Jenelle's PoV
"Ako na lang pupunta sa admin office kuya Sam dito nyo na lang ako hintayin dahil saglit lang naman ako" Bilin ko kay kuya Sam pagkababa ko ng kotse.
Andito ako ngayon sa university, tapos na enrollment period at isang linggo na nagumpisa yung klase though, may mangilan ngilan na hanggang ngayon ay tambay pa rin dahil hindi pa pumapasok ang ibang professors. Tumawag na ko sa admin kung makakahabol pa ko dahil Hindi ako nakahabol sa last day of enrollment dahil na rin sa mga nangyare. And thank God pumayag sila, since last semester ko na raw and graduating student na rin ako, kailangan ko lang ipasa yung completion papers ko from the past semester like clearance and evaluation forms and pwede na ko magenroll for On-JOB-Training subject ko. Actually ito na lang kulang ko dahil last sem pa namin nakuha yung thesis and yung ibang major subjects.
"Okay Ms. Mendoza you can start your OJT anytime, just need to attend the orientation para may guidelines ka sa mga need na requirements during your internship." Paliwanag ng isang admin staff
"Okay, thank you miss and about sa pagpili ng company kami na ba bahala? Or yung school yung bahala mamili? Tanong ko naman, sa ibang course kasi yung school ang namimili ng company like yung sa mga psychology students yung school namin namimili kung San sila ipapadala na Psychiatric Hospital or Clinic Lara dun magtake ng clinical practicum nila
"No Ms. Mendoza, kayo na po bahalang mamili dahil most of our BA students has their own Family business or a child of the CEO" buti nalang pwede, kausapin ko na lang siguro si Mommy kung pwede sa company na lang namin ako mag OJT and para malaman ko na rin yung about sa business namin never kasi akong nagcheck about family business namin
"Okay Miss Thanks!" Paalam ko dun sa admin staff.
Bago ako bumalik sa parking lot dumaan muna ako Cafeteria medyo nagutom ako dahil late ako nagising kanina kaya Hindi na ako nakapagalmusal. Andito ako ngayon sa Cafeteria medyo maraming estudyante ngayon, siguro dahil yung iba wala pa ring prof. Kaya dito muna tumambay.
Habang nasa pila bigla may narinig akong tumawag sa akin."Ate Jenelle!" Boses ng babae na mukhang alam ko na kung sino
"Ate Jenelle!? Yeah, ikaw nga!" Sigaw nya sabay yakap sa akin nang makalapit na sya at makumpirma na ako nga yung tinatawag nya.
"Yeah, hi Sofie, wala kang class?" Tanong ko sa kanya and tama nga ako sya si Sofie yung kapatid ni Shaun.
"Ahm.. Meron pero wala yung prof. Namin kaya we decided na magsnack na lang muna dito sa cafeteria. How about you ate, what are you doing here?" Tanong nya, so wala pa pala silang prof.
"Ah galing lang ako sa admin. Hinabol ko kasi ma enroll yung OJT ko, hindi ko kasi naasikaso agad." I explained ako na pala sunod sa pila.
"Maybe you can seat with us ate Jenelle para may kasama ka and makapagkwentuhan na rin tayo." Alok sa akin ni Sofie.