Rest House

11 1 1
                                    

This happened to me way back 2010 somewhere in Alang-alang Leyte.

Excited kame ng mga kaklase ko sa NSTP kasi ngayon ang alis namin papuntang Alang-alang Leyte.

Myembro kame ng Gawad Kalinga dito sa Leyte and we are officially Rover Scouts ●﹏●

When we arrived sa Alang-alang we stayed sa classroom kung saang barangay kame na.assign. kung hindi ako nagkakamali, sa pinakadulong barangay kame na assign.

Naririnig ko na nag.uusap yung dalawang bata sa labas mg classroom while nakatingin samin lahat.

Bata 1: "Alam mo bukas pagkabalik natin dito nagkakalat na yung dugo ng mga tao dito tapos yung uba dito wala na yung ulo nila'

Bata 2: "Pano mo nalaman?"

Bata 1: "Alam ko lang"

Kinilabutan ako sa usapan ng dalawang bata kaya nung sabihin ng instructor namin na pwede kame maghanap ng bahay kung saan kame pwede magstay while nandun kame agad ko naman sinabihan yung mga kasama ko na maghanap kame ng bahay. Agad naman sumang.ayon mga kasamahan ko.

My nadaanan kame na isang lumang bahay bigla kaming sinabihan ng caretaker na doon na lamang kame manirahan.

Napagpasyahan namin na doon na lamang kame manirahan kasi my privacy kame, my dalawang comfort room, my sariling ref in other words parang nasa isang rest house lang kame.

When day time came, tapos sinimulan na namin yung mga gawain panay yung tanong samin ng mga tao kung my paramdam raw ba sa bahay kaya nacurious naman kame kung bakit pero hindi nila sinasabi kung bakit. Yung iba nga sinasabi pa na baka sa second night pa raw. Pero wala kaming idea kung ano yung ibig nilang sabihin.

The following week nagbalik kami ulit sa Alang-alang pero doon parin kame sa rest house nanirahan .. parang normal na araw lang ulit.

I remember, bandang 6pm nagkaroon na ng program, parang presentation of talents lang. 6:30pm nung nagpasama sakin yung kaklase ko kasi kelangan raw nya icharge ang cellphone nya kaya sumama ako, pagkapasok namin sa bahay pakanta kanta pa ako nung kanta ni Rachelle Ann .. then nung papalabas na kame ng bahay eksaktong linalock ko yung pinto sa bahay my nakita akong dumaan na parang shadow lang sya pero black tapos 7 foot yung height. Kaya bumalik ako sa loob para icheck kasi baka my magnanakaw then nung naconfirm ko na walang tao dahan dahan akong lumabas at hindi ko napigilan yung sarili ko. Umiyak nalang ako dahil sa takot. Nung nagtanong yung mga kaklase ko ikinwento ko nalang sa kanila then nung pumasok na kame ng bahay doon nagsimulang magpakita yung white lady tsaka yung iba nagpaparamdam kaya ayon hindi kame nakatulog dahil sa takot.

Kinabukasan, naikwento ko sa caretaker ng bahay yung nangyari dahil nagalala raw sila sakin dahil nabalitaan raw nila na my matangkad na itim na taong nagpakita sa bahay. Sabi ng caretaker na yung bahay na iyon ay haunted na raw. Yung white lady doon ay yung grandparents nya raw pero yung itim hindi nya kilala at kaya raw walang nakatira sa bahay na yun ay dahil sa multo na always nagpapakita.

Simula ng araw na iyon hindi na kami bumalik pa sa bahay na yun dahil baka hindi ko na makayanan pagmakita ko pa ulit sila.

RestHouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon