Chapter 1
♬ GRACE'S POV ♬
"Sasabihin ko una kung sino ang Champion" sabi nung MC. What? Sasabihin niya una kung sino ang Champion? Akala ko last yan. Diba last yung Champion? Bakit una yung Champion? Bahala na nga! Well, finals naman ngayon. Dalawa na lang kasi ang natitira.
Alam kong sila ang mananalo.
"And the champion of this Summer Rock and Roll is.........." Sabi nung MC. May mga drum rolls effect pa!
Sila talaga ang mananalo!
I can feel it!
"is...........................................................................................................................BREAK SOME LIMITZ" nagpalakpakan ang mga tao. Ang daming sumisigaw ng 'Break Some Limitz'
Lumakad patungo sa stage yung members ng Break Some Limitz upang kunin yung trophy nila.
Ngumiti lang ako ng dumaan sila.
"I can't accept this!" Sabi ko sa kanila. "Dapat tayo yung Champion." sabi ni Mae.
"Oo nga!" Sumangayon naman si Dette.
"OhMyGosh! Tinalo nila tayo!" Sabi ni Tash at nag-aact na parang maco-collapse.
"Ano yung ginagawa mo?" Tanong ni Kris kay Feptz na busy sa cellphone habang nakangiti.
"Kanina ka pa diyan sa cellphone mo ah! Todo ngiti pa!" sabi ko. Hindi pa siya na-apektuhan na natalo kami?
"Tinitignan ko lang yung picture ni Krassssss" sagot niya na parang kinikilig.
Napatingin kami sa anim na lalaki na huminto sa harap namin.
Napakunot yung mga noo namin ng nakita namin kung sino yung mga lalaking yun.
"Tch! 1st Runner Up? Well, nice try" sabi nung isa. Takte! Ang yabang ah! Akala mo kung sino!
"Kami yung champion........................again" sabi nung isa tapos dinilaan kami. Aba! Ang salbahe! Mga bastos!
Nagsitawanan sila tapos umalis na sa harap namin. Mabuti at umalis na sila! Naku! Kung hindi, malilintikan ko talaga sila. Mga hambog!
Ugh! Nakakainis talaga!
As you can see este read, Normal na talaga na ganun yung trato ng members ng Break Some Limitz sa amin, lagi na kasi kaming nag-aaway. Rivals kami eh! Bale, ginagawa nila yun sa amin at ginagawa din namin yun sa kanila.
Di ko pala na-introduce ang mga members ng band.
Meet Feptzam Marize Angie G. Perez - The Lead Vocalist in the band. She really loves to sing. Otaku siya/ Anime Lover. Maraming crush pero wala namang love life. Laging love ang gusto niyang topic.
Meet Maelah G. Chua - The Guitarist in the band. Often called as 'RainbowMinded' sa grupo. Pervy type siya pero hindi naman malandi.
Meet Kristelyn U. Sy - The Pianist in the band. Para siyang nagsusuot ng mask kasi kapag nasa public siya, napaka-cold ng attitude niya pero kapag with friends, napaka daldal.
Meet Bridgette B. Santos - The Drummer in the band. Siya ang silent type sa grupo pero friendly naman siya. Para na siyang Mother sa grupo.
Meet Jewel Tash A. Lim- The Bassist in the band. Siya yung overreacting sa grupo. Minsan siya din yung joker.
Meet Grizell Ann R. Cruz (Me) - The Manager of the band. Napaka-bossy pero mabait naman. Eldest sa grupo, of course. Kaya ako ang manager diba?
Okay! So ayan! Alam niyo na kung sino kami.
♬ SOMEONE'S POV ♬
"Kuya, kumuha ka ng band for this Thursday." sabi ko sa Kuya ko habang ngumingiti.
''Huh? Bakit kapa kukuha ng banda eh may banda nam--" Nalilitong tanong ni kuya.
''Ehh. Gusto ko babae! Gusto ko yung Tranquilities eh.'' Putol ko sa tanong niya.
''Tsk. Fine.'' Sagot naman niya.
I hugged him "Thanks Kuya!" I said while hugging him. I'm so excited!
✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖° ✖°
[Members of the TRANQUILITIES on the media]
Short chapter
Salamat sa mga taong nagbasa sa Chapter 1.
♬VF