E N T R Y #5
🔥🔥🔥🔥🔥
"Our Promises"
***Dalawang taon narin mula ng sagutin ko siya, at hanggang ngayon ay naaalala ko parin kung gaano siya kasaya noong mga oras na 'yon.
"Best gift ever!" sambit pa niya saka ako niyakap ng mahigpit.
"Sus! Totoo ba?" biro ko sakanya habang magkayakap kami sa harapan ng pamilya at mga kaibigan namin.
Inilayo niya ako ng bahagya saka hinawakan sa magkabilang pisngi-- "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. I love you, honey! Pangako ko sayo hindi kita iiwan, hindi kita sasaktan at hindi-hindi ako magloloko. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay." diko napigilang maluha sa sinabi niya.
Ganun pala yung feeling kapag nahanap mo na yung taong magpapatibok ng puso mo, yung tipong siya lang yung makakagawa ng mga 'weird' thingy sa buhay mo.
Kagaya nalang kapag nandyan siya hindi ka mapakali..
Kapag tinititigan ka niya feeling mo hindi ka kumportable kasi nahihiya ka..
Isang yakap palang niya feeling mo secured ka na.
Isang sorry lang niya okay na naman ang lahatAt.....
Isang I LOVE YOU lang niya sobrang bilis na ng tibok ng puso mo.
Pero..........
Sa isang relasyon, hindi rin mawawala yung magkaroon kayo ng bangayan at pagkatapos ay magbabati rin naman.
"Nakakainis ka naman! Kaya pala hindi mo ako sinundo kanina dahil may pinuntahan kang ibang babae sa ibang school. You promised me na ako lang ang babaeng mamahalin mo, na hindi ka magloloko pero-----"
"Honey, let me explain please?"
"For what?"
"Relax! Ikaw lang naman ang mahal ko tsaka hindi ako magloloko. Takot ko lang sayo no. Pinsan ko yun, pinasundo sakin ni tita dahil may sakit siya, ayun dinala ko sa hospital. Gusto mo tawagan pa natin eh."
Still we managed to surpass every struggles. We stand strong.
Alam mo yung pakiramdam na, nakikita mo na yung future mong kasama siya?
Yung pakiramdam na anjan yung bangayan pero mas nangingibabaw parin yung pagmamahalan?
"Happy monthsary hon, sana walang magbabago ha? Sana kahit sobrang dami ng problemang dumating walang susuko. Laban lang!"
"Oo naman hon. Walang sukuan. Pangako walang magbabago kahit na ano pa man ang mangyari."
At siya rin yung magpaparamdam sayo kung gaano ka ka-importante sa lahat ng bagay na meron siya.
"Marami mang bagay na wala ako, pero pagdating sayo kompleto na ako, at dahil dun natuto akong makuntento."
"Hon naman eh, pinapaiyak mo ako."
"Wala ng hihigit pa sayo. Pangako hindi na ako maghahanap pa ng iba, basta promise mo walang iwanan ha?."
"Mas lalo naman ako, mahal na mahal kaya kita at pangako, walang iwanan!."
Kiniss niya ako sa noo saka pinunasan ang mga luha kong patuloy parin sa pagpatak. "Kahit pala umiyak ka maganda ka parin. Tama na! Baka sabihin nilang pinapaiyak kita, nangako pa naman akong hindi kita paiiyakin."
"Sira! Tears of joy you know!"
I'm very lucky to have him in my life.
He completed me..❤Pero bakit ganun?
~
MASAKIT oo masakit, SOBRA!
Pero kahit papaano ay masaya din sa pakiramdam na binabalikan ko yung mga ala-ala naming dalawa.Pero bakit pakiramdam ko napaka-unfair ng mundo?
"Shhh. Tama na yan Ibhel, kung buhay lang si Mark for sure ayaw niyang nakikita kang ganyan." wika ng mommy ni Mark. "By the way, mauna na ako. Sunod ka narin ha?"
Tumango ako at nung nasigurado kong ako nalang ang tao sa sementeryo ay doon mas bumuhos ang mga luha ko.
"Akala ko ba walang iwanan? Bakit ang daya-daya mo?"Pinaghahampas ko ang lapida niya at pinaghahagis ang mga bulaklak na nasa side nito.
Ramdam ko ang lamig at lakas ng buhos ng ulan ngunit wala akong pakialam. Wala narin naman yung taong nagsisilbing buhay ko.
"Napakasinungaling mo! *sob* BAKIT MO NAMAN AKO INIWAN?"
💔💔💔💔💔💔Isang buwan narin ang lumipas magmula ng mailibing siya.
"TUMULONG KA LANG NAMAN PERO BAKIT IKAW PA YUNG NAWALA? BAKIT?????!!!!"
Ang sakit! Sobra! Bakit kung sino pa yung totoong nagmamahal sila pa yung nawala?
"ASAN NA YUNG MGA PANGAKO NATIN? PAANO PA NATIN YUN TUTUPARIN KUNG TULUYAN MO NA AKONG INIWAN?"
Alam ko namang hindi na niya masasagot ang mga katanungan ko pero gusto ko lang malaman niya na mahal na mahal ko siya....... SOBRA!
'till we met again, my Mark!'