Chapter I

9 0 0
                                    

ᴍɪᴋᴇᴇ's ᴘᴏᴠ

"A-aray!"

Kung itatanong nyo ang nangyari, well, nahulog lang naman ako sa kama dahil sa bwisit na alarm clock yun! Bwisit talaga!! Mamaya na ko babangon, shet, antok pa ko eh. Five minutes na lang promise.

Pero wala pang five minutes ay may kumatok na sa pintuan ko.

"Mikee, gising na anak, male-late ka na naman sa klase nyo," panggigising ni Mama. Sya ang pinaka maganda, pinaka mabait at pinaka mapagmahal na ina na nakilala ko. And let me tell you a secret. Sa kanya ko lang naman namana ang gandang di ko inaakala. Yah, my beautiness!

(My word bang ganun? Baka beautiless)

Aba ewan ko sayo, isusulat sulat mo tapos kokontrahin mo din yung sarili mong sinulat. Author yung totoo? Matino ka pa ba? Maiintindihan ko naman kung sa Mandaluyong ka mag-a update ng story mo.

(Heh!)

"Eto na po Mamsh," sagot ko. Kahit ang totoo ay tutulog pa ko.

*After five minutes*

"Anak, gising na. 5:08 na," si Papa naman yan. Sabi ni author-- este nila, kamuka ko daw si Papa. Pero di ako naniniwala. Si Papa wafuu, ako dyosa. Pano ako magmamana sa kanya aber?

(Kapit readers! Super lakas ng hangin!)

At least ako may maiipagyabang. Ikaw ba author?

(Hoy! Ako ang original na dyosa!)

Sus, eh wala ka ngang jowa. Hahahaha. Ni-ghosting ka pa.

(Heh! Bastos na bata! Back to story na.)

"Yes Papsh,"

Bahala na, basta tutulog pa ko.

*After 5 minutes*

Napabangon agad ako sa gulat dahil may kumatok sa pintuan ko ng
"MIKEE! PAG DI KA BUMANGON---"
"HEH! KUPAL KA, ARAW ARAW MO NANG IPINANGTATAKOT SAKIN YAN! DI NA YAN E- EFFECT!"

"Isa Mikee! Sisirain ko talaga ang pintuan mo!" sigaw nya pero nakahiga pa din ako at nakapikit.

*Boogsh*

Wtf?!

"Diba sabi ko sisirain ko. Wag mo akong sinusubukan Mikee," seryosong saad nya. Napalunok na lang ako.

"H-hehe. Bat mo ba sinira Josh? Masyado kang hot ngayong umaga. Eto nga oh, maliligo na nga. Oh eto na, papasok na ko sa cr. Eto na, ni lock ko na yung pinto," napasandal ako sa pinto at napahinga ng maluwag ng mai-lock ko ito. Shet!

Sya si Joshen Astriel Matthias. Pinaka hate kong tao sa buong Galaxy!! At kung itatanong nyo kung anong ginagawa nya dito? Well, dito lang naman sya nakatira. Ganito kasi yan...

(A/n: Yung naka Italic, flashback yun)

"From now on, dito ka na titira,"
"But Mom---"
"No more buts Joshen! Binigyan kita ng chance na magbago. Pero sa halip na ipakita mo sakin na seryoso ka sa pag aaral mo. Nagbulakbol ka pa! Joshen naman! Sana matuto ka na ngayon!"

May bisita kami ngayon, dating amo ng mama ko. Katulong kasi dati si Mama sa kanila.

"Michelle, aware ka naman dito diba? Wag kayong mag- alala, papadalhan mo kayo ng magagastos nya dito. Medyo pagpasensyahan mo na ang ugali nyan," yan yung amo ni Mama.

He's Dating A Beki!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon