11

92 1 0
                                    


|| BATTLE WITH MY CRUSH ||

"HANDA NA BA KAYOOOO?!" Sigaw ng Host sa booth na pinuntahan namin. Valentine's day kase ngayon kaya dagsa ngayon ng mga booth! Kaso ewan ko sa mga kaibigan ko at sa Booth na 'to pa kami pumunta.

BATTLE WITH MY CRUSH!

"Hindi ba kayo pinapansin ng mga crush nyo?! Kawawa naman! Pero okay lang yan! Ngayon oras na para mapansin kayo!! Kunin nyo na crush nyo at dalhin nyo rito kung saan maglalaban kayo gamit ang mga banat nyo!!! Kunin at dalhin nyo rito sa ayaw at sa gusto nila!! Dito nyo ibuhos lahat ng mga hinanakit nyo kaya ano pang hinihintay nyo?! KUHANIN NYO NA CRUSH NYO!"

Nagsigawan ang mga studyante at nagkagulo dahil yung iba ay tumakbo papalayo at 'yung iba hinabol 'yung crush nila.

Nagulat na lang ako nang may humatak sa'kin at tinulak ako sa tapat ng host.

"YAN! SYA UNANG MAKIKIPAGLABAN!"Nagulat ako sa sinabi ng kaibigan ko! Mga baliw talaga!

Papalag na sana ako nang may bumanga sa'kin! Napatingin ako at si crush pala! Si Vaughn! SHYET NA MALAGKET!

"YAN YUNG CRUSH NYA!" Napapikit ako sa sigaw pa ng kaibigan ko! MGA PISTE!

"HEPHEPHEP! WALANG AALIS! KAYO NA NANDITO KAYA PANINDIGAN NYO!"

Mukhang wala na akong kawala sa sinabi ng host!

Napatingin naman ako kay Vaughn na nakakunot ang noo! Waaaaah!

"Ganito gagawin nyo. Magbabato bato pick kayo kung sino ang unang babanat. Talo ang una! Ilabas nyo na lahat hinanakit at sasabihin nyo lalo ka na ate gurl! So lets start!"

Nagbato-bato pick kami at buset ako yung talo!

"GO ATE GURL! UNANG BANAT MULA KAY ATE GURL!" Nagsigawan naman 'yung mga manonood. Ughhh!!!

Humarap ako kay vaughn at walangya! Nakangisi sya!!!

"C-crush!—Este Vaughn! Class suspension ka ba?" Shyet ke self!

Hindi sya sumagot pero itutuloy ko. Tama ibuhos lahat ng hinanakit!

"Alam mo kung bakit? Kase madalas kang PAASA!"

Nag si OWW naman sila sa sinabi ko. Yes!

"Meron pa! Buraot ka ba?"

Umiling iling lang sya nang nakangisi!

"Kase yung pagmamahal ko, ikaw na nga binigyan ako pa naubusan!"

Tumawa naman yung iba. Ano ka ngayon Vaughn?

Babanat na sana sya pero 'di ko sya pinagbigyan.

"Pero okay lang naman Vaughn! Alam mo 'yung bonding?"

Napakunot na sya ng noo.

"Ionic bonding
Metallic bonding
Mahal ko ikaw padin!"

"YIEEEEEEEEEEEEEEE! GAMOMOCHICHI EMPERADOR!" Natawa ako sa cheer ng mga kaibigan ko.

Tumingin naman ako kay vaughn na natawa konti. Crush! Mahulog ka sana—sa'ken!

"CHAROT!" Sabi ko at tumawa naman ulit 'yung mga manonood.

"Alam mo 'yung root?"

SHYET!! 'AYAN NA!! BABANAT NA SYA.

Magsasalita na sana ako nang putulin nya sasabihin ko.

"Square root
Cube root
Banat mo laging may chaROOT
Kaya puso mo laging kumikiROOT."

"BWUAHAHAHAHAHAHAHA!"

Natameme ako sa sinabi nya. A-no daw?

"Wag mo kase lagyan ng charot 'yung mga banat mo. Panindigan mo." Napatigil ako dahil lumapit sya sa'kin. SHYET NA NANLALAGKET!

"YIEEEEEE!!"

"Wag na tayo dito. D'on na tayo sa wedding booth, wife." Aniya at hinila ako papalayo.

AAAAAAACKKK!! IKAKASAL NA'KO!

____
@Darviel Valentine

OneShots CollectionWhere stories live. Discover now