ALAMAT NG LIWANAG SA BUWAN

309 6 1
                                    

Ang buong kalawakan hanggang sa kawalan ay pinamumunuan ng isang diyos, makapangyarihang diyos na si Alham Wayu. Ang kanyang mga pinagkakatiwalaang kinatawan o tagabantay ng kanyang likha ay tinatawag siyang Alham na nangangahulugang Panginoon.

Sa lahat ng kanyang mga tagabantay, isa lang ang pinaka kilala, hinahangaan, tinitingala, at pinaka makapangyarihan sa lahat ng tagabantay... Si Sinag. Ang tagapagbantay ng Araw na siyang isa sa mga bituing nagbibigay liwanag sa mga planetang tinitirhan ng ibang mga nilalang.

 Ang tagapagbantay ng Araw na siyang isa sa mga bituing nagbibigay liwanag sa mga planetang tinitirhan ng ibang mga nilalang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Sinag ay may angking kagandahan na sadyang nakabibighani

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Sinag ay may angking kagandahan na sadyang nakabibighani. Kayang magpalit ng kanyang buhok ng itim at puti Siya ay napakatatas sa larangan ng pakikipaglabanan para maprotektahan ang Araw sa mga nagnanais na sirain ito. Sa sobrang lakas niya, kaya niyang makasira ng isang maliit na planeta sa isang labanan lamang. Sa kanyang angking galing ay labis ang kanyang natatanggap na papuri mula sa iba't ibang tagapagbantay, tinitingala siya nito na animo'y katulad ni Alham.


Ngunit, di gaya ng kanyang itsura, ay hindi ganoon kaganda ang ugali ni Sinag, at batid ito ni Alham. Siya ay may kapasidad at kaugalian na magpanggap para mapaniwala ang isang nilalang at paasahin ito sa huli, masyado rin siyang nagmamataas kapag kaharap ang ibang tagapagbantay kaya nakagagawa siya ng masama rito. Ganito narin ang ginawa ni Sinag sa isa niyang naging kaibigan, binigyan siya ng pagkakataon ni Alham na magbago at mukhang natutupad na niya ito. Siya rin ay mapanghusga sa mga nilalang o bagay bagay na kanyang nasisilayan. Dahil sa mga kaugalian niyang ito, sinadya ni Alham na bahagyang ilayo ang Araw sa ibang planeta para narin mailayo si Sinag nang hindi na siya makapanakit ng ibang nilalang.

----

Sa malayo, madilim, at tagong parte ng kalawakan, ay may isang planeta na tinatawag na Buwan. Ang Buwan ay isang planeta na walang liwanag, hindi kilala at walang angking kakayahan. Ito ay pinangangalagaan ng isang makisig, gwapo, mabait, at mapagmahal na si Dil-Im. Si Dil-Im ay hindi katulad ng mga sikat at magigiliw na bantay sa gitnang parte ng kalawakan. Mas gusto niyang manatili sa kanyang planeta katulad ng ilan niyang kasamang bantay sa karatig planeta kaysa ang makipag unahan para lang makakuha ng dagdag na enerhiya para maging mas malakas at makapangyarihan.

Alamat Ng Liwanag Sa BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon