Ilang taon na din ang nakalipas. Hindi ko yun makakalimutan.
~SENIOR YEAR~
"Hi Kevin! Paano ba yan, magiiba na landas natin oh!" sabi ko.
"Wala tayong magagawa jan Rose, magkikita pa rin naman tayo diba?" sabi ni Kevin.
"Oo nga naman, pero mas mahihirapan ka naman! Wala ka nang makikita na babaeng sing-ganda ko sa kolehiyo! Tsk tsk" pabirong sabi ko.
Sa paguusap naming ito, wala kaming kaalam-alam sa kung anong mangyayari sa hinharap. Ngunit ang tunay na alam namin, ay kung anong nangyari.
Noon pa lamang, mabuting magkaibigan na kami. Magkasabay tuwing lunch, recess at uwian. Minsan nga natuturingan kaming magkapatid, magpinsan o magkasintahan pa! Ganyan kami kalapit sa isa't-isa. Hanggang sa dumating ang oras na naramdaman namin ang "pag-ibig".
Masaya kami noon sa kanya-kanyang pangungulit tungkol sa crush at sa kakaibang imahinasyon namin. Minsan na-iimagine namin ang sitwasyon namin kung may sarili na kaming pamilya. Medyo korny.
Isang araw, bigla siyang tumakbo palapit sa akin noong uwian. Nasa field ako nun, at nag-practice para sa presentation namin ng bigla niya akong hinila at pinaupo sa ilalim ng puno.
"Rose! Haha alam mo bang naka-move on na ako kay Jessa? Ngayon ko lang narealize yun ah! Kasi lumapit siya sa akin kanina, bingay niya sa akin yung hiniram na libro ni Ron. At alam mo ba? Hindi ako kinabahan, natuwa o kinilig! At alam mo may isa pa akong narealize!" sabi niya
"Alam mo, lakas din ng trip mo no? Kita mong busy ako sa pagpa-practice tapos kinaladkad mo ako dito para pagusapan yang lovelife mo? -___- " inis kong sabi.
"Sorry na :D Pero sasabihin ko nalang sayo na, may iba na akong crush. Matagal ko na rin pala siyang crush pero ngayon ko lang napansin. Alam mo gabi-gabi naiisip ko siya, napapangiti ako tapos nakakatulog ako ng mahimbing. Siya din inaasahan ko tuwing papasaok ng eskwelahan!"
"Mas madaldal ka pa sa babae no? -__________- "
"Natalia naman oh! Sige na nga, bumalik ka na muna sa practice niyo. Sasabihin ko nalang kung sino siya mamaya :D " sabi ni Kevin
Tumakbo ako pabalilk sa practice namin, ng bigla akong kinausap ni Zach. Siya lang naman ang ultimate crush ko since sophomore year at ultimate crush ng batch namin. Kaya atat na atat akong magpractice dahil sa kanya eh :">
"Um, hi Rose! :) " bati ni Zach "Free ka ba bukas, after dismissal? May alam akong ice creamery na malapit lang, treat ko ^^ "
"Teka nga muna, date ba to? Oh may problema ka sa lessons natin?" sagot ko. Private tutor kasi ako ni Zach (ang swerte ko!), pero iba ang pag-approach niya sa akin ngayon kaya nabigla ako ng konti.
"Both?" sagot niya sabay ngiti na nakaka-OMG. Sino bang makakahindi? Eto na yun, eto na talaga! Feel na feel!
"Sige na nga, matatanggihan ba kita? See you! " sagot ko sabay alis. Hindi ako makapaghintay na sabihin to kay Kevin! :D
Ulit, OMG :D Kinuwento ko to kay Kevin pero bigla siyang tumahumik, di niya tuloy nasabi kung sino yung bagong crush siya. Kara kinurot ko para mabuhayan.
"Huy Kev! SIge na nga, ano baaaa. Sino yun, sino sino sino? Kanina ikaw tung ang ingay-ingay pero ngayon na kinakausap na kita, ikaw naman tong di matino!" sabi ko.
"Alam mo Rose, naubos lang sguro energy ko. Pero hmm, sasabihin ko nalang siguro kapag may pag-asa na ako." sabi niya, sabay alis ng mag-isa. Di man lang ako hinintay. Anong nagyari dun? o_O
BINABASA MO ANG
Music to my ears
Short Story-- COMPIIATION OF ONE-SHOT STORIES -- Sorry kung may mga error chu-chu's sa story na ito . Just deal with it XD