Chapter 7

23 8 0
                                    

               Chapter 7

Chichay's Pov

Maaga akong nagising, ganito lagi ko ginagawa tuwing sabado alas 5 am pa lang ng umaga. Nagluluto na ako para pag uwi ng Kuya ko may pagkain na siya. Alam ko mahirap magwork lalo na madalas manggabi Kuya ko. Ang swerte ko kasi kahit na anong gusto ko binibigay agad ng Kuya ko. Ginagalingan ko sa lahat, para naman hindi masayang pagod ng kuya ko. Pagkatapos ko magluto naglinis muna ako sa bahay, kahit na malinis naman lagi. Lagi ko kaya nililinis bahay namin, pero sympre konting linis mawala alikabok, pagkatapos kinuha ko labahan namin ng kuya ko. Binabad ko muna, tamang-tama andyan na kuya ko alas 8 am uwi ng kuya ko. Nakita ko na dumating kuya ko. Nagulat ako kasama niya si Kuya Llyod at Gary napasimangot ako nakaharap kay kuya. Bakit ba kasi kasama niya si Gary numero uno mapang-asar hindi ko nakalimutan ginawa niya. Bumili ba naman ng ice cream tatlo tapos ako magbabayad hindi man lang ako binigyan. Wala ako nagawa binayaran ko nalang kasya naman buwisitin ako mokong na 'to.

"Oh, bakit ganyan mukha mo?" Napaharap ako kay Gary nakatawa siya.

"Ikaw anong ginagawa mo rito?" sabi ko sa kan'ya.

"Grabe naman Kuya Chicoy si Chicay oh! Ang aga-aga highblood agad. Paano pala nag-asawa na tayo?" Sabay kindat niya sa akin. Tinawanan lang nila ako. Nakasimangot ako naharap sa tatlo habang sila tawang tawa.

"May nakakatawa ba? Ako Gary tigil-tigilan mo ako sa mga banat mo, baka mabanatan kita nitong hawak ko. Teka, andito ka ba para magbayad ng utang mo?"

"Anong utang ka diyan, libre mo 'yon sa akin."

"Anong libre! Masasapak kita."

"May utang sa'yo si Gary?"

"Oo kuya Llyod, kakain-kain ng ice cream wala naman pera, allowance ko 'yon. Itong lalaki na 'to takaw-takaw kumain eh!" Napakamot si Gary nakaharap sa Kuya Lloyd niya.

"Eh, hindi naman sila tumatanggap credit card."

"Malamang nasa kalsada ka bobo ka ba?"

"Tama na nga yan, gutom na ako sweety? Napatingin ako sa Kuya ko.

"Tabi nga diyan?" Sabay alis ko. Hinanda ko na almusal namin dahil sa inis ko, hindi ako sumabay sa kanila. Nagtawanan lang sila. Naglaba na lang ako hanggang sa hindi ko namalayan ang oras magtatanghali na pala. Kahit sila Kuya Llyod at Gary hindi ko napansin umalis na, nagmadali ako tinapos nilalabhan ko. Pagkatapos ng luto ako ng tanghalian namin ng kuya. Alam ko gutom na 'yon Kuya ko. Gigisingin ko na lang mamaya pagkakain na kami. Pagdating ko sa sala nagulat ako may kausap kuya ko. Napalapit ako may bisita ba kuya ko. Nang makalapit ako laking gulat ko makita ko ang  kambal at si Rexine na kausap ng Kuya ko. Teka paano nila nalaman bahay namin, wala naman ako sinasabi sa kanila. Napalapit ako sa kanila. Nakakunot noo hinarap sila.

"Oh! Andyan ka na pala, tatawagin na sana kita. Bakit hindi mo sinabi na may lakad ka pala ngayon?" Napatingin ako sa kanila. Nakangiti lang sila sa akin, wala naman ako natandaan na may usapan kami.

"Sige na magbihis ka na? pinapayagan na kita. Bilin ko sa'yo uuwi ka ng 10:30 pm. Kung hindi ako susundo sa'yo!" Naguluhan ako sa Kuya Chicoy. Anong uuwi ako ng 10:30pm. Anong pinagsasabi ng mga 'to sa Kuya ko.

"'Wag po kayo kuya Chicoy mag-alala kami po maghahatid kay Chichay di ba sis?" Napatingin ako kay Rexine. Ano ba pinagsasabi nila.

"Teka ,saan ba tayo pupunta?"

"Ano ka ba Sissy, magshohopping tayo di ba usapan na natin kahapon, 'yon nga lang hindi na tuloy kasi ----." Bigla ako napalapit kay Janna hindi ko sinasadya natampal bibig niya. Ayaw ko malamam ng Kuya nangyari kahapon. Nagpaalam ako sa Kuya ko. Sabay hila ko sa kanila mapalabas ng bahay.

0ne last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon