Dumaan si Setty sa pinakapaborito niyang
kainan para bumili ng kape. Isa iyong
restaurant na presyong turo-turo. Nagaagahan naman siya bago umalis ng bahay
kaya lang masyado talaga siyang
nasarapan sa kape sa kainan na iyon kaya
‘pag may pagkakataon ay dumaraan siya
doon para magkape. Pagpasok niya sa
loob ay biglang nag-beep ang message
alert tone niya kaya naging abala siya sa
paghahalakwat ng bag niya habang
naglalakad. Lumaylay na naman sa mata
niya ang mahaba niyang bangs at natakid
pa siya sa isang paa ng silya. Dahil doon, bigla siyang may nabangga na
narinig niyang napasinghap. Nang mag-angat siya ng ulo ay sumalubong sa
kanya ang guwapong mukha ni Florenz. May hawak itong isang tasa ng
kape na natapon sa business suit nito kaya pala ito napasinghap.
“You, again?” Nakakunot-noo ito.
“I’m sorry! This time, tatanga-tanga talaga ako. Aaaminin ko
iyon. I’m sorry!” Agad siyang kumuha ng tissue sa kalapit na table.
Idadampi na sana niya iyon sa natapunang damit ni Florenz nang hawakan
nito ang braso niya. Binalingan niya ito.
“Parati ka na lang bang wala sa sarili mo? No wonder kung gaano
kadami na kaming biktima ng pahamak mong bangs!” anito. Kumulo ang
dugo niya. Ngayon, totoong naiinis na siya. Nagsusuplado na naman ito
tulad noong muntik na siya nitong masagasaan. Bigla na niyang naalala ang
sign na hiniling niya. Strike one. Nakita na niya ito nang hindi sinasadya.
“Hoy, wala kang pakialam sa bangs ko dahil akin naman ito.
Bitawan mo ako.” May kung anong kakaibang damdamin kasing hatid ang
mga kamay nito na nakahawak sa braso niya. Pero hindi siya binitawan
nito. “Bitawan mo sabi ako, sisigaw ako dito ng ‘rape’ sige ka.”
Marahang binitawan nito ang braso niya. Napabuntong-hininga pa
ito at seryosong tinitigan siya. “All right! I’m sorry noong isang araw.
Noong tawagan kita. Gusto kong bumawi. Let’s have breakfast?”
Napakunot ang noo niya. Nagbago agad ang mood nito? Ang bilis
naman ata.
May naisip siyang magandang ideya. She smiled. “Okay. Pero mas
mabuti, ayusin mo muna ang sarili mo. Halata kasi sa cream na longsleeves
mo ang mantsa ng kape at saka malagkit iyan.”
Ngumiti ito. At kahit nakasalamin ito, naaninag pa rin niya ang
expressive nitong mga mata.Sa palagay niya iyon ang asset nito. “Oo nga
ano. Wait.” Iginiya siya nito sa kalapit na mesa at pinag-urong ng silya
bago siya pinaupo. “I’ll just fix this mess, wait there.”
Napatango na lang siya bago siya nito iwan. Iyon ang unang
BINABASA MO ANG
Answered
RomanceTungkol sa Complicated na Relasyon sa panliligaw... at tungkol sa kasal kung saan mababasa mo dito ang storya ng dalawang couple.. -Dedicated to sa mga nanliligaw na naghihintay.. Kagaya ko. ;)