Silent Heart

26 9 3
                                    

FRIDAY
2:00 PM

Kringggggg...

(A/N: tunog po yan ng bell hehe pasensiya na^^ lovelots)

Yes tapos na ang klase namin makakasama ko nanaman yung bestfriend ko. May meeting kasi yung mga teachers namin kaya wala na kaming klase ng 2. Pero kahit wala na kaming klase heto kami ng bestfriend ko nasa school parin para hintayin yung mga kamag-anak naming guro.

"Twin" sabay takbo sakin ng bestfriend ko at yakap. Twin ang tawagan namin dahil para kaming kambal na hindi mapaghiwalay.

"Oh ang saya mo naman yata?" Sabi ko ng seryoso sa kanya. Asarin ko lang pero alam kong di papatalo to haha.

"Di wow" sabi neto sakin sabay kunwaring tumalikod. Haha sabi sa inyo eh di papatalo yan.^__^

"Ito naman binibiro lang eh hehe" abot ko ng kamay niya paawa effect dahil alam kong di ako matitiis neto hahaha. "Sorry na twin" kung bakit ba naman kasi niloko ko pa to. Ako pa tuloy ulit yung magsusuyo tsk tsk. Kaya napasimangot nalang ako nung parang naiinis parin yung mukha niya. Hanggang sa..

"Hahahaha joke lang ito naman hahahaha." Tawa naman niya. Ah ganon ah sige..hmmm hahaha

"Tsk bahala ka nga jan." At kunwaring iniwan ko siya dun hehe.

"Uy teka lang binibiro lang eh hahaha." Habol niya sakin hanggang sa paikot na asaran nalang yung nangyari samin sa araw na yun haha.
Kaya mahal ko yung bestfriend ko eh my partner at all time^^

Ako nga pala si Chloe yan nalang muna. SHS at malapit ng grumaduate kasama ang bestfriend ko na si Rosel. Di kami same strand pero napagkakasiya namin ang oras sa isa't isa.

MONDAY

"Uy Chloe nakagawa ka na ng tula na pinapagawa ni Ma'am Regorio?" Sabi ng kaklase ko pagpasok ko palang sa room.

"Ah oo eh, ikaw ba?" Sabi ko nalang sa kanya.

"Patingin nga ako." Sabi niya pero nahihiya akong ipabasa dahil may nakasulat don na hindi alam ng iba.

"Hmm secret nalang muna, may nakasulat kasi dun na private part hehe." Sabi ko sa kanya. Isa rin kasi sa hobbies ko ang paggawa ng tula. Ewan ko ba masyado ko na tong kinahiligan dahil sa tula mas naiexpress ko yung damdamin ko.

"Ah ganon ba, okay lang. For sure maganda nanaman yang tula mo." Sabi niya ng may ngiti sa labi kaya nginitian ko nalang rin siya.

Mamaya ang pasahan ng tula naming yun ipapabasa ko nalang muna sa bestfriend ko na si Rosel kung okay lang ba yung ginawa ko.

AFTER LUNCH
12:36 PM

"Hello po" sabi bi Rosel sabay upo sa tabi ko pagkapasok niya sa room kung saan nakalocate yung ate ko sa pagtuturo. Magkatabi lang kasi yung rooms na pinagkakainan namin, yung sa kabila office ng tita niya kaya lagi kaming sabay kung pumasok rin sa afternoon class namin^^

"Pasok na ba tayo?" Ako habang naglalagay ng pulbos sa mukha.

"Maya pa unti, gusto mo ayusan kita?" siya habang nakangiti.

"Sige yieee hahaha" sabi ko sabay duro kunwari sa tagiliran niya. "Nakakahiya hahaha" hirit ko pa kunwari sa kanya. Isang bagay na nagustuhan ko kay Rosel. Yung sobrang hilig niya akong ayusan. Kaya mamimiss ko siya kapag sa college dahil baka di na kami same school.

"Sus nahiya ka pa, ano bang gusto mong ayos ng buhok?" Siya habang sinusuklayan ako.

"Kung ano sa tingin mo yung bagay yieee"

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now