"Break na tayo. We're over. Wala naman na kasi patutunguhan ang relasyon na ito. Mahihirapan lang tayo kung ipagpapatuloy lang natin ito baka patuloy ka pang masaktan."
Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa mga salitang ibinulalas ng bibig ni Reid.
"Seryoso ka ba? Hindi magandang biro yan babes. Ilang oras nalang mag-papasko na. December ngayon at hindi April. Wag mo ko i-Frank."
Hinawakan ko ang mga kamay niya at naramdaman kong gumaganti siya.
"Pasensya na, Annika.. Hindi ako nag-bibiro.. Tinatapos ko na talaga ang lahat ng meron tayo.." Inalis niya ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya. "You need to find someone better than me. Hindi kita deserve."
"Hindi. Mali ka Reid.. Sobra ka pa ~"
Hindi ko na natapos ang mga salitang nais kong bigkasin ng bigla nalamang siyang tumayo at nagsimulang maglakad palayo.
*Alarm rings
Ano ba yan! May luha nanaman sa mata ko! Binangungot nanaman ako! 2 days exact mag-one year na simula nung nangyare yun. Ang bilis ng araw sana ganun din kabilis mag-move on."Annika!!!!!"
"Mama naman makasigaw ka! Parang nasusunugan tayo!"
"Gumising ka na kasi at maglilinis pa tayong bahay! Mag-daratingan ang mga tito's tita's mo! Halat bumangon kana!"
Isang malakas na buntong hininga ang binitawan ko. "Haist! Sarap mag-swimming sa Muriatic Acid."
Anywaysss! Ako nga pala si Annika.. Annika Natividad! At yung kaninang mala-Megaphone Momsie ko yun.. Pinaka-cool na Momsie!
By the waysss! Oo. Ako yung babaeng nasa panaginip ko. Lakas maka-throwback ng dreams ko e. At Broken hearted nga ako pero hindi ibig sabihin e malungkot na ang buhay ko 24/7.. Bitter ako pero hindi oras oras! Diko keri mag-emote at umiyak baka madehydrate ako, wala ako pampa-ospital at ayoko turukan ng karayom.
Simpleng tao lang ako Sexy, Maganda, Mala-model slash Artista (Sabi ni Mama) Hahaha. Yung lalaking sumaksak sa puso ko walang iba kundi ang first love ko si Rein Samuel Tan.
"Annika!!!!!!!!!!"
Oooops. Teka lang ah! Si Mama, magiging tirex na yun e. Jolly person lang talaga ako hindi mo mahahalata na.. na.. Wasak pala puso ko..
Wait for the updates :) I'm sure you will like it. :)
BINABASA MO ANG
Forever over?
RomanceNaniniwala ka ba sa Forever? Happy ever after? May forever nga ba? Ano nga ba ang totoong forever? Nag-eexist ba ang forever? Kung walng forever bakit meron sa dictionary?