang mamatay ang kanyang fiancée
limang taon na ang nakakalipas, hindi na
siya nagkaroon ng lakas ng loob na
magka-girlfriend ulit. Kaya para maibsan
ang pangungulila, pinatulan niya ang
makipag-relasyon sa textmate. Mabait
naman si Yesha. Bagama’t hindi pa niya
ito nakikita sa personal, nararamdaman
niya na mabuting tao ito kaya sinusubukan rin niyang
maging mabuting boyfriend dito.
Ngunit alam niyang hindi sapat ang pag-uusap nila sa text para
masabing normal lang ang relasyon nila kaya pinag-uusapan na nila ni
Yesha ang mag-eyeball. Ayaw na rin naman niyang patagalin ang relasyon
nila nang hindi nakikilala ang isa’t isa sa personal.
Nag-beep ang cellphone niya. Ok.
Let’s c each oder on d premiere nyt.
Niyayaya siya nitong manood ng isang Indie Film. Nakakuha kasi
ng complimentary tickets ng isang Romance Indie Film ang best friend ni
Yesha na isang romance novelist.
Magre-reply na sana siya nang mahagip ng kanyang mata ang
isang babaeng abala sa pagte-text ilang metro lang ang layo sa sasakyan
niya. Sa di mawaring dahilan ay napako na lamang sa babae ang atensyon
niya. May mahaba itong buhok at may bangs na nakalaylay sa mukha nito.
May kasama itong dalawa pang babae. Tila may hinhintay ang mga ito. Di
rin nagtagal ay sinalubong ng mga ito ang isa pang babae na may dalang
bagahe. Napangiti na lang siya nang biglang tumawa ang babae sa pagitan
ng kwentuhan ng mga kaibigan nito.
Nasapo niya ang kanyang puso. Makalipas ang limang taon,
ngayon lang ata siya napangiti ng todo ng walang specific na dahilan.
Lord, kung ang babaeng iyon na po ang pinakahihintay kong
babae na babago sa takbo ng buhay ko, gawan N’yo po sana ng paraan
na magtagpo pa ulit kami.
Natawa na lang siya sa kawirduhan ng panalangin niya. Biglang
nag-ring ang cellphone niya. Agad niyang sinagot ang tawag nang
rumihistro sa screen ang pangalan ng Boss niya.
“Yes, Sir Carvin. Nasa parking area na po ako kanina pa. Okay
Sir. Don’t worry Sir. Lahat ng kailangan n’yo for the meeting ay settled na.
Okay Sir.”
Bumaba siya ng sasakyan para salubungin ang kanyang boss at
BINABASA MO ANG
Answered
RomanceTungkol sa Complicated na Relasyon sa panliligaw... at tungkol sa kasal kung saan mababasa mo dito ang storya ng dalawang couple.. -Dedicated to sa mga nanliligaw na naghihintay.. Kagaya ko. ;)