9:02 pm
"Salamat, sumipot ka." Migs
Hindi sya sumagot.
Naka lapat lang ang kanang palad nya sa mug, tulad ng pag balot nya ng mga palad nya sa mga pisnge ko para ilapit sa kanya at halikan.
Noon..
"Tony" binalot ko ang kamay nya gamit ang mga palad ko habang pinagmamasdan ang mukha nya.
Yung mukhang minahal ko ng ilang taon na hanggang ngayon mahal na mahal ko padin.
"Migs.. Please don't." sabi nya na tila puno ng pait, itinago nya ang mga kamay nya sa kanyang mga hita, iniiwasan na mahawakan ko sya.
"Sorry.." yun nalang ang nasabi ko.
Katahimikan.
Isang segundo.
Isang minuto.
Isang higop ng kape.
Dalawa, tatlong dumaan na kotse.
"Aalis nako." Tony.
"Tony please, wait lang, Mahal padin kita.."
Dahan dahan syang bumalik sa upuan nya kaya parang medyo tumaas yung pag asa kong baka may halaga pako sa kanya.
I'm winning you back Tony. I promise I'll win you back.
Hinawakan nya ang mga kamay ko at tumingin sya sa mga mata ko.
Nang makita ko yung konting ngiti nya medyo natuwa ako pero..
Yung mga mata nya noong puno ng buhay.
"Migs I'm sorry."
Mga matang nawawala dahil sa sobrang pag ngiti at pag tawa.
"Mahal din kita.. Hindi naman nag bago yun kahit pa ilang beses mo nakong nasaktan."
Mga matang ako lang ang nakikita noon.
"Ikaw padin naman talaga eh."
Pagod at mukhang puro pag tulo nalang ng luha ang ginawa ngayon.
"Let's start over again?" then a faint smile formed on her lips.
Unti-unti kong inangat ang kamay nya ay hinalikan toh ng may onting diin.
"I'm sorry Tony."
But I don't deserve it.
BINABASA MO ANG
Coffee Fix.
Romance"You're only one decision away from the life you've been dreaming of." Or not.