"Avi, kain na tayo, please!"
Napairap ako at nag-isip pa ng mga design para sa plates ko. Ang hirap ba naman kasing mag-isip kung ang ingay ng kasama mo.
"Manahimik ka nga nag-iisip pa ko e!" Ginulo nalang ni Sari buhok niya dahil alam niyang hindi pa ako kakain kapag wala akong maisip na design.
"Pano ka nag-iisip kung wala kang isip?" Pangbwe-bwesit niya sakin kaya binatukan ko ulo niya.
"Pakyu ka. Umalis ka na nga!" Pangtataboy ko sakanya. Pero binelatan lang niya ako.
"Gusto mo libre kita?" Tanong ko sa kanya kaya naman um-oo siya agad-agad. "Ulol. Kapal mo"
"Mamaya na nga yan. Sabado bukas gaga ka" wala na kong nagawa dahil niligpit na niya gamit ko at hinatak ako.
Lumabas kami ng school at pumunta sa stall ng kwek-kwekan.
"KKB to impakta ka" paala ko sa kanya kaya yung mga gamit ko na bitbit niya kanina ay binitawan niya kaagad kaya nahulog sa maduming kalsada.
"Letche ka, ang dumi na bag ko!" Hinampas ko siya at pinulot ang bag tsaka pinagpagan
"Mas madumi ka" pangbabara niya sakin.
"Nakakahiya naman sayo Sari" hindi ako magpapatalo no!
"Bumili ka na nga lang" sabi niya kaya bumili ako ng tatlong kwek-kwek.
Nang matapos na kaming kumain ay umuwi muna kami sa kanya-kanya naming condo dahil nag-aya sila Emily ng party. Ewan ko, pero puro lang party inaatupag nun e.
I wore black high-waist pants, black boots,and black tube. I decided to have simple make-up, para naman di masyadong bad girl ang dating. I also tied my hair in a bun para malinis ako tignan.
Pop out was the meeting place and it's actually near kaya nakarating din ako kaagad.
Nakita ko kaagad si Sari at Emily dahil nagsisigawan na sila at parang mamaya ay magsasabunutan na."Kasalanan ko bang panget ka at maganda ako? Ha?!" Sigaw ni Sari at sinamaan ng tingin si Emily na parang sasabog na.
"Hoy! Inggitera ka! San banda yung maganda? Di ko kasi mahanap!" Sigaw din ni Emily kay Sari at inirapan ito.
"Para kayong tanga" Sabi ko ng makalapit na ko sa table nila at nagsalin ng Cuervo. Napansin kong may iba palang dala si Emily.
"Buti at pumunta ka baklita ka" may pa sigaw na sabi ni Emily para magkaintindihan kami.
"Panong baklita?" pangbabara ko sakanya. At tinunga yung vodka na bigay nung lalaking katabi no Emily.
"Pakyu ka" at pinakita nito ang nagniningning na middle finger. Emily is actually a pretty gay. Mayaman ito kaya napakaarte sa katawan. Inakbayan siya nung lalaking lalaking katabi nito at naglampungan. Walang Forever!
Bigla namang nawala si Sari kaya uminom pa ko ng Cuervo at pumunta sa dance floor. Medyo tipsy na din ako pero nakaya ko pa ding sumayaw. Mamaya ay may sumayaw sa likod ko at tinusok yung ano niya sa may pwetan ko kaya naman hinarap ko ito at sinampal.
"Pakyu ka, peste" Sigaw ko rito at bumalik na sa table Kung nasaan sina Emily. Naghahalikan na sila Emily at nung lalaking katabi nito kaya mas nairita ako. Iniwan ko nalang sila at pumunta sa rooftop bar dahil medyo tahimik doon.
Kumuha na lang din ako beer at pumunta sa railings. Tanaw ko rito ang buong Manila at napakagandang tignan ang City lights.
"Are you alright?"
"Yeah" Sabi ko sa lalaking tumabi sakin at tinignan siya.
Mama! Ang gwapo!
"Saw you earlier.. and what the man actually did to you is so wrong" sabi nito at tinignan din ako. 'Bat ang ganda ng mata niya?
"I know but this is a bar, what do you expect? Na mag rosaryo sila dito?" He chuckled when I said that. He got dimples beh. Ang kyut..
Ko.
"You got a point though," he said. We remained silent for minutes and it stopped when his phone vibrated. He excused himself and answer the call. Nasimula na itong pumunta sa hagdan pero bago ito tuluying bumaba ay humarap muna ito sakin at nag-salute tsaka ngumiti.
I smiled back at him. At inubos na ang beer na hawak ko. I stayed for a while bago bumaba at pinuntahan ulit ang table ni Emily. Pero wala na siya doon, pero naroon si Sari nakikipag-usap sa Fil-am na lalaki.
Lumapit ako sakanila at napansin din kaagad ako ni Sari. "Tara na," Sabi ko at tumayo naman kaagad ito. They bid goodbye. Nung nasa parking lot na kami ay naghiwalay lang din kami ni Sari dahil medyo malayo naka-park sakin.
Medyo nahihilo na ko habang naglalakad. Malapit na ko sa sasakyan ng napansin kong gumagalaw yung sasakyan na nasa harapan ng sasakyan ko. Hindi ko na ito pinansin at sumakay na sa sasakyan. Aalis na sana ako pero nung tinignan ko yung sasakyan sa harapan ko ay may nakita akong mag jowa na naghahalikan.
Napasigaw ako at napindon yung busina ng sasakyan. Hindi pa naman tinted itong sasakyan kaya napihinto sila at tinignan ako. Nataranta naman ako kaya pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na.
I made the sign of the cross. "Jusko! Amen!" My innocent eyes!
YOU ARE READING
Youniverse (Cardova #1)
Fanfiction{Cardova #1} "When you became my Universe. I made a promise to my self to never let you go" -Eli