EVO's POV
'Anong nangyayari sakin , hindi ko alam kung anong ginagawa ko.. kahit anong gawin kung pag tabuyan sa kanya hindi parin sya lumalayo. I need to do something nakakapagod na' kausap ko sa sarili
"Evo, hoy Evo ang lalim ata ng iniisip mo kanina pa kita kinakausap ah" untag sakin ni Mark kaibigan ko , ako nga pala si Evo 20 years old
"Ah! Wala may iniisip lang" sagot ko
"Ay sus ! Si Mel nanaman yan no . Naku! Naku! Sabi ko sayong sabihin mo nalang ang totoo para naman hindi siya mag mukhang tanga! Siraulo ka talaga!" Bulayaw nya sakin .
"Hahay ! Kung sana ganun lang kadali pre, kung sana..." si Mel girlfriend ko at yung tinutukoy nya ay nakikipag kalas na ako sa nobya kong mahigit limang taon na kaming mag on peru hindi ko masabi sa kanya ang totoong dahilan ng pakikipag hiwalay ko.
"Ewan ko sayu pre! Ang hirap mong spellingin . Bahala ka nga sa buhay mo na e stress na ako sayu sayang sa ka gwapohan ko . Kung sana pwede lang na ako ang magsabi edi tapos na problema mo . Kaya lang ayaw kung makialam. Buhay mo yan e. Alis na ako may klase pa ako." Mahabang litanya ni mark bago umalis.
'Kung sana lang may lakas ng loob ako.kagaya mo . Peru napaka hirap sobrang hirap '
MEL's POV
'Hindi ko alam kung anong problema sakin bakit nyang gustong makipag hiwalay sa limang taon namin mahigit hindi ako papayag na walang tamang rason . Nakakainis naman e . Ano ba kasing problema sakin .'bulong ko sa sarili .
"HINDI AKO PAPAYAG" sigaw ko biglang tayu . Lahat ng nakapalibut sa amin biglang nagulat sa pag sigaw ko lalo na ang katabi ko.
"Girl okay ka lang ? Yan ba ang napapala sa hinihiwalayan? " nag aalalang pahayag ng kaibigan kong si Mitch
"Hehehe"sabay peace sign ko at umupo ulit "Sorry naman. Hindi ko naman alam na masasabi ko through loud speak. Hehehe" ikaw talaga Evo ang may kasalanan nito para na tuloy akong baliw.
"So what's the plan ba at makasigaw ka dyan. Bakit kasi ayaw mo nalng pakawalan." Saad nman ng epal na mitch
"Luka luka ka talaga. Nakakainis ka imbes na damayan mo ako! I hate you" sabay pout ko
"Joke lang sige na nga go na. Ano na plano mo girl at makasigaw ka ?" Sabi nya sabay hawak yapos sa akin
"I will talk to him later" final na sabi ko
" Na naman?"
"Yes ! At ito na ang huli . Huling buhos ko na ito?"
FAST FORWARD
"Evo!" Tawag ko kay evo . Tinext ko sya at sinabing kong huling pag uusap na namin ito at magkikita kami sa aming tagpuan
"Hmm" Yun lang. Nakakainis.
"Can you explain clearer to me? Bakit Evo may iba kana ba?" Tanong ko sa kanya my god sumagot ka ng maayos evo naiiyak na ako
"Hmm"sagot na namn nyang hindi makatingin ng diretso sa akin
"Wala ka bang ibang isasagot kundi hmm ng hmm .ha? Nakakatarantado naka evo ."
"Ayaw ko na"
"Anong ayaw mo na Evo?" Gusto kong mag explain ka ng maayus Evo .
"Ayaw ko na" at tuluyan ng tumulo ang aking luha
"Tumingin ka sakin evo . Hindi mo na ba ako mahal? Evo sumagot ka ng maayus."
"Marami pang iba na kaya kang mahalin"
"Evo . Ikaw lang ang mahal ko . Ikaw lang ang gusto ko-"
"Ayaw ko na sayu" sagot nya sakin sabay tingin sa malayu
"Ikaw lang ang gusto ko evo . Napag planohan na natin lahat diba? Ikaw lang ang nakikita ng mga mata at puso ko Evo" pagsusumamo ko . Sabay lapit sa kanya
"BULAG KA BA? BAKIT AKO? HINDI AKO NARARAPAT SAYU! BULAG KABA? AT AKO LANG ANG NAKIKITA MO? i'm so tired to love you" sigaw nya at binulong nalng ang huling salitang binigkas na na tagus sa puso
"Oo bulag ako, Bulag ako kasi wala akong ibang nakikita kundi ikaw! Ikaw na walang ginawa kundi paluhain lang ako!, walang ibang ginawa kundi durogin ng paulit-ulit ang puso ko . Peru kahit kailan wala kang ibang narinig kahit ano mula sakin kasi mahal kita . mahal na mahal"- mahinang sambit ko peru alam kong na ririnig parin nya "Pasinsya nat ikaw lang ang nakikita ko . Peru anong magagawa ko evo mahal na mahal kita . Hindi ko kayang mabuhay na wala ka Evo . Ikaw na .. ikaw na nagmahal ng labis sakin" noon "ikaw na ayaw na ayaw akong magkasakit" noon "ikaw na nag paramdam sa akin kung gaano ako kahalaga Evo . Ikaw ang nagturo sakin paano mag mahal Evo . At ngayun tuturoan mo akong maghanap ng iba? . Iba ka talaga Evo! Kahit anong gawin mo hindi kita bibitawan kahit anong mangyari Evo . Kahit mamatay man ako. Ikaw at ikaw lang . Oo bulag ako . Kaya kung bulagin ang sarili ko para sayu Evo . Bakit akala mo ba Hindi ko alam . Oo alam ko Evo may taning na ang buhay mo." Mahabang sabi ko
"Paanong?-"
"Paano ? Nalaman ko kahapon sa mama mo . Oo tumawag ako sa kanya at hindi nya napigilan sabihin sakin ang lahat. Evo ano bang tingin mo sa akin. Ha!? "Sabay tulak ko sa kanya habang umiiyak "na hindi kita kayang alagaan. Magpagaling ka evo . Nalaman ko kay tita na kapag nag pa chemo ka may posibilidad na gumaling ka. Aalagaan kita evo at hindi kita iiwan. Yan ang itatak mo sa utak mo. Sabay nating haharapin ang laban" sabay yakap ko sa kanya ng umiiyak
"Peru maliit lang ang tyansa na mabubuhay ako" saad nya ng umiiyak na rin
"Wala akong pakialam bastat lalaban tayo Evo , lalaban tayo"
"Bulag ka talaga"
"Bulag sa pagmamahal ko sayo Evo , mag papa galing ka Evo.."
"mahal kita mel"sabay halik
"Mahal rin kita Evo ,Sobra"
END
BINABASA MO ANG
I am Blind
Short Story'Oo bulag ako, Bulag ako kasi wala akong ibang nakikita kundi ikaw! Ikaw na walang ginawa kundi paluhain lang ako!, walang ibang ginawa kundi durogin ng paulit-ulit ang puso ko . Peru kahit kailan wala kang ibang narinig kahit ano mula sakin kasi ma...