Chapter 1
Unknown call.
"Miss Madrigal, isang tawa mo pa lalabas ka na nang klase ko." sambit ni Ma'am Herrerah sa kalagitnaan nang discussion niya.
Blah blah blah. I don't care. As if naman nakikinig din ang mga kaklase ko
Tumahimik na lang ako para hindi na ako mapahiya. Binuksan ko ang Chanel bag ko at kinuha nalang doon ang airpod ko.
Nagssound trip ako nang bigla akong kinulbit ni Pauline. Tinanggal ko ang airpod sa tainga ko. "What do you think-" naputol ang sasabihin ni Pauline nang may lumanding na ereaser board sa desk namin. Magkadikit kasi ang desk naming dalawa
"What the?!" ani ko tapos biglang harap sa unahan. Nakatingin nang masama si ma'am Herrerah sa aming dalawa ni Pau.
"Sumosobra kana miss Madrigal. The two of you meet me at the detention room this afternoon" galit niyang sabi sa amin. Hayss lagi nalang nababanggit apelyido ko. Bwiset!
Napasandal ako sa upuan ko. Tss hindi din naman ako pupunta sa detention room noh.
Tiningnan ko si Pau at bigla akong natawa nang nakita kong nakabusangot ang mukha niya.
"Pffttt... don't tell me that you're affected by what ma'am Herrerah said?" sabi ko nang pabulong sa kanya.
Baka mabeast mode nanaman si ma'am ihh.
"Sinong nagsabi?" taas kilay niyang sambit
Pagkatapos nang subject namin kay ma'am Herrerah ay pumunta na kami sa private room naming magkakaibigan.
We have our exclusive room only for me and my friends. Malaki ang share ni daddy sa university na ito at kaibigan niya ang dean namin. Kaya napagawan niya kami nang room only for the five of us.
Paakyat na sana kami nang may mabunggo si Maxine na babae at natapunan si Max nang juice sa skirt niya
"Wth?! Look what you've done! Natapon yang juice mo sa palda ko. What a bitch!" galit na sabi ni Maxine
Halos matawa ako sa nangyari. Napatingin ako sa babae. Aww I feel so sorry for her
"S-sorry miss Lee. Di ko po sina-" di na niya natapos ang sasabihin niya nang tinapunan rin siya nang juice at spaghetti ni Maxine. Galing sa tray nung babae. She messed up with the wrong girl
Wala ng masyadong dumadaan sa hallway nato kasi lahat nang studyante ay nasa cafeteria.
"Max okay na yan. Don't waste your time sa kanya. She's nothing but a clumsy student. Come on na manood na lang tayong movie and may spare of clothes ka panaman doon sa room" Aislynn said tsaka nilagpasan yung kawawang studyante.
Sumunod ako kay Aislynn pero bago ako lumagpas sa studyante ay nagpout muna ako sa kanya, yung nangaasar tapos bigla ako tumawa.
Bago kami umalis tinulak muna ni Max yung babae kaya napa upo ito. Sabay sabay kaming tumawa.
We are known sa university na ito as bully /badass girls. Maraming takot sa amin unlike those freshmen na hindi pa kami masyadong kilala.
Pagkapasok namin sa private room, pumunta agad ako sa kwarto ko at humiga ako sa kama ko. Hayss. What a fool day?
Bumangon ako para kumuha nang pagkain sa kitchen namin. Nakita kong nagpupunas nang skirt si Max I bet her skirt is to expensive and important kaya siya ganyan. Nanonood naman nang movie si Pau at Aislynn sa sala. Samantalang nagbabasa naman nang libro si Eurydice sa harap nang window namin kung saan may malaking field.
"Damn! That clumsy student. Hindi pa kami tapos" napalingon ako kay Max habang kumakain nang sandwich. Di pa rin siya nakaka move on sa studyanteng yun. Ano kayang susunod niyang gagawin?

YOU ARE READING
A project called Love
De TodoAnd yes he is my coach. Sino ba namang magaakala na mahuhulog ako sa kanya right? Well I don't care. Basta lahat na nasa kanya, even my schoolmates nagkagusto sa kanya and I am no exemption.